CHAPTER 16

400 10 0
                                    

Third Person's POV

Ilang araw na matamlay ang dalaga at laging tulala. Iniisip niya kung ano ba ang dahilan ng pag iwas sakanya ng kanyang kaibigan na si Ellize. Ilang beses niya ito nilapitan upang kausapin subalit iniisang salita wala siyang natanggap dito. Kaya pakiramdam niya kasalanan niya kaya gaanon sakanya ito.

Napapansin din siya ni Luke. Na Napakatamlay ng mukha na parang walang kabuhay buhay.

Lalapitan sana niya ito upang kausapin ngunit may isang pasyente ang humawak sakanyang braso upang mapahinto siya.

Sumulyap muna siya sa dalaga natamik lang inaasikaso ang mga pasyente, bago niya binaling ang tingin sa pasyente.

"Iho! Kailan ba ako pwede lumabas dito?" Tanung ng isang matandang babae nasa edad na 65 years old.

Hinawakan ng binata ang kamay ng matandang babae kung saan nakahawak sakanyang braso. Hinaplos niya ito at matamis na ngumiti. 

Muli niyang binalik ang tingin sa dalaga subalit wala na ito roon kaya napabuntong hininga nalang siya. At muling binaling ang tiningin sa pasyente.

"next week po lola" nakangiti na sambit niya sa matandang babae. Ngumiti naman sakanya ito.

MULA sa 4th floor maririnig mo ang hikbi at galit na boses ng isang dalaga na si Patrice habang hindi naman maipinta ang mukha ng binatang si Cyrus.

"Ano ba Patrice, paulit ulit nalang ba tayo! O sadyang hindi ka makaintindi! Ayaw ko nga sayo at ayaw ko magpakasal sayo!" medyo galit na sambit nito sa dalaga.

Nakakaagaw pansin na rin sila sa mga taong dumadaan habang hinihintay nila ang pagbukas ng elevator.

"Pero Cy, gustong gusto kita! Please Mahalin mo naman ako_____

Napahinto ang dalaga sa pagsasalita na agad pinutol ang binata ang sa sabihin nito.

"Tumigil ka na Patrice ! Nakakahiya na pinagtitinginan na tayo!" Pero sadyang matigas ang dalaga at para bang wala siyang narinig.

Hindi mo rin masisisi si Patrice sapagkat totoo siya sakanyang nararamdaman. Bata palang sila ay halos gustong gusto na niya ito, ngunit wala naman sakanyang pakialam ang binata dahil halos nakatoon ang atensyon nito sa batang babae na si Vela noon. Ingit na ingit siya dito at halos mapatay na niya ito sakanyang mga tingin dahil sa matinding selos. Kaya hindi sila magkasundong dalawa.

Gumagawa siya ng bagay na ikakasira ni Vela para sa paningin ng mga tao siya ang bida at mukang kaawa-awa at dahil lang sa iisang lalaki nagagawa niya ang bagay na yun.

Because "Cyrus is mine! Only me!" salitang nakatatak sa kanyang isipan  mula noon at hanggang ngayon. Hindi niya hahayaan makuha sa kanyang ang lalaking mahal niya. Mag mukhang tanga man siya o kahit ano pa sa paningin nito o sa ibang tao. Ipaglalaban niya ang pagmamahal niya sa taong wala naman pag-ibig sakanya.

Ngunit hanggang saan...

Hanggang saan niya titiisin ang lahat ng sakit na pinapamuka nito sakanya   mga salitang alam niya ikaduduurog niya. Hanggang saan niya titiisin na pagtulakan at ipatabuyan siya nito at hanggang saan siya luluha at magmamakaawa dito.

But she fighting for the love...

"Bakit Cy, dahil ba kay Vela kaya di mo ako kayang mahalin!" madiin na sabi nito.

Subalit napailing lang ang binata at mahinang tumawa.

"Bakit gusto mo ba ipamukha ko sayo na OO!"

"Oo dahil hindi kita kayang mahalin dahil siya ang mahal ko!"

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now