CHAPTER 14

433 11 0
                                    


Ilang saglit ng pahinga ang binata bago muling umakyat papuntang fifth floor. Subalit paakyat palang ito agad naman siyang napansin ng kanyang grandpa'ng  Si Mr. Lester Lucero.

Kalalabas lang nito ng office niya nagmapansin niya ang kanyang apo paakyat sa hagdan.

"Lucas apo!" tawag nito sa binata.

Agad naman napahinto ang binata at humarap sa matandang lalaki. Ngumiti muna ang binata bago siya lumapit dito.

"Grandpa.."

"Are you all right?" Mahinahon nitong tanung. Tumungo lang ang matandang lalaki sakanyang tanung.

"Kailan ka babalik ng Coronado?"

"tree months but... sa isang linggo lang ako sa Canada then go back to Philippines again."

Kitang kita sa mga mata ng matandang lalaki ang matinding pag-aalala sa binata. Alam niya kung bakit ito babalik don.

Ilang beses na niya sinabihan si Luke natumigil nalang sa pagsusundalo at dito nalang sa pilipinas manatili upang gampanan ang pagiging doctor niya.

Mahabang taon na ang lumipas bago dumating ang isang trahidya. Tandang tanda pa niya ang panahon at oras kung kailan ito nangyare. Alam ng matandang lalaki kung gaano kalaki ang kasalanan niya sa binata.

Maaaring na kalimutan na ito ni Luke subalit pinabangungot pa rin siya sa kanyang kasalanan.

Isang pasyente noon nag-aagaw buhay. Na dapat ang binata ang mag oopera sa pasyente subalit nagkasakit ang ama nito dahilan upang umalis siya. Tulad ng binata isa rin itong military.

Pinakiusapan siya ni Luke na siya muna ang mag opera sa pasyente na pinangakuan niya. Sumang-ayon naman siya sa kagustohan ng kanyang apo. Ngunit ng dumating araw na ooperahan na niya, bigla siyang binantaan ng mga kamang-anak ng asawa ng pasyente. Kung ooperahan niya ito kapalit ng buhay niya at pagbagsak din ng lahat ng negosyo niya.

Dahil sa takot dahil malaki ang binabangga niya kung sakaling gawin niya yun. Kaya nanahimik nalang siya at ng bulag-bulagan. Na akala ng binata maililigtas ang pasyenteng iniwan niya sa kanyang Lolo.

Sinabi din sa binata na maayos ang operation at ligtas ang pasyente kahit hindi naman yun ang totoo. Gusto man niyang sabihin pero sa takot na madamay at ang pamilya niya minabuti nalang niya manahimik.

At buong buhay niya yun pinagsisihan hanggang sa magpasangayon.

Matapos nila mag usap agad na nagpaalam ang binata at patakbo ito paakyat ng hagdan.

Palihim na ngumiti ang matandang lalaki kahit may tinatago siyang matinding puot sakanyang pagkatao.

Pero bago ito makarating  sa fifth floor na unahan na siyang umakyat ni Cyrus.

Halos hingalin sa pagod si Cyrus ng makarating siya sa fifth floor.

"Hayyy!" buntong hininga nito.

Mabilis naman tumago ang lalaki sa may gilid ng mapansin niya parating si Cyrus sa kanyang kinaruroonan.

Tumago siya sa pinaka madilim na parte ng loob ng hospital kung saan malapit lang din kung nasaan ang office ng dalaga.

Dahil hindi naman pansin ng binata domeretso lang ito sa VIP room kung saan naroon ang kanyang ama.

Palabas na sana ang armadong lalaki sakanyang pinagtatagoan na agad siyang mapahinto ng tumigil ang binata sa paglalakad ng mapansin niyang tagkal ang isang sintas ng sapatos niya.

Sa galit ng lalaki gusto sana niya itong barilin sa ulo pero sa takot na makagawa siya ng ingay, kaya minabuti nalang niya kumalma at hintayin ang pag alis ng binata.

