CHAPTER 1

1.2K 23 0
                                    


"Nga pala sir wag kayo mabibigla!" Biglang sabi nong driver napatingin naman ako dito.

"for what?"

"kase sir...

Napataas ang isang kilay ko ng pinutol niya ang sasabihin niya.

Kringgggg....kringgggg....

Napatingin ako sa bulsa nang suot kong slocks, ng tumunog ang phone ko agad kung kinuha ito. 

Pero nang makita ko yung nasa larawan sa screen ng phone ko, kung sino tumatawag para akong nabunutan ng tinik.

Siguro gusto lang niya akong chismis sa pag babalik ko.

Napabuntong hininga muna ako bago ko sagutin.

"Hello Ate Kate? ye---"

Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko umiiyak si ate Kate sa kabilang linya.

"Malapit ka na ba? Luke, I need your help!" Sabi ng tinig ni Ate Kate mula sa kabilang linya.

Puno iyon ng takot at panic.

Kaya halos bumilis ang tibok ng puso, ko hindi ko alam kung bakit?

"What happened?" Kinakakabahan na usad ko.

"There's a hostage situation at Grandma's Hospital. nandon ang mga bata!.." 

Natigilan ako bigla at para akong nanigas sa kinakaupuan ko.

"Pero yung anak mo safe naman kase tumawag si Mike, pero yung anak ko !"

Muling sambit ni Ate Kate sa kabilang linya at bigla itong humagulgol sa pag iyak.

Nabitawan ko ang phone ko at nahulog ito sa sahig ng sinasakyan kong Hilux.

"Sir nandito na po tayo!"

Bigla ako nagising sa katotohanan ng umimik yung driver.

Hindi na ako nag abalang kunin ang phone ko agad akong lumabas sa sasakyan.

Agad naman sumalubong sakin si Ate Kate at ang kanyang asawa na si John.

Napansin ko lumabas naman sa ng bahay si mommy umiiyak ito lalapitan ko sana siya ng agad hinawakan ni Kuya John ang braso ko.

"Let's go!"

Binatawan niya ang braso ko agad lumapit sa sasakyan na nakaparada sa gilid.

Bago ako sumunod kinuha ko muna ang bag ko.

Pagkuha ko ng bag ko agad ko tong binuksan at kinuha ang isang maliit  na backpack sabay sinara ko.

Agad akong lumapit kung saan pumasok si kuya John. Nang makalapit ako agad akong pumasok sa passenger seat.

kasama rin pala si ate Kate nakaupo siya sa back seat para siyang walang dugo sa sobrang pamumutla. Sinimulan na ni kuya John ang pagmamaneho.

"What do we Know?" Tanung ko habang binubuksan ang dala kong backpack kung saan naroon ang mga baril.

"The Doctor called 911 to report as soon as they sounded the alarm. The police told kuya Justin and he called me." pigil na saad ni Kuya John. Habang naglalagay ako ng magazines sa mga baril.

Halos kaming tatlo napapikit nang mag-swerve ang SUV at nag counterflow kasabay ng malakas na busina at mga mura sa ibang mga drivers at pedestrians.

"Nasaan si Kuya Justin?" Tanung ko sabay mulat.

"He's on his way. " sagot niya at mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Ilang sandali lang nakarating na kami, agad naman akong lumabas sasakyan.

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now