THRONE: 16

2.1K 105 1
                                    

MILAN'S POINT OF VIEW:


Hindi ko inaasahan ang ginawang paghalik sa akin ni Kathryn sa harap ng maraming tao, sa harap ng taong mahal ko, si Alastair, sa pagkabigla ko noon ay hiindi ko agad nagawang kumawala sa halik ni Kathryn, noong magawa kong kumawala lalapit pa lamang ako kay Alastair ay tumakbo na ito, nabaanaag ko sa kanyang mukha noon ang inis at selos, nakita ko sa kanya kung gaano siya nasaktan, kasalanan ko to, oo kasalanan ko din to dapat ay mabilis akong kumawala sa halik na iyon o mas dapat kong sabihin ay dapat naging alerto ako sa kung ano ang mangyayari sa tuwing nandiyan si Kathryn.


"So wala na si Alastair, can we talk na ba Milan?" ang sabi ni Kathryn na tila ba walang pakialam kung nasaktan niya si Alastair sa ginawa niya, pero sa bagay wala naman siya talagang pakialam kay Alastair, "Milan magsalita ka naman, alam mo hindi mo kawalan si Alastair kung after niya makita ang ginawa ko sayo ay makipaghiwalay siya, duh basura lang naman siya kung tutuusin, he's a faggot." ang sabi ni Kathryn na sa sobrang inis ko ay di ko na napigilan pa ang sarili ko, hinawakan ko sa balikat niya si Kathryn na madiin na halos durugin ko na ang mga buto niya dito at kita ko sa mukha niya ang tila pagkabigla.


"Kathryn, isang beses ko pa na marinig o malaman na tinawag mo si Alastair gamit ang salitang yan, sinasabi ko sayo kakalimutan ko na babae ka, kakalimutan ko na kababata kita. Kathryn pwede ba tigilan mo na ko, tigilan mo na kami ni Alastair, hindi kita nagustuhan kahit minsan, at kahit kailan hindi kita magugustuhan, Kathryn tumigil ka na." ang sabi ko at patulak ko siyang binitawan at agad akong tumakbo palayo sa kanya uoang sundan si Alastair.


Una kong pumunta sa building ng department namin dahil nagbabakasakali akong doon siya dumiretso para sa klase namin, ngunit ang tanging naabutan ko lamang doon ay ang mga kaklase namin, kasama na doon sila Jordan at Michelle, na nakaupo sa corridor dahil sa wala pa yung prof at naka-lock pa yung room na gagamitin namin.


"Oh Milan bakit mag-isa ka lang, nasaan na si Alastair?" ang bungad na tanong sa akin ni Michelle.


"Ah hinahanap ko nga din siya, hindi pa siya nagpupunta dito, o baka naman nakita niyo siya?" ang tanong ko sa kanila.


"Naku hindi eh, naku ha wag mong sabihin na may giyera na naman sa pagitan niyong dalawa." ang sabi naman ni Jordan.


"Hindi naman giyera, pero parang ganun na nga na hindi, ah basta ang hirap i-explain eh pero mamaya ko na lang ipapaliwanag sa inyo, kailangan ko na muna makita si CC." ang sabi ko sa kanila at agad ko silang iniwan upang hanapin si Alastair.


Malaki at malawak din ang pinapasukan naming university na ito kaya naman hindi ako madadalian na hanapin si Alastair dahil sa dami na pwede nito puntahan at pagtaguan kung gugustuhin niya, habang patuloy ako sa pag-iikot sa buong university upang hanapin siya ay iniisip ko na din kung paano ko ba ipapaliwanag ang nangyari, at kung paano ba ako hihingi ng tawad sa kanya, halos hingal na ako sa pagtakbo at pag-suyod sa lahat nang pwede niya puntahan sa university pero hindi ko pa din siya makita, marahil ay sobra siyang nasakatan sa nangyari, ang tanga ko kasi, ang laki kong tanga dahil sa hinayaan kong mangyari to.


Nagpatuloy lang ako sa aking paghahanap kay Alastair ultimo mga sulok sulok at likod ng mga bulding ay tinitignan kong mabuti sa pagbabakasakaling makikita ko siya doon na nagmumukmok, bawat makasalubong ay tinitignan ko, hanggang sa magawi ako sa university field, malapit ito sa mga general buildings and departments, tulad ng university clinic, club building, pools, university administration, accounting, finance at iba pa na may kinalaman lahat o ginagamit ng lahat ng estudyante, sa malawak na field na iyon ay pilit kong hinanap si Alastair, at nang mabaling ang aking tingin sa direksiyon nang university clinic ay tila tumigil ang mundo ko sa aking nakita, hindi ko naiwasan na mapatikom ang aking mga kamao, ramdam ko na nagsalubong ang aking kilay nang mga sandaling iyon, si Alastair buhat buhat siya noong mga sandaling iyon ni Brent, mas nakadagdag pa sa inis at selos na nararamdaman ko ay yung Makita ko na tila ba nag-uusap pa silang dilawa, iniisip ko kung ano ang kanilang pinag-uusapan o kung tungkol saan ba ito.

Princess Prince IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon