CHAPTER 6

658 13 0
                                    

<GIO's POV>

"Mr. Gio Villafuente, Makakalabas na ho kayo!"

Napangat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng selda.

Napasinghap naman ako dito bago ako tumayo at naglakad palapit sakanya.

"Pano ba yan? See you next day Mr.Villafuente." Natatawang sabi niya.

Subalit hindi ko nalang ito pinansin dumiretso nalang ako sa paglabas.

Sa paglingon ko agad kong  nakita ang mukha ni Ate Stella. Pakiramdam ko parang gusto ko yatang bumalik sa selda. Dahil halos patayin na niya ako ng tingin niya.

Humakbang ito palapit sakin upang mapaatras ako.

Hindi ko alam kung saan ako dadaan. Kapag nahuli niya ako tiyak dali ako sakanya. Lumingon-lingon ako sa paligid para humanap ng daan subalit bigo ako.

Muli kong binalik ang tingin ko kay Ate Stella. Bigla naman itong ngumiti sakin natipong nakakatakot kaya pilit akong ngumiti sakanya.

Nang makalapit ito sakin tatalon na sana ako sa table ng isang pulis para makatakas ako sakanya. 

Subalit nahawakan niya ang laylayan ng damit ko at hinila niya ito upang lumagapak ako sa sahig.

Halos mapadaing ako sa sakit at lahat ng pulis sa loob ay humagalapak ng tawa.

Napapikit nalang ako sa subrang hiya.

Muli akong napadaing sa sakit ng hilahin ni Ate Stella ang taynga ko dahilan upang mapatayo ako.

Rinig ko ang pagtawa muli ng mga pulis.

"Ikaw talaga!  Wala ka ng ginawang matino ha!" galit na sambit ni Ate stella. Kaya napapikit nalang ako.

Kakainis kase yung babaeng yun.  Kung hindi dahil sakanya hindi ako mahuhuli ng mga pulis.

Kaasar.. Subrang tapang pa niya hayyy sana hindi na lang ako nang aksaya ng oras sa tulad niya. 

Damn shittt. Magkikita pa tayo, Ms.Amazona

"Di ka ba nakikinig sakin ha!"

Napasigaw nalang ako sa sakit ng pingutin nya ng malakas ang taynga ko.

"Please Ate Stella! Stopped!" Pagmamakaawa ko sakanya.

" Anong Stop Stop ka jan?! napaka tigas talaga ng ulo mo!"

Pakiramdam ko mapipilas na yata ang taynga ko.

"Akala ko ba matapang ka pero pang dating pala sa ate mo tiklop ka!" Natatawang sabi ng isang pulis.

Hayyy shittt nakakahiya talaga to!

"Kung hindi ka titino ipapaalam kona ang mga pinag gagagawa mo  kina  daddy at mommmy! Iwanan mo na katarantaduhan mo!" Galit na sabi ni Ate.

Halos mapaiyak nalang ako sa sakit ng hilahin ni Ate  Stella ang taynga ko palabas ng pulis station.

Wala talaga siyang awa parang di niya ako kapatid kung tratuhin.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng binitawan niya ang taynga ko.

Hinimas-himas ko ang taynga ko. At napansin ko sa side mirror ng sasakyan halos mamula ang taynga ko. 

Napasinghap naman ako bago ko tumingin kay Ate Stella.

"Grabe ka  ate hindi ka na naawa." Paiyak na sabi ko.

"Ahh talaga lang ha?" matapang na sambit niya at nang pamewang pato sa harapan ko.

"Ate naman ehh?"

Napakamot nalang ako sa batok ko.

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now