THRONE: 31

2.3K 100 7
                                    

MILAN'S POINT OF VIEW:


Nang malaman ko ang na si Brent at Alastair ay nakatakda na palang ikasal ay nakaramdam ako ng matinding panlulumo, halos nadurog na ako noon, gusto kong magalit kay Alastair ng sobra dahil sa sakit na nararamdaman ko pero di ko magawa dahil ang puso ko mismo ang nagsasabi na dapat ko siyang ipaglaban, dapat ko pa ding maniwala na mahal niya ako, at manatili na siya lang ang mamahalin ko.


Di nagtagal ay nalaman din ito ng mga kaibigan namin, inamin ko naman sa kanila agad ang lahat maging ang nakatakdang kasal nila Brent at Alastair, maging sila ay di makapaniwala sa nalaman nila, dalawang araw ang nakalipas bago pagkatapos kong malaman ang tungkol kila Brent at Alastair ay kumalat ang isang balita na di ko inaasahan, kumalat sa buong university lalo na sa classroom namin ang tungkol sa amin ni Kathryn na kami na daw nito, pagpasok na pagpasok ko ng room ay kino-congratulate ako ng mga kaklase namin dahil sa ang suwerte ko daw at naging kami na Kathryn at akala kasi nila ay si Alastair ang magiging partner ko talaga, sasagutin ko na sana lahat ng iyon para pabulaanan pero bigla akong hinila ni Michelle.


"Congratulation Milan, ikaw ha di mo sinasabi na naging kayo na pala ni Kathryn, mabuti at least nakamove-on ka na agad di ba?" ang malakas na sabi ni Michelle at nakangiti pa sa akin.


"Teka anong bang sinasabi mo ha, wala nga akong..." ang di ko natuloy na pagsasalita ko dahil sa tinakpan na ni Jordan ang aking bibig.


"Ano kaba Milan di mo pa ba nakukuha? Tutal patay na patay talaga sayo si Kathryn, gagamitin natin yon para pagselosin si Alastair, meaning sakyan mo lang yung mga sweet gestures na ginagawa ni Kathryn sayo, kung gusto mo talaga malaman kung mahal ka pa ni Alastair kailangan mo sumunod sa plano ko." Ang pabulong na sabi ni Michelle sa akin.


"Ano kayo ang nagpakalat ng tsismis na to?" ang tanong ko sa kanila na pabulong habang patuloy pa din na nag-iingay mga kaklase ko.


"Oo naman, pero wag kang mag-alala di mo naman kasi kailangang sagutin o gawing totoong girlfriend si Kathryn, basta sasakyan mo lang siya, sa baba ng IQ ng babaeng yon di niya malalaman na ginagamit lang natin yung katigasan ng mukha niya kakabuntot at pagpapa-cute sayo para kay Alastair." Ang bulong muli sa akin ni Michelle.


"Pero manggagamit tayo ng ibang tao, makakasakit tayo ng damdamin Mitch." Ang sabi ko naman bilang pagtutol sa ideya nilang ito.


"Ano ka ba it won't last a month naman, kailangan lang natin ma-assure na may feelings pa sayo si Alastair dahil sabi mo noong nagkausap kayo ang cold cold niya, malay natin he's just pretending di ba? At parang lesson na din kay Kathryn to para tigilan ka na din niya." Ang sabi ni Michelle na pabulong sa akin kaya naman simula noong araw na iyon ay wala akong ginawa kundi ang sakyan ang trip ni Kathryn at ng mga barkada niya, iniiwas ko din si Alastair at di ko ito pinapansin dahil isa pa iyon sa parte ng plan namin nila Michelle.


Lumipas ang mga araw na ganoon ang naging set up namin, at napapansin ko na gumagana ang plano namin nila Michelle, at di ko maiwasan na mangiti sa tuwing makikita ko si Alastair na nawawala sa sarili at nagseselos kasi nararamdaman ko na mahal pa nga ako ng prinsesa ko, hanggang sa dumating yung last practice ng pageant, hindi ko na napigilan ang sarili ko na ipagtanggol pa si Alastair sa pamamhiya ng nagtuturo sa kanila, alam ko na ako ang dahilan ng mga mistakes and errors niya at bilang knight in shining armor niya ay kailangan ko siyang ipagtanggol, at ganoon na nga ang ginawa ko, ngunit sa kalagitnaan ng diskusiyon namin ng nagtuturo ay muntik na din kami magkainitan ni Brent at noong umalis si Alastair ay gusto ko siyang habulin at sundan pero napigilan ako agad ni Kathryn.

Princess Prince IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon