THRONE: 24

2K 97 7
                                    


MICHELLE'S POINT OF VIEW:


"Hoy Mitch, kanina ka pa diyan sa tapat ng pinto ha, sino bang hinihintay mo?" ang tanong sa akin ni Jordan sa akin habang nakaupo ako sa tapat ng pinto at pinagmamasdan ko ang gate ng paupahan ni tita Doris.


"Umuulan na kasi, wala pa din si Alastair, ibig kong sabihin ay wala pa din sila Alastair, tiyaka nag-aalala lang ako kasi kanina lang di ko na naman makausap ng matino si Alastair." Ang sabi ko naman na may halong lungkot at pag-aalala ang tono ko.


"Ay sus sila Alastair daw, sabihin mo si Alastair talaga, di ka na nasanay sa dalwang yun eh away bati yun, kasi naman kanina naabutan ko na pinagkakatuwaan si Milan at Kathryn, ayon kay Milan nakita ni Alastair yun at umalis sa gym." Ang sabi ni Jordan at mas nag-alala ako kay Alastair noong madinig ko iyon, marahil ay nasaktan talaga siya ng sobra, kaya hindi ko makausap ng matino kanina si Alastair, hay naku hindi pa naman bagay kay Alastair ang nalulungkot.


"Alam mo yang si Milan pepektusan ko na yan eh, wala nang ginawang matino kundi paiyakin si Alastair." Ang sabi ko, di ko na naiwasang maglabas ng kaunting inis sa nangyayari.


"Halatang halata na kita, Mitch ha, tandaan mo di ka dapat makisawsaw sa kanila, kaibigan natin sila kaya dapat unahin kung ano ang mas makakapagpasaya sa kanila kaysa sa makakapagpasaya sa sarili natin." Ang sabi ni Jordan sa akin.


"Oo alam ko naman yun, naiinis lang talaga kasi ako." Ang sabi ko naman sabay pout ng nguso.


"Tiyaka kung tutuusin di naman kasalanan ni Milan yon, si Kathryn ang problema parang linta kung makadikit, alam mo yun parang may sapak yung babae na yon, sayang maganda pa naman siya." Ang sabi ni Jordan at medyo napataas pa ang kanang kilay ko noong madinig ko ang huling sinabi niya na tila ba may panghihinayang pa.


"Hoy Jordan, anong parang may sapak? May sapak talaga yun 'no, sinong matinong babae ang pilit na makikiagaw at sisingit sa isang relasyon? Tiyaka talagang kailangang nanghihinayang ka pa sa kanya? Duh di hamak naman na maganda ako dun 'no." ang sabi ko naman, "siguro may gusto ka kay Kati Rin este Kathryn pala." Ang dagdag kong sabi.


"Ano? Tumino ka nga di ganon ang tipo kong babae, ayoko ng may sapak, ikaw nga lang di na ko magkandaugaga dadagdagan ko pa?" ang sabi ni Jordan na nakangisi pa kaya naman hinampas ko siya.


"Hoy anong ibig mong sabihin may sapak ako?" ang sabi ko at hinampas ko ulit siya sa balikat niya at natatawa lang ang sira, nagpatuloy kami sa harutan ni Jordan at bigla kaming nahinto ng makita ko na si Milan sa may gate, naglalakad, nakayuko, at basing basa sa ulan, hindi niya kasama si Alastair.


Agad na kinuha ni Jordan ang payong at nang makuha niya ito ay agad na kaming sumugod at sinalubong si Milan, nang makalapit kami ni Jordan sa kanya ay nabigla ako noong yakapin ako ni Milan, sa pagyakap niyang iyon ay nadinig ko ang kanyang pag-iyak.


"Uy Milan anong nangyari? Nasaan na si Alastair? Milan?" ang tanong ko kay Milan pero sa halip na sagutin ako ay tanging mga pag-iyak lang ang naging tugon niya.

Princess Prince IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon