CHAPTER 32

119 2 2
                                    

"Sorry kung naging selfish ako... Sorry kong tinago ko yung totoong ako, akala ko kase pag-ibig yung nararamdaman ko para sayo. Masyado pa akong bata para maintindihan yun. Nang na-realize ko hindi pala, gusto kong sabihin sayo yung totoo pero natatakot ako... natatakot akong makasakit ng dadamdamin ng tao. Subalit nagkamali ako hindi ko inisip kong ano yung mararamdaman mo!"

Inubos ko ang wine na nasa baso at muling humingi sa waiter habang inaalala ko ang mga sinabi niya bago ako umalis sa lugar na yun. Halos madurog ang puso ko sa mga katagang binitawan niyang salita.
Ayaw ko maniwala sa mga sinabi niya.

"Oo totoo lahat ng pangako ko sayo, na handa akong maghintay sayo para sabihin may taong naghihintay sayo at balang araw ikakasal tayo subalit hindi ako yung babaeng makakasama mo sa altar!"

Parang gusto ko yata isuka ang wine na inimom ko. Naibaba ko nalang ang baso sa table at na pahilamos ako ng mukha. Halos mapamura nalang ako sa isip ko.

Fck!

"Bakit Vela... bakit?"

"Minahal kita higit pa sa kaibigan, tinuring kitang parang kapatid ko na. Pero alam mo ba kung ganon ka  kamahal ng step sister ko. Siguro hindi mo nakikita yun dahil lagi ka naka-focus sakin. Tingnan mo ang paligid mo Cyrus.. Baka sakaling makita mo yung pagmamahal ni Patrice para sayo at alam ko bata palang tayo mahal na mahal ka na niya, kaya siguro hanggang ngayon alam ko ganon parin yung pagmamahal niya sayo, na hindi ko kayang ibigay sayo.!"

Halos mapatawa nalang ako sa sakit nagraramdaman ko at habang dahan-dahan pumapatak ang mga luha sa mga mata ko. Uminom ako para makalimot subalit halos maalala ko lahat ng mga huli niyang sinabi. Para akong pinapatay sa subrang sakit.

"Cy, Isa lang masasabi ko ...maraming salamat!"

"Sorry kung nasaktan man kita, gaya nga ng sinabi mo walang magbabago sana tuparin mo yun. Pangako ko! Magiging masaya ako pero sana maging masaya ka rin..."

"Hold my hand, my little Cyrus!"

Napasubsob nalang ako sa table at napahagolgol nag-maalala ko ang katagang yun na huli niyang sinabi. Salitang binitawan niya noong bata pa kami.

"Promise I'm always be here and never leave you!" salitang binitawan ko noon na hindi ko na kayang sambitin pa sakanya hanggang sa nilisan ko nalang ang lugar na yun.

Minahal kita na higit pa sa sarili ko... Kung pwede lang sana may magsabi sakin na panaginip lahat ng ito at gisingin ako sa totoo na nakasama ko na siya.

"Please come back to me!" mahinang bulong ko sa sarili ko.

Sa subrang paghihina ko halos mawalan na ako ng balanse kaya tuluyan na akong nahulog sa bangko. Maraming taong napatingin sa sakin sa bandang malapit sakin pero hindi ko ito pinansin. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

May lumapit na waiter sakin. "Sir okay lang po kayo?" tanung nito sakin.

Umiling lang ako dito at sinubukan ko tumayo subalit lumagapak ako sa sahig. Nagsimula narin makaramdam ako ng pakahilo dahil sa subrang dami ko ng wine na nainom mula kanina pa.

Napailing nalang ako ng dumoble ang paningin ko, napahawak ako sa ulo ko na pakiramdam ko parang dumidilim na ang paningin ko at subrang sakit na ng ulo ko para akong pinupok-pok ng martilyo.

"Sir...." Huling narinig ko bago ako nilamon na dilim at ramdam ko ang pagkatumba ko sa sahig.

Luke's POV

Kanina pa ako palakad-lakad habang walang tigil kong hinahanap si Eunice. Ang sabi ko sa kanya kanina hintayin niya ako sa parking lot subalit pagpunta ko don wala naman siya.

Doctor RomanceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang