CHAPTER 27

444 9 2
                                    

"Hey!  Luke!"

Pag-awat ko sakanya habang hinihila niya ako palabas ng coffee shop ko. Hindi ko alam kung ano ba binabalak ng lalaking to. Bigla nalang siya susulpot sa ganitong oras ng gabi.

Huminto kami sa tapat ng kotche niya at sabay binuksan ang passenger seat.

"Teka saan tayo pupunta?" naguguluhan kong saad.

"somewhere!" matipid na wika nito habang mabagal siyang ngumiti. Feeling ko tuloy may kahulugan ang mga ngiti niya.

"Paano kung ayaw ko?"

Rinig ko naman ang pagbuntong hininga nito bago ako itulak papasok sa loob ng sasakyan. Kaya halos lumagapak ako padapa.

"Luke!" inis na sabi ko.

Umayos ako ng upo, palabas na sana ako ng pinto ng mabilis niyang sinara ang pinto at muntik pa tumama ang mukha ko.

grrrrrrr

Halos uminit ang ulo ko sa lalaking ito. Nang makapasok siya sa driver seat sinamaan ko lang ito ng tingin subalit nginitian lang niya ako nagnakakaloko. Kaya lalo akong nainis dito. Tinaas ko ang kamay ko sa ere upang upakan siya, pero agad akong napahinto sa sinabi niya upang ikahinto ko.

"Do you like a kiss?"

Halos mapaurong ako sa gilid at naibaba ko ang kamay ko. Rinig ko naman ang pagtawa nito. Napasinghal nalamang ako sa inis ko.

"Saan ba tayo pupunta?" galit na sambit ko. Habang pinaandar niya ang makina.

"I want a  date.... with you." deretsyong saad nito nakinataas ng kilay ko. Gusto lang pala niya makipagdate bakit kailangan hilahin pa ako? At saka bakit ba ang hilig niyang maghila?

But wait..

Date?

with me....

Gulat akong bumaling ng tingin sakanya na seryoso lang ito nagmamaneho.

"Kamusta pala? Okay ka na ba?  Ano ba nangyare sayo?" sunod-sunod niyang tanung.

Napabalikwas naman ako ng tingin ng dumako ang tingin sakin.

"I'm fine." kalmadong saad ko habang nakatanaw sa labas ng bintana.

"So? She is you're mother?"

Napatungo nalang ako sa tanung niya. Medyo gumaan ang loob ko nong pinatawad ko ito. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwang at wala ng galit at puot sa puso ko simula nong nagkaayos kami.

Ang sarap pala sa pakiramdam...

Mahina akong napabuntong hininga sa hangin sabay pikit.

"Ako ba napatawad mo na?"

Agad ako napamulat ng mga mata sa sinabi niya at binaling ang tingin sakanya.

Hmmmm...

Siguro dapat patawarin ko na rin itong lalaking to. Pero bakit may pumipigil sakin. Gusto kung sabihin sakanya na pinapatawad ko na siya. Subalit wala naman lumalabas sa bibig ko.

Bakit hindi ko magawa?

Dahil ba natatakot ako iwan na naman niya at sa huli ako nalang muli mag-isa. Napayuko nalamang ako.

Natatakot na ako mag-isa at maiwan.

"Sorry kung biglaan kitang iniwan. Nag kasakit kase ang daddy ko at kailangan ko siyang alagaan. Im sorry akala ko hindi ako magtatagal sa lugar na yun. But i was wrong ."

Napaangat ako ng tingin at dumako sakanya ng tingin. May kung anong bagay ang bumara sa dibdib ko na dahilan upang makaramdam ako, nagpaninikip ng dibdib ko.

Doctor RomanceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant