THRONE: 20

2.3K 93 3
                                    

ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


Nagpatuloy ang pagtakbo ng oras noong gabing iyon, sa bawat paglipas ng oras ay mas nagiging malapit ang lahat sa isa't isa at mas sumasaya ang lahat, nandiyang may nagpapahidan ng ketchup sa muka sila Chazz at Omar, kumakanta naman sila Jessie at Queen na ala diva, at iba pang kalokohan na pwedeng gawin ng lahat ay halos gawin na noong sandaling iyon, kaya kumbaga sa Eat Bulaga ay isang libo't isang tuwa ang naganap noon.


"Ha-ha okay sa tingin ko ay masaya na ang lahat, kaya naman ito na din ang tamang oras." Ang biglang sabi bi Milan at tumayo ito, kasabay noon ay ang pagtahimik ng lahat.


"Kuya ganda oras na." ang pabulong na sabi ni Kiko sa akin, tumingin ako kay Kiko at ngumiti ito sa akin at pagkatapos ay ibinaling ko ang aking tingin kay Milan na nakatitig na sa akin noong mga sandaling iyon.


"Naku moment ko na to." Ang biglang sabi ni Jessie at tumayo din siya kaya naman napatingi ako kay Jessie na nakatingin din sa akin, ipinaikot ko ang tingin ko at napansin ko na lahat ay nakatingin sa akin at nakangiti na nakakaloko.


"Oy teka lang, bakit kayo nakatingin ng ganyan sa akin ha? Hindi nakakatuwa, guys kinakabahan na ko sa inyo." Ang sabi ko sa kanila dahil sa tingin nila sa akin ay parang gusto ko na tumayo sa kinauupuan ko at kumaripas ng takbo, pero bago ko pa magawa iyon ay nahawakan na ko ng kambal sa magkabila kong braso, habang sila Miko at Raff naman ay nagtulong na buhatin ako sa mga binti ko.


"Ingatan niyo lang sa pagbuhat ha, baka mapilayan." Ang sabi ni Milan.


"Naku heto na ang inaabangan ko." Ang sabi naman ni Scarlet na parang na-excite talaga ng sobra.


Buhat buhat ako nila Miko, Raff, Matt at Matthew palayo sa grupo patungo sa kung saan nakaparad ang ibang sasakyan na ginamit nila papunta doon, kasunod namin si Jessie na todo ngiti sa akin kaya naman kinakabahan ako, pakiramdam ko ay iaalay ako ng mga pasaway.


"Guys ano ba tong ginagawa niyo?" ang tanong ko sa kanila.


"Grabe ka naman, wag kang matakot 'no, di ka naman namin gagawing alay. Kailangan 'to para sa magic of the night." Ang sagot ni Jessie.


"Oo nga tiyaka ang tagal na din naman since noong ginawa natin to." Ang sabay na sabi ng kambal.


"Ano ba kasi yang magic of the night nay an bakit ayaw niyo pang sabihin sa akin." Ang sabi ko naman bilang pag-uusisa sa magic of the night na kanina ko pa din pilit na iniisip at inaalam pero parang mga walang nadinig at hindi ako sinagot.


Nagpatuloy sila sa pagbuhat sa akin at sa paglakad, para talagang mga baliw 'tong mga kaibigan ko pero heto din ang namiss ko sa kanila yung mga kabaliwan nila na madalas ako naman ang taya, pero kahit ano man ang mangyari pag nalagay ako sa mga alanganing sitwasyon ay hindi naman ako iniwan at pinabayaan.


"Okay nandito na tayo, ibaba ang kamahalan." Ang sabi ni Jessie at maingat nila akong ibinaba.


"Teka ano namang gagawin natin dito?" ang tanong ko sa kanila.


Princess Prince IIWhere stories live. Discover now