THRONE: 07

2.6K 119 2
                                    

MILAN'S POINT OF VIEW:


Nasa gym ako noon ng university kasama si Jordan para sa close door try-out ng basketball varsity ng university na pinapasukan namin, noong mga sandaling iyon ay nakaupo kami ni Jordan na magkatabi sa isang bench, siya ay abala sa panonood ng mga nauna na sa aming sumalang para mag-try-out habang ako naman ay halos di mapakali sa aking kinauupuan, inaalala ko lang kasi kung nakauwi na ba si Alastair sa aming tinutuluyan, nang biglang mapatingin sa akin si Jordan at tila napansin niya ang aking pag-aalala.


"Uy pare ayos ka lang ba?" ang bungad na tanong sa akin ni JOrdan na may mahinang tapik sa likod ko.


"Ah oo ayos lang ako pare." ang tugon ko naman agad sa kanya.


"Sigurado ka? Eh bakit parang di yata maipinta yang mukha mo?" ang tanong niya muli sa akin.


"Ah, wala to, inaalala ko lang si Alastair kung nakauwi na sila." ang sagot ko naman sa kanya.


"Naku wala yun, wag ka mag-alala kasam naman niya si MIchelle kaya sigurado ako na nakauwi na yon, at kung sakali mang gumala pa yung dalawa ay wala ka pa din dapat na problemahin, dahil iyong si Michelle naku daig pa non si King Kong di lang halata." ang sabi ni Jordan sabay tawa at kahit paano ay napalagay naman na ako dahil sa sinabi niyang iyon.


Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang isa sa entrance door ng gym at napahinto ang lahat at sabay-sabay na napatingin sa bumukas na entrance door, kasunod ng pagbukas ng pinto ay ang pagpasok ng grupo ng mga babae, gays, lalaki at yung iba na halatang bi o may pagka-bi.


"Milan!" ang malakas na pagsigaw ng isang babae, at napatingin ako sa babaeng ito, si Kathryn pala at patungo na ito sa direksiyon namin ni Jordan.


"Pare akala ko ba close door tong try-out?" ang pabulong kong tanong kay Jordan.


"Iyon nga din ang alam ko pare." ang sabi naman ni Jordan na pabulong din.


"Uy Milan, akalain mo magta-try out ka pala sa basketball, naku galingan mo ha, pero for sure naman na makakapasok ka diyan." ang sabi ni Kathryn sa akin na tila masayang masaya noong mga sandaling iyon.


"Ah oo, eh ikaw ano ginagawa mo dito? Magta-try-out ka din ba para sa basketball?" ang tanong ko sa kanya at natawa si Jordan noong nadinig niya ang tanong kong iyon at tinakpan niya ang bibig niya para di ito mapalakas, pero nadinig ito ni Kathryn kaya tumingin siya kay Jordan na nakasalubong ang kilay niya at tiyaka ibinalik ang tingin sa akin sabay ngiti.


"Ikaw talaga Milan palabiro ka pa din kaya naman mahal na mahal kita eh, pero to answer your question, nandito ako para mag-try-out naman sa cheer leading group ng university, and if I got lucky ay lagi tayong magkakasama, isn't it great?" ang sabi niya sa akin na yumakap pa sa akin pero agad ko din siyang pinabitaw sa pagyakap sa akin.


"Naku tiyak na makakapasok ka dun." ang sabad ni Jordan at napatingin na naman sa kanya si Kathryn.


"Am I talking to you? And do I know you?" ang mataray na sabi niya kay Jordan habang ako naman ay tahimik lang na tinignan silang dalawa.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now