CHAPTER 26

302 9 6
                                    

EUNICE's P.O.V

Napahawak ako sa labi ko nagmaalala ko na naman ang nangyare. Napatulala nalang ako sa kawalan habang inaalala lahat nangyare. Na pabalik nalang ako sa ulirat ng may kumatok sa pinto. Mabilis ko na ibaba ang kamay ko sa table at napaayos ako ng upo.

Ano ba nangyayare sakin?

Hayyy shittt..

"come in!" maikling sambit ko at napailing pa ako.

"Agatha! Anak!"

Napaangat ng tingin ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. At bakas sa mga mata niya ang matinding kalungkotan, habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Sa subrang pagkabigla ko napatayo ako.

"Sorry kung naabala pa kita muka yatang busy ka!" malumanay nitong saad at pinagmasdan niya ang buong piligid ng silid.

"Are you all right? Hindi ka ba napapagod? Baka nagpapalipas ka sa pagkain.?" muli nitong sambit at binalik ang tingin sakin, sabay pilit na ngumiti.

"Ayos lang naman ako." na sabi ko nalamang.

Hindi ko alam kung ano ba dapat kung sabihin. Alam ko nagkamali ako sa part na hinusgahan ko agad siya. Nang sisisi ako sa ginawa kong yun. Subalit para sakin isang malaking kahihiyan yun. Hindi ko man lang siyang pinakingganan, pero hindi ko naman masisisi ang sarili ko, kung gaano ako kasabik sa kalinga ng isang ina.

Pinagmasdan ko lang ito at ngayon ko lang pansin, hindi maganda ang kanyang pangangatawan. Hindi tulad noon.

"Kayo ho, mukang hindi nyo inaalagaan ang sarili nyo?" mabagal kong saad, subalit ngumiti lang ito sakin at sabay balikwas ng tingin, kaya napayuko naman ako.

Ako ba ang dahilan ng lahat ng ito? Kasalanan ko ba?

"Masyadong busy lang sa trabaho."

Sa tuno ng pananalita niya hindi sya kombinse sa kanyang sinabi.  Kaya napaangat ako ng tingin at napakalayo naman ng tingin nito.

"Kayo dapat ang____

Napahinto ako sa pagsasalita ng dumako ang tingin niya sakin. Parang umurong yata ang dila ko at napaatras saking kinatatayuan.

"Sige ingat ka nalang!" saad nito at mabagal na ngumiti sakin bago niya ako talikuran.

Mabilis naman akong naglakad palabas ng table ng humakbang na ito palapit sa pinto.

"Mama!" natatakot na sambit ko, nakinahinto naman nito at binalik ang tingin sakin.

Ayaw ko na mahirapan pa ang sarili ko na may tinatagong galit at puot sa aking ina. Panahon naman siguro tanggapin sa sarili ko ang pagkakamali niya at ibalik ang dating na simulan noon.

"Mama I love you!" isang imahe ng batang babae nasa 4 years old, ang lumitaw sa harapan ko na matamis na nakangiti sa harap ng aking ina.

"I'm promise I will be a good girl!" masayang bigkas nito.

Napangiti naman ito at lumuhod sa harap ng batang babae upang magpantay sila. Masaya naman nito ginulo ang buhok ng bata.

"I love you too honey! Masyado ka natalaga matanda mag isip. Gusto ko pa sana Stay baby ka nalang!" natatawang saad nito, na halos kinabisangot ng mukha ng bata.

"Mama!" pag rereklamo nito.

Napahawak nalang ako sa bibig ko at hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

"Oh sya alis na tayo! Baka hinahanap na tayo ng papa mo!"

Tumayo ito sabay hinawakan ang kamay ng bata. bago pa magsimula humakbang ang mga paa nito. Pinagmasdan niya ang mukha ng kanyang anak.

"Mama! Promise ka hindi mo kami iiwan ni papa!"

"Bakit ko naman kayo iiwan ng papa mo. Ikaw talaga.!" nakangiti nitong sambit.

Napahilamos nalang ako ng mukha na unti-unti ng lalaho ang mga imahe nila.

"Please don't go!" sigaw ng isip ko.

