THRONE: 26

2.3K 100 3
                                    


MILAN'S POINT OF VIEW:


Kinabukasan ay nagising ako na ang katabi ko lamang ay ang aking bunsong kapatid na si Kiko, noong mga sandaling iyon ay hindi ko naiwasang malungkot dahil sa pag-aakala ko na isang masamang panaginip lamang ang nangyari kahapon sa amin sa pagitan namin ni Alastair, maingat akong bumangon at bumaba ng kama para magtungo sa kusina para maghilamos at maghanda ng almusal naming magkapatid.


"Kumain na kaya yung pasaway na 'yon?" ang pabulong kong tanong nang bigla kong maalala si Alastair.


Nang matapos akong maghilamos at magpunas ng mukha ay binuksan ako ang refrigerator upang tumingin ng pwedeng maluto para sa almusal, para akong tanga noong mga sandaling iyon iniisip kung ano ang magugustuhan ni Alastair na kainin para sa almusal kahit wala naman si Alastair para kainin ang anumang ihahain ko, kaya kumuha na lamang ako ng apat na itlog, sapat na siguro ito para sa aming dalawa, at nagsimula na ako sa pagluluto.


"Kuya nagda-drugs ka ba?" ang biglang sabi ni Kiko na hindi ko namalayang gising na pala at nasa kusina na at pianpanood ako, napahinto ako sa ginagawa ko at lumingon sa kanya.


"Ano bang sinasabi mong bata ka?" ang tanong ko sa kanya.


"Eh pano naman kasi ngayon lang ako nakakita ng magpiprito ng itlog na hihiwain yung itlog na piprito at tubig ang ginawang mantika." Ang sabi ni Kiko at napatingin na lamang ako sa hawak ko na kutsilyo at itlog at tumingin din ako sa kawali na may lamang tubig, agad kong binitawan ang hawak kong kutsilyo at itlog at pinatay ko din ang apoy at napatakip na lang ako ng mukha sa pinaggagagawa ko dahil sa kalutangan ko.


"Pasensiya na medyo inaantok pa kasi ako." Ang palusot kong sabi.


"Sus palusot ka pa kuya, sabihin mo lutang ka lang talaga dahil iniisip mo si Kuya Ganda." Ang sabi ni Kiko at napatingin ako sa kanya habang nakaupo siya at nakadukdok ang baba niya sa mga braso niyang nakapatong sa mesa.


"Ano bang sinasabi mong bata ka, wala akong pasok ngayon kaya mamaya ihahatid na kita sa bahay." Ang sabi ko sa kanya.


"Di na ko bata 'no, tiyaka wag mo ko inuuto kuya, alam ko naman na magkagalit kayo ni Kuya Ganda kaya di siya umuwi kahapon dito, at kaya umiiyak ka kahapon, kala mo di ko napansin yung parang kinagat ng putakti mong mata kahapon." Ang sabi ni Kiko at bigla akong natigilan at napabuntong hininga na lamang at pilit na ngumiti para itago ang lungkot ko, lumapit ako kay Kiko at ginusot ko ang buhok nito.


"Ikaw talagang bat aka kung ano-ano napapansin at naiisip mo, hindi kami magkagalit ni Kuya Ganda mo, nauna lang siya umuwi kahapon, tiyaka usaping matatanda 'to kaya dapat di ka na nakikisali muna." Ang sabi ko naman.


"Kuya masamang magsinungaling, wag mo nga ako niloloko kaya pala nanaginip ka pa kagabi na puro si Kuya Ganda tinatawag mo, tiyaka di na ko bata ang kulit mo naman." Ang sabi ni Kiko na napapout pa ang nguso.


"Ah basta wag mo nang alalahanin ang Kuya, okay lang kami ni Kuya Ganda mo, teka nga at magluluto na ako para naman makakain na tayong dalawa." Ang sabi ko naman at naglakad na ako pabalik sa aking paghahanda ng almusal na muntik pang pumalpak kung di agad ako pinuna ng kapatid ko.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now