CHAPTER 22

371 7 0
                                    

Nalaman ko si Mr. Patrick Thomas ang matandang lalaki ang dating kabusiness partner ni mommy,

dahil sa hindi magandang pagkaunawaan nasira ang pagsasamahan nila. Masyado pa akong bata noon para maintindihan ang lahat. At muka rin hindi niya ako na kilala sa bagay 8 years old palang ako noong na meet siya.

Nabalitaan ko rin na bumagsak na ibang company nito at dahil din sa pamilyang Choi ,naisalba pa ang isang company nito at mukang hindi naito kaseng yaman noon.

Nalaman ko rin siya pala ang bagong magiging pasyente ni Eunice. At dahil din sa sinabi nong intern. Na mukang ayaw operahan ito ni Eunice. Hindi ko alam kung bakit?

"Daddy alis muna ako!" saad nong dalaga na anak ni Mr. Thomas.

Iimik palang ang ama na agad itong umalis sa silid at mukang nagmamadali.

Minabuti ko nalang din kunin ito upang ako nalang ang gumawa. Agad naman ito pumayag. Nang maibigay sakin ng intern ang record ng pasyente pinalis ko na ito. Kaya kaming dalawa nalang naiwan sa loob.

Binigay ko naman sakanya ang dapat niya malaman tungkol sa pagiging operasyon niya.

"Kailan ako pwedeng operahan?" masayang tanung nito sakin at titig na titig pa sa mukha ko.

"Tomorrow sir. Dapat 9:00 o'clock na umaga na dito na kayo!" seryosong sagot ko dito.

Agad naman ito tumungo sabay tayo. Nilahad niya ang kamay niya upang makipagkamay.

"Thank you Doc._____

"I'm James Lucas Lucero,Sir."

Matipid akong ngumiti dito sabay saglit akong nakipagkamay sa kanya . Halata naman sa mukha niya ang matinding gulat.

"What your last name?" takang sambit nito.

"Lucero Sir. Why?"

"Oh come! So ikaw pala ang anak ni Luna Del Valle Lucero  at apo ni Mr. Lester Lucero." gulat na gulat nitong saad.

"Yes Sir."

"Oh nice to meet you. Hindi agad kita nakilala. Ang bata mo pa kase noon. Di ko akalain magiging doctor ka. " saad nito at mabagal siyang ngumiti, matipid naman akong ngumiti sakanya.

"By the way stepfather ako ng doctor kaninang nandito."

Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya.

Wag mo sabihin si Eunice ang tinutukoy niya. Gusto ko pa sana siya tanungin subalit tumalikod na ito at naglakad papunta sa pintoan. Sakto naman bubuksan na niya ang pinto na agad ito bumukas at bumungad sakanya ang anak nitong dalaga.

"Oh saan ka ba galing?" malumanay nitong tanung sa anak niyang dalaga.

"Powder Room lang Dad,." nakangiti nitong saad.

Kung stepfather niya ito ibig sabihin stepsister niya ang dalagang ito. Pero ang gumugulo sa isip ko bakit galit si Eunice  kay Mr. Thomas.kung stepfather naman niya ito. Marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa pagkatao niya.

EUNICE's POV

Bad trip akong naglalakad papunta sa elevator. Nakakasira lang araw ng matandang yun, dapat sakanya mamatay nalang. Dahil hanggang ngayon ang sama parin ng ugali niya kasing sama ng ugali ng anak niya.

Nakakagigil.

Napatigil nalang ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko.

"Ate Eunice! Wait! " sigaw nito kaya agad akong napalingon dito.

"what now?"

Patakbo siyang lumapit sakin.

"Can we talk Ate Ella?" hinihingal pa itong tanong sakin.  Napataas naman ang isang kilay ko.

"Don't call me Ate. Hindi kita kapatid at wala akong kapatid." inis na sabi ko.

Gumuhit sa maganda niyang mukha ang kalungkotan at napayuko pa ito. Halos mapasinghap naman ako.