Napahawak nalang ako sa ulo ko ng may narinig ako mga sigawan at putok ng baril, na hindi ko alam saan naggagaling. At halos mapapikit nalang ako sa sakit na parang may pumipitik sa utak ko. Halos dumilim ang paningin ko at hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko.

Na gising nalang ako sa isang madilim na silid, habang isang tining na boses ng batang babae ang umiiyak sa isang sulok. Tatlong beses na sunod sunod na putok ng baril ang umilingawngaw, mga alitan at masasamang salitang ang sumabay. Halos mapasigaw nalang sa subrang takot at malakas na bumalibang ang pagbukas ng pinto nakinaangat ng ulo ng bata. tumambad sakanya ang dugoan nakanyang ama kasabay ang pagbagsak sa sahig at umagos ang mga dugo.

"Anak!" isang boses ang huling narinig ko kasabay ang pagsara muli ng pinto.

LUKE's POV

Saktong pagbukas ko ng pinto nagulat nalang ako na dahan-dahan bumabagsak ang katawan ni Eunice, mabilis ko nabitawan ang mga papel na hawak ko sabay tumakbo palapit dito at sinalo siya.

"Agatha! Anak!" rinig kong saad ng isang ginang". Sa tono ng boses nito nang halo ang kaba at takot. Subalit ang pinagtataka ko bakit Agatha at Anak ang tawag nito kay Eunice.

Wag mo sabihin mama niya ang ginang na ito.

Taka akong bumaling ng tingin sakanya. At doon ko lang napansin medyo magkahawig silang dalawa. Kaya hindi narin ako magugulat pa kung sakaling mama ni Eunice ang ginang nasa harapan ko ngayon.

Muli kong binalik ang tingin ko kay Eunice na walang malay. Agad ko naman ito binuhat at lumapit ako sa sofa para ihiga ko siya. Mabilis ko naman chineck ang pulsohan niya at ganon din ang pagtibok ng puso nito.  Wala naman akong nakikita, normal naman.

Binaling ko ang tingin ko sa ginang.

"Ano po ba nangyari?" Malumanay na tanung ko.

"Hindi ko alam bigla nalang siya nag collapse." nag aalalang sambit nito at sa mga mata nito nabubuo ang mga luha niya, napahawak pa ito sa kanyang bibig upang mabigilan ang paghikbi niya.

"Maaari ko bang malaman Mama ka po ba niya?" Nang aalinlangan kong tanung.

"Hmmm O-o!" nauutal pa niyang sabi.

Mabilis ko naman na ibalik ang tingin ko kay Eunice na bigla itong bumangon. Halos mag-alala ako dahil para siyang naghahabol hininga.

"Eunice!"

"Agatha, anak!"

Mabilis lumapit ang ginang na mama pala ni Eunice, hinawakan niya ang kamay nito. Mabilis naman napayakap si Eunice sa mama niya at bigla itong umiyak na kinagulat ko, kaya napatayo ako.

Mukang may something at kailangan ko muna siguro umalis sa silid nato at pabayaan muna silang dalwa.

Eunice's POV

"Im Sorry ma!" umiiyak na sambit ko.

Bigla itong kumalas sa pagkayakap at humarap sa mukha ko. Bigla niyang dinikit ang hintuturo niya sa labi. Kasabay ang pagpunas sa mga luha ko.

"Don't cry honey!"

Lalo akong naiyak sa huli niyang sinabi. Ngayon ko lang ulit narinig ang salitang yun.

I miss my mom.

"Shhhhh!" pagtahan niya sakin habang hinahagod niya ang likod ko.

"Promise hindi na kita iiwan. I love you honey!"

Mabagal itong ngumiti at hinalikan ako sa noo.

A/N:  May nagbabasa pa ba nito? Kung binabasa mo to ngayon salamat sa patuloy na pagsuporta😊🤭 pinakikilig mo ako masyado dahil never mong binibitawan ang mga story ko kahit na nagsisimula pa lang ako😊❤ sorry na din sa late update😅 my god, di padn ako makapaniwala na kahit d pa tapos ang Story kong to million na agad ang readers😅 salamat sa inyo..mahal ko kayo❤

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now