CHAPTER 25

415 6 0
                                    

"Beatrice!!"

Napalingon ako sa dalawang babae na tumawag sa pangalan ko. Mabagal akong ngumiti ng masilayan ko ang mga mukha nilang dalawa.

"Taly! Diane!" Sigaw ko sabay kaway ko sa dalawa at lumabas ako ng kotse.

Tumakbo naman ang dalawang kaibigan ko palapit sakin.

"Kamusta daddy mong masungit?" Pilyong saad ni Taly Sebastian
ang childhood friend ko. Matalik na kaibigan ng Daddy niyang Congressman ang Lolo ko noon na bubuhay pa ito.

"Siguro patay na!  Baka buhay pa. Kase nga ang masamang damo hindi agad na mamatay!" natatawang sambit naman ni Diane De Vera, nitong highschool ko lang siya naging kaibigan. It's a crazy woman. But ganon din naman si Taly, kala moy kalalabas lang ng mental.

Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko naman sila masisisi kung ganon ang tingin nila kay daddy. Paano ba naman kase tuwing dadalaw sila sa bahay, hindi pa sila nakakapasok gusto na agad sila paalisin ni daddy. Saka hindi daw sila ang dapat kong kinakaibigan, humanap daw ako ng mga kalevel ko.

Buti na nga lang nanjan si mommy para ipagtaggol ako.. Promise nakakainis si daddy. Lagi nalang ako ang mali at masama sa paningin niya, at gusto niya tularan ko si Ate mmm...Patrice  grrrrrr...

Nang tumunog ang bell halos patakbo kami papunta sa room. Subalit pag dating namin don wala pa yung advisory namin.

"By the way sissy, nakita mo na ba yung Ate mo?" Seryosong tanung sakin ni Taly habang papunta kami sa table namin.

"Oo nga sissy?" sang-ayon naman ni Diane.

"Yup nong sabado pa!" nakangiting sagot ko rito sabay upo ko ng makarating ako sa table ko, ganon din ang dalawa.

Biglang sumagi sa isip ko yung lalaki na nakilala ko sa may Elevator. Gwapo sana siya pero napakasuplado niya. I hate guy.  Akala ko pa naman doctor siya. Intern palang naman. Tsk ang yabang.

"Huy!"

"Oh," gulat na sambit ko ng tapikin bigla ni Diane ang balikat ko at sigawan ako sa mukha.

"Wow...lalim ha? Tulala ka jan kanina pa kami nagsasalita dito tas ikaw ang lalim ng iniisip mo!" iritang saad ni Taly sabay irap sakin.

"I'm sorry."

"Ano nga ulit?"

"Ang sabi lang naman namin saan mo nakita ang Ate mo? And how?" Medyo iritang wika ni Diane.

"Ah sa St. Anne Memorial Hospital, don sa sikat na hospital, nong sabado kase nag pacheck up si daddy kay____

Naputol ang sasabihin ko na agad sumingit ang dalawa at halos sabay at magkapareho pa sila ng sinabi.

"Don't tell me, doon ng tatrabaho ang Ate mo!"

Napatungo nalang ako at matipid na ngumiti.

"Yeah! At isang doctor ang Ate ko! Kaya ngayon alam ko na kukunin ko sa college. Soon to be a doctor like Ate Eunice." masayang bigkas ko.

"Ayy soosss!"

Natatawang saad ni Diane sabay sundot sa tagiliran ko kaya halos mapatayo ako.

"Diba sabi ng daddy mo si Ate Patrice  ang tularan mo?" Mataray na sambit ni Taly.

Nawala ang ngiti ko at dumako ang tingin ko kay Taly na seryoso lang ito habang pinaglalaroan niya ang ballpen sa mga darili niya.

"Yeah I know but.. ayaw ko manging tulad ni Ate Patrice na sunudsunuran lang ni daddy. I want peace for my dream." Seryosong sabi ko at bumalik ako sa pagkaupo ko.

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now