"but.."

"Ano ba sasabihin mo?" iritang sambit ko.

"I'm sorry Doc.!" malumanay niyang saad at inangat niya ang tingin sakin sabay pilit siyang ngumiti sakin.

"okay, I need to go.." akmang tatalikod nako kaso bigla syang nagsalita.

"Alam ko naman hindi mo ako tanggap bilang kapatid mo pero irerespeto ko ang gusto mo Doc. Eunice"

Pakiramdam ko parang may kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko, hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

"Gusto lang sana sabihin na kahit minsan lang sana dumalaw ka sa bahay kase si mommy...."

Halos umiba ang pakiramdam ko ng marinig ko sakanya ang wala kong kwentang ina.

"Kung yan lang sasabihin mo, wala akong balak makinig! Dont waste my time!" galit na sambit ko sabay talikod ko rito.

Hahakbang na sana ako ng hawakan niya ang pulsohan ko upang dahilan para mapahinto ako.

"Listen to me,please!" Pagmamakaawa nito subalit winasik ko lang ang kamay ko upang mapabitaw siya.

"Ayaw ko makinig sayo kase ayaw ko_____

Naputol ang sasabihin ko ng bigla itong umiyak at buti nalang walang mga taong dumadaan dito kaya walang nakakapansin saamin.

"Kahit ngayon lang sana! Please! Alam mo ba kung saan saan kita hihinanap para lang makausap.." umiiyak niyang umipas.

"fuck!"

"Oo alam ko galit na galit ka kay mommy, alam ko lahat kase kwento sakin. Pero alam mo ba nong araw na nagpakita ka at ipagpilitan mong hindi ka si  Vella or si Eunice! Ang nawawalang anak ni mommy"

Saglit itong tumigil upang makahinga sabay punas ng mga luha niya.

"Hindi mo ba alam masaya si mommy  na nakita ka ulit dahil sa buong buhay niya ngayon ka lang ulit nakita dahil halos mabaliw na siya kakahapan sayo. Subrang naaawa ako ngayon kay mommy dahil halos araw araw bukang bibig ka lagi at alam ko rin na nagsisisi na siys sa lahat ng ginawa niya sayo. Mahal na mahal ka niya kung alam mo lang. "

"Walang ina ang hindi natitiis ang anak pero ang anak kayang tiisin ang isang ina!" huling sabi nito, na halos tumagos sakin.

At halos mapaatras ako pero agad niyang hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko naman ang pagtulo ng mga luha ko. Subrang sakit lang mukang ako ang nagkamali. Masyadong mataas ang pride ko kaya hindi ko man lang siya napakinggan.

Sana pala binigyan ko siya ng oras para mapaliwanag subalit nadala ako ng emosyon at pagiging makasarili ko.

Masama na ba akong anak?

Inangat niya ang isang kamay niya at sabay pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang likod ng palad niya.

"She's always waiting for you. Walang bahid na galit si mommy sayo at ako na ang humihingi ng sorry para sakanya at sana mapatawad mo siya!"

Biglang namanhid ang katawan ko at hindi ko narin mapigilan ang pagbuhas ng mga luha ko.

"I'm sorry!" na sabi ko nalamang.

"Nope! kami dapat ang mag sorry sayo Doc. Eunice!"

Isang mahigpit na yakap ang pinakawalan ko at binuhos ko ang mga luha ko hanggan sa gumaan ang pakiramdam ko.

"Hindi pa huli ang lahat Ate!" Kinakabahan pa ito sa pagtawag sakin ng ate.

Kumalas naman ako sa pagkayakap sakanya at mabagal akong ngumiti habang pinapahid ko ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko.

"Sorry talaga masyado akong padalos-dalos."

"It's okay Ate! Naiintindihan kita."

Mali talaga lahat ng akala ko at pagkakilala ko kay Beatrice, akala ko tulad din siya ng ama niya o ang ate niya. Masyado ko agad siyang hinusgahan.

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now