CHAPTER 4

755 16 0
                                    

Nanumbalik na naman ang mga alaala ko nung nakalipas na ilang taon..

Bago ko siya sundan ng paalam muna ako sa mga kasama ko, Subalit paglabas ko mabilis siyang nawala, kahit anino niya ay hindi ko nakita.

Kaya minabuti ko nalang hanapin siya.

Ramdam ko ang lungkot at bakas sa tuno ng pananalita niya halatang galit siya sakin. At bakas sa mga mata niya ang matinding kalungkotan.

Kaya halos nanliit ako sa sarili ko.

Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit galit siya sakin. At hindi ko rin masisisi ang sarili ko. Sapagkat wala akong magawa nong mga panahon na yun. Kailangan ko talaga umalis.

Oo aminado ako kasalanan ko. Hindi ako nakapaalam ng maayos sakanya.

Subalit hindi ko rin yun ginusto.

May sakit ang daddy  ko kaya kinakailangan  ko agad umalis. At hindi ko rin inaasahan ang huli niyang habilin bago siya binawian ng buhay.

Sumunod ako sa gusto niya maging military ako kaya iniwan ko sa pilipinas ang pagiging doctor ko.

Mahirap para sakin ang naging desesyon ko. Kung sakaling hindi man niya ako mapapatawad. Maluwag ko yun tatanggapin.

Isa lang naman ang pinag sisisihan ko.

Ang pakawalan ang babaeng mahal ko..

Sa pag mumuni muni ko,Hindi ko na malayan dinala ako ng mga paa sa garden.

Napahinto nalang ako sa paglalakad ng masilayan ko siya.

Tumulo nalang ang luha ko ng masilayan ko ang mga ngiti niya na kay tagal kong hindi nakita. Subalit ng dumako ang tingin ko sa mga mata niya para akong nanigas sa.kll kinatatayuan ko.

Maitatago mo ang tunay na ikaw sa iyong mga ngiti subalit hindi mo maitatago sayong mga mata ang tunay na ikaw.

Mabilis kong pinahid ang mga luha bago pa siya humarap sa kinatayuan ko. Hinawakan niya ang kamay ng anak ko bago siya humarap sakin.

"Daddy!" masayang bigas ni Vincent   ng humarap ito sakin.

"He's my daddy!" dagdag pa niya at  tumingin kay Eunice.

Tumingin muna ito sakin bago niya tingnan si Vincent na malawak na nakangiti.

Hindi ko alam kung ano ginawa niya kay Vincent bakit mabilis niya itong napaamo. Napaka suplado at pilyo pa naman ng batang to lalo na hindi niya kilala.

"Come with us!"

Medyo na gulat ako sa ginawa ni Vincent at ganon din siya.

Bigla niyang hinila si Eunice palapit sakin.

"Daddy!!" sigaw pa niya habang tumawang tuwa sa paghila kay Eunice.

Agad naman akong mabilis na nag lakad.

Nang makalapit ako agad kong binuhat si Vincent.

"Your so heavy, Little boy"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng may binulong sakin si Vincent.

"I want her to become my mommy!"

sa gulat ko napatingin ako sakanya pero tumawa lang siya sabay pisil ng ilong ko.

"Enough!" saway ko sakanya pero lalo lang siya tumawa.

Sabay yakap niya sa leeg ko.

"Hmmmm...

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now