CHAPTER 33

182 3 2
                                    

Zianna_30 your wish is my command bebe☺️🤭

LUKE's POV

Matapos ko ihatid si Vincent sa school niya agad akong bumalik sa bahay. Sa pagbukas ko ng pinto agad bumungad sakin si Eunice na pababa ng hagdan.

"Are you alright?" tanung ko dito sabay sara ko ng pinto. Dumako ang tingin niya sakin sabay matipid na tumungo.

"Kailangan ko na pumasok maraming trabaho ang naghihintay sakin." Sambit nito pero halata parin sa boses niya na hindi maganda ang pakiramdam nito.

"Maraming salamat Lucas!"

Matipid itong ngumiti sakin ng makalapit sakin subalit ang mga mata nito ay may matinding kalungkutan. Bago pa siya makahakbang agad kong hinawakan ang braso nito.

"I know your not okay! Hindi ako papayag na umalis ka, na ganyan kalagayan mo.!" seryosong aniya ko.

"Pero Luc____

Hindi ko na to pinatapos sa pagsasalita agad ko siyang hinila papunta sa kitchen. Kagabi pa siyang hindi kumakain.

"Ano gagawin natin dito?" Tanung nito. Binitawan ko ang braso niya at umupo naman ito sa mismong table.

"Making  Vincent's lil sister.. " Biro kong sabi, na kinasama naman ng tingin nito.

"Hindi magandang biro yan Luke!" galit nitong saad sabay alis nitong sa pagkaupo sa table at mukang paalis ito.

Bago pa siya makatalikod mabilis akong lumapit sa kanya at sabay hinawakan ang kamay nito.

"Come on, Ang bilis mo talaga mapikon. Parang binibiro lang, ang seryoso mo naman." natatawang sambit ko at kinabig ko ang baywang niya palapit sakin.

"Sino bang matutuwa sa biro MO?" naiiritang ani niya at inirapan pa ako, napahalakhak nalang ako sa pagtawa.

Napatigil nalang ako sa pagtawa ng pisilin niya ng pisngi ko. Halos mapadaing ako sa sakit dahil hinila pa niya ang pisngi ko at napabitaw ako sa baywag niya sabay atras.

"Ouch!" reklamo ko habang hinihimas ko ang pisngi ko.

"Bagay lang sayo yan!  Ang bastos, bastos mo!" anya nito sabay tawa.

Habang mapahinto ako sa paghimas ko ng pisngi ko ng marinig ko tong tumawa na halos mawala na ang mata nito. Kusang akong napangiti, siguro sapat na ang nakikita para mabawasan ng bigat ng nararamdaman niya. Hindi ko man kaya maibsan ang sakit ng nararamdaman niya pero gagawin ko parin ang lahat at kahit hindi ko alam kong ano pinagmulan.

Siguro ito na rin ang way upang makabawi sa kanya sa lahat na naging kasalanan ko.

Napatigil ito sa pagtawa at napatingin sakin, dahan-dahan akong ngumiti dito.

"Sinong sinasabi mong bastos? me?." natatawang wika ko sabay hakbang palapit said kanya subalit umatras ito.

"Syempre ikaw. Ikaw lang naman ang kausap ko diba!" sabi nito at bigla siyang tumakbo papunta sa sala.

"Ah ganon!" mabilis ko naman siyang hinabol at para kaming batang nalalaro ng hahabulan at parang nagpapatintero sa mga sofa.

"Pag nababuntan kita yare ka sakin!" natatawang sabi ko.

"Asa ka pa!" tawang tawa nito at halos hingalin sa pagtakbo.

Umikot ito sa sofa mabilis naman ako nakabalik kaya na corner ko siya.

"Huli ka ngayon!" masayang wika ko habang nakadipa ang mga kamay upang harangan siya sa daan.

"Baka nga!"

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Apr 22 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Doctor RomanceKde žijí příběhy. Začni objevovat