CHAPTER 11

481 14 0
                                    

Noong una wala akong idea kung saan kami pupunta. Subalit dahil sa suot ni Vincent na uniform, mukang sa school ang punta namin. At hindi nga ako nagkamali.

Kaya bigla nalang ako nagtaka at maraming tanung ang sumagi saking isipan. Bakit kailangan ko pa kasama at ano ba ang meron?

Weird...

Halos kaladkarin na ako ni Vincent papunta sa classroom at mukang tuwang-tuwa pa ito. Habang si Luke nakasunod lang saamin.

Tumigil nalang kami sa blue na pintuan, sakto naman na katayo ang isang guro sa tapat nito, mukang siya ang adviser ng bata.

"Good Morning Ma'am." Masayang bati ni Vincent habang hawak parin ang kamay ko.

"Good Morning too." masayang bigkas nito. 

"Meet my mommy."

Tumingin ito sakin at matamis na ngumiti sakin kaya napangiti nalang din ako.

"Nice to meet you Mrs. Lucero. Im his Adviser, I'm Ms. Nikka Garcia" masayang sambit nito.

Nilahad niya ang kamay niya upang makipagkamay. Subalit napatingin nalang ako dito.

Wait...

Mukang nagkakamali yata ang adviser ni Vincent.

Iimik palang ako ng unahan ako ni Luke at hindi ko rin napansin ang paglapit nito. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng ni Ms.Garcia.

"I'm James Lucas Lucero."
Pagkasabi nito agad niyang binitawan ang kamay ni Ms. Garcia.

Lumapit ito sakin at bigla niya akong inakbayan. Humarap siya sakin sabay ngiti. Gusto ko sana siyang itulak o sikuhin ngunit nasa harap kami ng adviser ni Vincent. Kaya pilit nalang ako ngumiti dito.

"I'm Vincent's father."

Dumako ang tingin ni kay Ms.Garcia ngayon ay kinikilig saming dalawa.

"My father's a lutenant in the Navy!" masayang sabat ni Vincent.

"He's with the seal's"

"Oh!" nasabi nalang ng adviser niya at binaling muli ang tingin kay Luke.

Medyo nagulat din ako sa sinabi ng bata. Bigla ko narealize ang sinabi ni Ellize, Ito ba yung dahilan kaya siya umalis.

Possible kaya...

"My two brothers was supposed to speak to the class today but he had an emergency. My son and I was also in the drawing he submitted so I was hoping that it's okay that I speak to the class instead of my brothers.

"Oh, of course!"

Hindi ko maintindihan ang mga pinag uusapan nilang dalawa. Naintindihan ko lang ng dumako ang tingin ko sa blackboard at may nakasulat doon na big blue letters "HEROES"

Naisip niyang magiging interesting iyon sa mga bata. Makakakilala sila ng mga tunay na bayani at hindi lamang mga heroes napapanood sa mga pelikula.

She thought the world needed more real life heroes and was hoping her kids would grow up to be one of them.

Una siyang pumasok sa loob ng Classroom. Nagmakatalikod na ito mabilis kong siniko sa tagiliran si Luke dahilan upang alisin niya ang kamay niya sa pagkaakbay sakin. Rinig ko naman ang pagdaing nito. Ngunit hindi ko nalang ito pinansin. Pumasok nalang ako sa loob habang hawak parin ni Vincent ang kamay ko.

Muling napabalik sa pintoan si Ms.Garcia nang marinig ang pagdating ng mga iba niyang estudyante.

Ilang sandali nang simula na ang klase. Tahimik lang ako nakaupo malapit sa hilera ng mga guest speaker.

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now