THRONE: 09

2.6K 109 3
                                    

ALASTAIR'S POINT OF VIEW:


Nang matapos kaming mag-almusal ay agad na din kaming gumayak para sa aming pagpasok, para sa ikalawang araw ng aming buhay kolehiyo. Hindi na namin nagkasabay sa pagpasok sila Michelle at Jordan, ayon kasi kay Ate Doris ay maaga ang mga ito na gumayak at pumasok, kaya naman dumiretso na kami sa aming pagpasok.


Sa gate ng university ay agad na sinalubong kami ng pila ng mga estudyante na isa-isang chinecheck ng guard yung mga bag, kahapon naman walang ganitong scenario tapos ngayon meron na? Grabe din pala tong university na to, pero okay lang din para naman sa security ng lahat ito kaya naman pumila na kami dahil wala din naman kaming choice pa ni Milan.


Noong matapos na kami sa pagpapacheck ng gamit namin sa guard ay agad na din kaming nakapasok, pero ang pinagtataka ko naman kay Milan ay lahat halos ng madaanan naming bulletin board ay hinihintuan niya, ultimo mga poste na may nakadikit ay hinihintuan din niya para basahin niya.


"BB ano ba ang tinitignan mo sa mga bulletin at mga nakapaskil sa poste bakit lahat ng madaanan natin ay hinihintuan mo?" ang tanong ko kay Milan nang huminto na naman kami sa isa pang bulletin board malapit sa building ng Business Administration Department.


"Wala pa din dito, hmm, kailan kaya ipo-post yun..." ang sabi ni Milan na tila hindi narinig ang sinabi ko.


"Uy!" ang malakas kong sabi sabay tapik sa kanya ng malakas na tila ba nagulat pa siya.


"Ay sorry CC, may sinasabi ka ba?" ang tanong niya sa akin na medyo kinaasar ko.


"Ah wala, sabi ko tara na pumasok na tayo." ang tangi kong nasabi dahil sa pagkaasar at nagpatuna ako na naglakad sa kanya na agad naman niya akong hinabol.


"Uy CC, galit ka ba?" ang tanong niya sa akin na tila nahalata niya agad.


"Hindi, bakit naman ako magagalit?" ang patanong kong sagot sa kanya.


"Eh bakit parang galit ka eh." ang sabi naman niya sa akin.


"Naku imagination mo lang yun, hindi ako galit, tara na pumasok na tayo mahuhuli pa tayo, o baka naman gusto mo pa suyudin ang buong university para tignan ang lahat ng bulletin?" ang sabi ko at mabili na akong naglakad para maiwan ko siya.


Noong inakala ko na malayo na ako sa kanya ay nabigla ako noong hilahin niya ako sa aking kamay at dahil sa biglaan nga iyon ay di ko na naiwasang mapayakap sa kanya, noong mga sandaling iyon ay biglang bumilis abg tibok nang puso ko, hindi ko mapaliwanag pero para bang muli akong nagbalik sa mga panahon na nahuhulog pa lamang ang damdamin ko sa kanya, at naramadaman ko na lamang na niyakap niya ako.


"Sorry na kung nawala ang atensiyon ko sayo kanina, sorry kung hindi ko pinapakinggan yung mga sinasabi mo kanina, na-excite lang kasi ako na malaman kung nai-post na ba yung result ng try-out kahapon." ang sabi ni Milan habang yakap yakap niya ako.


"Para ka naman kasing sira eh, sana man lang sinabi mo sa akin di ba? Hay naku, pero sorry din kung bigla na lang ako naasar, nalungkot lang din naman kasi ako, natatakot lang ako na mabalewala mo." ang sabi ko naman bilang tugon.

Princess Prince IIWhere stories live. Discover now