CHAPTER 7

591 17 0
                                    

<EUNICE's POV>

Hayyy...

Hindi ko na malayan nakatulog pala ako subalit nagising nalang ako ng maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin.

Agad kong minulat ang mga mata ko, pero wala naman akong nakitang tao.

Napadako ang tingin ko sa kaliwa may nakita akong isang lalaki na pasakay sa taxi.

Hindi ko nakita ang kabuohan ng mukha nito dahil naka sideview ito sakin. 

pfffttt..

Napabuga nalang ako sa hangin.

Bigla na naman sumagi sa isip ko ang nangyare kagabi.

Hindi ko alam kung palabas lang yun ni mama.

May part na naaawa ako sakanya at may part na kinamumuhian ko siya.

Sa tuwing naaalala ko ang lahat ng ginawa niya sakin.

Okay sana kung ibang tao siya subalit Mama ko siya. Kaya ang hirap tanggapin para sakin.

Muling kong sinubsob ang mukha ko sa lamesa.

Pero agad akong napangat ng tingin ng isang malakas na busina ng Ambulance ang umalingaw-ngaw.

mabilis itong dumaan sa harapan ng coffee shop ko at alam ko kung saan ito patungo.

Napatayo ako at napatingin sa relo ko.

May 30mins pa ako bago ang duty ko. Muli kong binalik ang tingin ko sa kalsada ng marinig ko ang busina ng police car.

Bigla ako nang taka, dalawang police car ang dumaan at may napansin din ako na may nakasunod ditong mga sasakyan ng mga media.

Pakiramdam ko may hindi magandang nangyare. Kahit may ilang minuto pa ako hindi na ako nagdalawang isip na umalis.

Nang makarating ako subrang daming reporters sa labas ng hospital. May iilang reporter ang nagpipilit pumasok sa loob. Hinaharangan naman ito ng mga security at mga iilang nakapulisan.

Pinilit ko naman makipag sisiksan para makapunta sa unahan.

No choice naman kase ako, ito lang kase ang daan.

Nang makarating ako sa unahan. Mabilis akong pinapasok sa loob ng isang security na nakakakilala sakin at dahil din naka uniform ako. Agad naman akong tumakbo pumasok sa loob ng hospital.

"Ano nangyare?" mabilis na tanung ko sa isang nurse na nakasalubong ko.

"May 25 years old na babae ang dinala dito. Ayun sa report may tatlong saksak ang natamo ng pasyente at maaring may sugat din ito sa kanan bahagi ng ulo. Sanhi ng matinding pagdurugo." Pagpaliwanag nito sakin.

"Nasa Operating room na siya at si Doc. Luke lang ang mag isa ang nang opera."  dagdag pa niya.

"Asan si Doc.Wil? Diba sya ang duty ngayon?" muling tanung ko dito.


"Busy rin po si Doc.Wil nasa isang operating room din siya. Ngayon araw ooperahan si Mrs.Chua !" sagot agad niya sakin.

"Sige salamat!"

Pag kasabi ko non, tinalikuran ko na siya.

Papunta palang ako sa operating room kung na saan si Luke nakasalubong ko naman si Jonathan dahilan upang mapatigil ako sa pagalalakad.

Halos magulat ako at hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit siya.

Hindi niya ako napansin dahil kausap niya ang kasamahan din itong pulis.

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now