CHAPTER 5

747 13 0
                                    

<EUNICE's POV>

Titititit.....titititit...

Napatingin ako sa relo ko. 8:00 o'clock na pala. Napatingin din ako sa katabi ko na tahimik lang nagmamaneho.

Wala akong alam kung saan niya balak pumunta. Ang sabi lang niya. Mag suot daw ako ng formal.

Tumingin naman ito ng saglit sakin na halos magsalubong ang dalawang kilay niya.

"Anong klasing suot yan sis!" iritang sabi niya bago niya binalik ang tingin sa daan. Napasinghal naman ako.

"formal.!" balik na akusa ko sakanya.

Baliw talaga ang babaing to! 

Sabi niya formal kaya ng suot ako ng white t-shirt, at nakapantalon na itim.  Ano ba mali sa suot ko.

"Ewan ko sayo! Mukha kang Tindera sa Canteen!"

Dahil sa sinabi niya agad ko siyang binatukan. Napadaing naman siya sa sakit.

"Aray ko!"

Napaka sira ulo talaga! Anong mukang Tindera..

"Ang sabi mo kasi Formal!"

"Oo nga Formal nga!"

"Oh, eh anong issue mo jan?"

"Muka kang tanga eh, Pero okay na yan! Ano ba magagawa ko! Syempre ikaw na yan eh!" sabi niya sabay kibit balikan niya.

"Teka saan ba kasi tayo pupunta? Bigla bigla mo nalang ako hinihila at pinagbihis." Tanung ko dito sabay sandal ko.

"Hmmm! Sa party.. 18 Birthday kase nong anak ng kabusiness partner ni Mama! Then sinama kita kase alam ko naman wala kang gagawin kundi tumabay lang sa coffee shop mo!" Mahabang salaysay niya.

Napabuntong hinihanga nalang ako. Akala ko naman saan niya ako dadalhin. May nalalaman pa siyang magbihis ako ng formal tas birthday party lang pala.

Saka ano naman masama sa suot ko. Baka gusto yata niya mag suot ako ng dress. Bakit naman ako mag susuot non.  Alam naman niya never ako ng suot ng ganon.

"Nga pala nag kita na ba kayo ni Doc.Luke?  Ano pinag usapan niya? Chika mo naman sakin." Pag iiba niya.

At para siyang sinisilihan sa puwet na hindi mapakali sa kinauupuan niya.

"Chismosa..."

Sinusundot pa niya ang tagiliran ko.

"Suuusssss....Share it nemen jen..."

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan upang tumigil siya.

Bakit kailangan pa niya banggitin ang taong yun.

"You know what Elize, pahamak ka sa buhay ko  Kundi lang kita kaibigan. Siguro pinaglalamayan ka na ngayon." naiinis na sabi ko sakanya.

"Bakit hindi ka ba naging masaya na nakita siya?" mahinahon na tanung niya sakin.

Pero para ba akong hinila pababa sa tanung niya.

Paano ako magiging masaya makita ang taong nanakit sakin. Pinagloloko ba niya ako?

Sa tingin ba niya magiging masaya ako. Isang malaking kahibangan yun.

"Alam mo El--"

Naputol ang sasabihin ko na agad siyang sumingit.

"Siguro hindi, noon!"

Alam naman pala niya. Bakit kailangan pa niya itanung ang bagay na yun. At bakit kailangan pa niya ilihim ang bagay na yun?

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now