Ngunit ang hindi niya alam may CCTV ang bawat bahagi ng hospital, pero nan
g kataon naman nakatulog ang nagbabantay ng CCTV footage. Kaya malaya siyang makakagala o makakagawa ng krimen ng hindi na mamalayan ng mga tao sa loob.

Napailing pa ang binata bago niya ayusin ang sintas niya. Ilang saglit pa bago ulit ito magsimula maglakad.

Nang mapansin na ng lalaki na pumasok ito sa isang silid mabilis siyang umalis sakanyang pinagtatagoan.

Hindi pa naman siya nakakalayo mula sa kanyang pinagtatagoan. Muli siyang napatakbo pa balik ng makarinig muli ng mga yabag ng mga paa. Sa galit halos mapamura nalang siya.

"Fuck!!"

Isang binata na naman ang nakita niya, pero halos makaramdam siya ng galit dito at halos palibutan siya ng masamang aura.

Muli na man niya nakita ang doctor na sumira ng pangako sa kanya. Naakala niya matutulongan siya. Tulad ng mga kapatid niya isa rin ito sa kanila.

Napansin niyang patungo ito sa silid nang sunod niyang biktima. Wala atubiling tinutok sa binata ang baril habang nasa trigger na ang isang darili nito.

Kakalibitin na sana niya na mabilis niyang tinutok sa sahig ang baril. At napahawak siya sakanyang ulo sabay napamura siya sa kanyang isipan.

Binabuti na muna niyang wag ng ituloy ito, dahil hindi dapat ito ang mamatay kundi ang dalaga. Kaya hinayaan na niya makapasok ito sa silid. At bago pa siya mapansin ng ibang tao nilisan niya ang lugar na yun.

Alam niya may iba pang pagkakataon upang maangkin ang dalaga at mapatay niya.

EUNICE's POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, mula sa bintana. Agad akong napaupo sa sofa. Subalit saglit ako ng taka paano ako nakapunta sa sofa,

kagabi naman nakaupo ako sa table ko. Pansin ko rin nakakumot sakin ang isang jacket, kaya mabilis ko tong inalis. Doon ko nalaman kung sino ang nagdala sakin sa sofa at siya lang naman ang kasama ko kagabi.

Subalit namilog ang singkit kong mga mata ng marealize ko na. Binuhat ako upang makarating dito at napahawak nalang ako sa bibig ko.

"LUKE!" sigaw ng isip ko.

Napatingin nalang ako sa pinto ng bumukas it at bumungad sakin ang mukha ni luke na halos mapunit na ang labi niya sa kanyang ngiti. Habang may hawak itong dalawang cup ng kape.

"Good morning!" masayang bati niya sakin habang palapit ito.

"Walang good sa morning, kung mukha mo bubungad agad sakin!" iritang sabi ko.

"Bakit hindi ba ako gwapo sa paningin mo?Gwapo naman ako ahh!" dagdag pa nito.

Pakiramdam ko subrang hangin sa loob at kulang nalang payarin ako. Sa kahanginan ng lalaking to.

"Matakot ka nga sa mga pinagsasabi mo!"

Tinawanan lang ako nito sabay patong niya ng dalawang cup sa table.

"Ang cute mo talaga pikonin noh!" natatawang sabi nito.

Umupo ito sa tabi ko at pinisil ang ang pisngi ko. Mabilis ko naman pinalo ang braso niya upang mabitawan agad niya ang pisngi ko.

"Ano ba Luke, masakit!" galit na sambit ko.

"Masakit ba o sige kiss ko nalang!"

Mabalis akong na paatras ng ngumuso ito sa harapan ko.

"Ito gusto mo?!"

Hinaya ko sa mukha niyang ang kamao ko pero ang sira ulo, tumawa lang na halos mawalaan siya ng mga mata.

At pakiramdam ko bumilis ang pagpinting ng puso ko. Na parang hinahabol ng kabayo sa subrang bilis.

Bakit ba ang gwapo ng boses niya...

Shit damn...

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now