THRONE: 02

4.1K 149 1
                                    

ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


Kinagabihan ay naisipan namin ni Milan na lumabas ng inuupahan naming kwarto para pumunta sa palengke na malapit lang sa lugar, naisipan kasi namin na dapat ay maging pamilyar kami sa lugar para naman hindi kami magmukhang baguhan na baguhan doon, sa paglabas namin ay siya ding labas nila Alessandra at Scarlet sa inuupahang kwarto nila na katabi lang namin.


"Oh mukhang may lakad kayo ah?" ang bungad na tanong sa amin ni Scarlet habang si Allesandra naman ay nila-lock yung pinto ng kwarto nila.


"Ah oo, naisipan kasi namin na pumunta muna sa palengke, gusto naming maging pamilyar dito sa lugar." ang sabi ko bilang sagot, habang si Milan ay ni-lock naman ang pinto ng kwarto namin.


"Naku ganon ba, sayang di na namin kayo masasamahan, pero next time try natin maglibot, sasamahan din namin kayo sa mga pwedeng pang puntahan dito." ang sabi naman ni Alessandra.


"Sige, mukhang magandang idea yan." ang sabad naman ni Milan.


Sabay na kaming apat na bumaba para lumabas, pagbaba namin ay nakita namin si Ate Doris na nagpapaypay ng iniihaw niyang paninda sa tapat lamang ng gate niya, isa kasi sa kwarto sa unang palapag ng paupahan nakatira si Ate Doris, at bukod sa paupahan ay nagtitinda din siya ng mga inihaw tulad ng adidas, dampot o yung bituka ng baboy at iba pang tipikal na makikita sa isang ihaw-ihaw.


"Oh mukhang may lakad yung mga bagong anak ah." ang sabi ni Ate Doris, anak na ang tawag ni Ate Doris sa mga nangungupahan sa kanya, matandang dalaga si Ate Doris, mabait ito hindi tulad ng pangkaraniwang may-ari ng mga paupahan na nakakailang o nakakatakot kausapin, si Ate Doris super bait talaga at mabilis makagaanan ng loob.


"Ah opo, balak po kasi naming pumunta sa palengke nitong si Milan para makapaglibot at maging pamilyar sa lugar." ang sabi ko bilang tugon.


"Ah ganon ba, eh kayo ba Allesandra at Scarlet ksama din sa kanila?" ang tanong ni Ate Doris.


"Naku hindi po, may pasok po kami kasi ngayon kaya kahit gusto namin ay di kami makakasama, nagkasabay lang po kami talaga sa pagbaba." ang sagot naman ni Alessandra.


"Ah ganon ba, pero mabuti naman at mukhang okay naman kayong apat." ang sabi ni Ate Doris ng mapansin niya na magkasundo na kami agad nila Alessandra.


"Opo naman, mababait kasi tong bago naming kapatid. Tiyaka alam niyo naman na isang tao lang ang masungit dito" ang sabi ni Scarlet at nagtaka ako sa sinabi niyang iyon, napaisip ako kung sino yung tinutukoy niyang masungit pero di ko magawang usisain.


"Naku, mabait din yon, pero talagang ilap lang sa ibang tao." ang sabi naman ni Ate Doris na medyo natatawa pa, una nang nagpaalam sila Allesandra at Scarlet kay Aling Doris, nagmamdali na din kasi sila dahil baka mahuli sila sa trabaho, hindi ko din naiwasan na mapatingin sa kanila habang magkahawak kamay na naglalakad paalis.


"Naiinggit ka sa kanila no?" ang pabirong sabi ni Milan nang mapansin niya ako na napatingin kila Allesandra at Scarlet, pagkatapos ay umakbay ito sa akin.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now