CHAPTER 2

995 18 0
                                    

"Huy Eunice ano ginagawa natin dito!" inis na sambit ni Elize habang papasok kami sa Hospital.

"Pwede manahimik ka nalang ang ingay mo!" iritang sambit ko.

"Alam mo gaga ka talaga, may klase pa tayo! Gusto mo ba mapagalitan tayo ni  Ma'am Perez?!" galit na sabi niya.

Hinila niya ang braso ko paharap sakanya.

Kitang kita ko kung paano mag dugtong ang kilay niya at sinamaan niya ako ng tingin.

Pero inirapan ko lang siya sabay pamewang sa harapan niya.

"Alam mo ikaw ang tanga jan! Sama-sama ka sakin tas magerereklamo ka! May sira ba utak mo kung meron magpa-opera ka na kase malala na yan!" inis na sabi ko at pinitik ko ang noo niya.

"Arayyy!" Sigaw ko Nang may pumingot sa taynga ko.

Napabusangot ang mukha ko ng makita ko kung sino ang pumingot sa taynga ko.

"Ano ginagawa mo dito ha! Diba may pasok ka pa!" galit na sabi niya at pinitik pa niya noo.

"Aray naman !" daing ko

Kung Di ko lang crush ang sira ulong lalaking to. Nasapak ko nato.. Grabe ang sakit noh..

"Oh...ayan, patay ka ngayon!" Natatawang sabi ni Elize kaya inirapan ko siya.

"Pamasok ka na  nga. Go back to you're school." saad niya.

"Pero Doc. Kailangan ko kase magpatingin. Ang lakas na kase ng tama ko sayo" pabebeng sabi ko at sabay matamis ko siyang nginitian.

Napahilamos siya ng mukha. Pero si Elize halos mamatay kakatawa.

"Alam mo Eunice masyado ka pang bata hindi tayo pwede! Alam mo pag aaral ang atupangin mo." Mahinahon na sabi niya.

"Wala naman akong sinabing ganon doc, saka gusto ko lang linawin sayo na kapag nakapagtapos na ako at may trabaho na ako magpapakasal na tayo!" proud na sabi ko at bigla siyang nasamid.

"doc!" may pag aalalang sigaw ni Ellize.

"Teka ayus ka lang Doc.luke!" Pag-alalang sabi ko.

Lalapitan ko sana siya ng iharang niya ang kamay niya para pigilan ako.

"Okay lang ako. Elize umalis na kayo pakidala nalang ng kaibigan mo sa mental hospital masyado na malala tama niya sa utak!" Natatawang sabi niya sabay talikod niya sakin.

Bigla naman ako napaisip sa sinabi niya. Ano daw?  Sa mental hospital, ano gagawin ko don.

"Teka...

Naputol ang sasabihin ko ng wala na siya sa harapan ko. Siraulong Doc. Luke na yun.

Muka ba akong baliw? Para dalhin sa mental. Napakamot nalang ako sa ulo.

~

Halos magising ako sa lakas ng lagabag.

Agad ako napaayos ng upo at may na pansin ako sa gilid ng mesa ko isang basag na vase. Siguro ito yung dahilan.

Napailing nalang ako at napahawak sa ulo ko.

Sumagi sa isipan ko ang panaginip ko bakit ko napaniginipan ang bagay na yun.

Matagal na yun tapos at matagal ko na yun kinalimutan.

Subalit bakit kailangan pa bumalik ang bagay na yun.

Iniwan niya ako na hindi ko alam kung bakit?

Kahit crush ko lang siya halos masira ang pagkatao ko. Ganon ba talaga ang epekto ng first crush. Siguro may asawa't anak na siya at hindi na siya bumalik.

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now