THRONE: 19

2.2K 98 1
                                    

ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


Nagdadasal ako noong mga sanadling iyon, gustuhin ko man ang manlaban sa kanila, di ko naman alam kung paano ko gagawin iyon, oo nga't hindi nila iginapos ang aking mga kamay pero sa higpit ng pagkakapiring sa aking mata at magkakatakip sa aking bibig ay dinaig ko pa ang isang mahinang tuta, tanging dasal na lamang talaga ang aking magagawa, umaasa ako na hindi haling ang bituka ng mga taong dumukot sa akin.


"May nakakita ba sa atin kanina?" ang nadinig kong tanong ng isang lalaki.


"Wala naman, sinigurado ko na walang makakakita sa atin noon, at kung meron man naayos na ng mga kasama natin yun." Ang sagot naman ng isa pang lalaki na katabi ko.


"Mabuti kung ganon, kung tutuusin pwede talaga tayong mapahamak dito." Ang sabi muli ng lalaki na unang nagsalit.


"Ano ka ba, ngayon ko lang nalaman na medyo matatakutin ka pala, ha-ha." Ang sabi ng isa pang lalaki, noong mga sandaling iyon ay pinakinggan ko sila, ang boses ng dalawang lalaking ito tila ba nadinig ko na dati, pamilyar sa akin ang boses nila pero di ko pa din maisip kung sino ang nagmamay-ari ng boses nila.


"Wag kang mag-alala, di ka namin sasaktan basta makisama ka lang." ang sabi ng isa pang lalaki na medyo may pakmanipis ang boses, at doon ko lamang napagtanto na apat pala kaming nakasakay sa sasakyang iyon.


"Oo nga makisama ka lang at magiging maayos ang lahat." Ang sabi ng lalaki na katabi ko, "oh nandito na pala tayo eh." Ang dagdag nitong sabi at kasabay noon ay naramdaman kong huminto ang sasakyan.


Nadinig ko ang paggalaw ng mga lalaking kasama ko sa sasakyan na naghuhudyat na lalabas sila sa sasakyan, mayamaya pa ay may biglang humawak sa aking kamay, noong mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng kapanatagan, tila ba yung takot ko kanina ay naglaho bigla, ang kamay na humawak sa akin hindi ako pwedeng magkamali sa kanya ito.


"Ayos ka lang ba?" ang tanong sa akin ng lalaking may hawak ng kamay ko habang nasa kotse pa din ako, ang boses na iyon, ang lalaking ito, sigurado ako si Milan siya. Pero dahil sa nakatakip ang bibig ko ay isang tango lang ang sinagot ko sa kanya.


"Medyo nahirapan kami na kidnapin yan ha." Ang sabi ng isang lalaki.


"Oo nga kinailangan pa namin gawan ng paraan para lang mapiringan siya kahit nakasalamin, buti na lang mabilis ang kamay ko at nagawa ko na alisin agad ang salamin niya at takpan ang mata niya." Ang sabi ng isang lalaki na medyo may kalakihan ang boses.


"Mga sira talaga kayo, eh kulang na lang igapos niyo ang prinsesa ko." Ang nadinig kong sabi ni Milan, kasabay noon ay ang pag-alis niya sa takip sa bibig ko.


"BB... ikaw ba yan? Ikaw ba talaga yan?" ang agad kong tanong ng maalis na ang takip sa bibig ko.


"Oo CC ako nga ito, wag ka mag-alala ligtas ka, masiyado ka bang kinabahan sa ginawa nila Gino?" ang tanong ni Milan sa akin, noong sandaling iyon ay mas nakahinga ako ng maluwag, sa pagkawala ng takot ko nab aka nakidnap ako ay di ko napigilang maluha.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now