CHAPTER 3

838 15 0
                                    

"Sige na Mona ako na bahala!"

Hindi ko nahinitay ang sagot niya agad  ko siyang tinalikuran.

Naglakad ako palapit sa babaing tinuro niya sakin.

"Good Morning po, Ano maipaglilingkod ko po sainyo Ma'am." magalang na sambit ko ng makalapit ako dito.

Umangat ang tingin niya at dahilan upang makita ko ang mukha niya.

Napaatras ako ng kunti ng makita ko ang kabuohan ng kanyang mukha.

Hindi ako nagkakamali siya si Beatrice ang half sister ko. 

Hindi ko inaasahan makikita ko ulit siya. Tulad ng dati hindi parin ng babago ang etsyora niya at pananamit niya. 

"Are you the  manager here" Mataray na sambit niya at pinagdilatan pa ako ng mga mata.

Mukang ugali din niya ay hindi rin ng bago magaspang parin.

Palihim nalang ako napangiti.

Bakit ang bait yata ng panahon sakin binigyan ako ng aso na mahilig kumahol.

"Yes po ma'am ako nga at ako rin may ari ng coffee shop." Mahinahon na sambit ko sabay pekeng ngumiti.

At mukang hindi niya ako nakilala.

Sa bagay masyado pa akong bata non umalis sa poder nila.

Hindi ako tumagal dahil sa sama ng ugali nila, lalo na ang aking ina. Lagi niya pinapamukha sakin anak lang niya ako sa labas.

Kaya hindi na ako ng atubiling lumayas.

Namuhay ako kasama si Lola.

Ang Papa ko naman sa probinsya noon nang tatrabaho bilang isang doctor. Umuuwi lang ako doon tuwing bakasyon at walang pasok.

"I done care kung ikaw din ang owner or the hell are you. Next time  kung hahanap ka ng waiters mo yung maayos ayos hindi yung boba na tatanga-tanga pa!" galit na sabi niya sabay tumayo.

Napasinghap nalang ako sa kawalana.

Hirap talaga pag ang aso hindi nababahugan tumatahol. Pasalamat siya kung kakaunti lang ang customers baka na sipa ko siya palabas.

Wala na talagang pangbabago ang ugali niya. Siguro baka si Kamatayan ay matakot sakanya. Palihim ko naikuom ang palad ko.

"If i were,
you, I will Fired her!" dagdag pa niya.

"Eh kaso ma'am, Pano ba yan?  hindi ako ikaw. " iritang sabi ko.

Hindi ko talaga mapigilan sarili ko sa mga tulad niya.

Malaki ang galit ko sakanila lalo na sa ina kong walang kwenta.

Noong nagkasakit si Papa hindi manlang sila dumalaw kahit alam na niyang may sakit sa puso si Papa.

Wala na nga siyang kwentang ina wala din siyang kwentang asawa.

Ang Tanging mahalaga lang sakanya ang kanyang kayamanan.

Ultimo anino niya hindi ko manlang nasilayan sa libing ni Papa. Kaya nag sikap ako na walang tulong nila.

"Oh,Isa ka rin palang tatanga-tanga! Look at my Dress, Do you know how much is this?!"

Saglit siyang napatigil sa pagsasalita at tinginan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Kahit ang buhay mo, Hindi parin Worth it for the price of my Dress!" madiin na dugtong niya.

Napapalakpak nalang ako sa sinabi niya sabay tawa.

Pansin ko napatingin na sa amin ang mga customers.

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now