CHAPTER 13

415 11 0
                                    


A/N: sobrang nakakakilig ang mga readers ko🤭 kahit na past time ko lang magsulat ay talaga namang napakaraming sumusuporta😊 salamat sa tumangkilik sa "My Possesive Mafia Boyfriend" na ngayoy natapos na🤭 sana ay suportahan nyo pa ang iba kong story ng katulad ng pagsuporta sa nauna😊 labya!💋

<Third Person's POV>

Kahit subrang pagod  si Eunice, ginusto parin nito mag-duty kahit labag sa loob ng binata. Hindi rin naman mapipigilan ni Luke ang dalaga dahil noon pa man ay subrang tigas ng ulo nito. Kapang talaga ginusto ng dalaga gagawin at gagawin nito.

Hinatid ni Luke si Eunice sa tapat ng hospital kahit alas syete na ng gabi.

"Wait for me. I will back." sambit ng binata bago niya pinaandar ang kotse.

Napabuntong hininga nalang si Eunice bago humarap sa gusali at naglakad papusok sa loob.

May dalawang security ang bumati sakanya bago siya makapasok sa loob ngumiti lang siya dito at tumungo sakanyang office upang tapusin ang report niya at mag antay ng pasyente. 

Kahit gusto niyang pumikit mas minabuti nalang niyang idilat ang mata at humarap sa computer.

Habang nag-aaral siya at tinatapos niya ang report niya biglang may isang ingay ang umaligawgaw sa labas ng office niya. Kaya halos yung antok niya ay nawala at napatayo pa siya. 

Nanglakad siya palapit sa pinto upang silipin kung anong nangyare sa labas. Subalit wala siyang nakita sa labas kundi isang tray na nasa sahig.

Inisip nalang niya baka nahulog lang yun ng isang pusa. Ngunit mali ang akala ng dalaga.

Isang lalaking nakablack jacket at may sout ng mask habang may hawak na 45 na baril. Sinadya niya itong ihulog upang umagaw pansin sa dalaga.

Siya rin ang lalaking nasa park na kumuha ng picture sakanila na nagbabalat kayo at siya rin ang taong gumawa ng ingay sa loob ng eskeneta upang matakot ang dalaga.

Sa huli niyang ginawa mukang hindi yata natakot ang dalaga. Sumilip lang ito sa pinto at muling sinara. Napailing nalang ito at kinasa ang baril.

Tapos na ang oras at panahon sa babaing matagal na niyang hinahanap. Kahit alam niyang wala itong kasalanan pero dahil alam niyang may kaungnayan ito sa taong, kung bakit namatay ang asawa niya.

Sa matagal na panahon ngayon lang muli niya ito nakita at nakilala at dito pa mismo sa dinalhan ng asawa ng kapatid niya na walang malasakit sakanya noong panahon nakailangan niya ng tulong.

Lahat ng asawa ng kapatid o sariling kapatid niya ay bihag niya. Minapatrato niya ito hanggang sa sumuko ito. Dumadanas din ito ng mantinding pighati. Isa isa niya itong hinahalay.

Ang iba naman walang kinalaman at ang mga napapadangwit lang ginahasa muna niya ito bago chapsapin at isilid sa sako. Dahil sa matinding galit, puot at epekto ng drugs sa kanyang utak.

At sa sunod niyang biktima gusto niyang halayin ito bago patayin. Lalo na subrang ganda ng dalaga.

Dahan-dahan siyang humakbang sa palapit sa pinto, Kung nasaan ang dalaga.

Ito na ang huli niyang biktima bago niya kitilin ang kanyang buhay. Gusto niya iparanas sa mga taong sangkot, kung bakit napantay ang kanyang asawa. Ipaparanas niya kung paano mawalaan ng minamahal sa buhay.

Noong panahon nakailangan niya ng pera upang pagpaopera sa asawa niya lahat ng kapatid niya ay tinakwil lang siya. Dahil wala naman siyang natapos kahit grade one ay hindi siya nakatapak. Sapagkat hindi siya pinag-aral ng kanyang ina  sa dahilan anak siya sa labas at inalipin pa siya ng kanyang mga kapatid at pinagkaitan siya ng karangyaan sa buhay.

Isang Doctor ang ng bigay sakanya ng pag-asa. Akala niya okay na maooperahan na ang asawa niya kahit hindi na kailangan magbayad. Dahil nangako ang doctor na siya nasasagot ng operation nito. Ngunit sa isang inglap ay nang laho agad.

Dumating ang operasyon ng asawa niya walang dumating na doctor na nangako sakanya. Kahit anino ay hindi nagpakita.

Lahat ng masasayang pangarap at plano ay naglaho na parang isang bula.

Umiyak siya at nagmakaawa iharap ang doctor na nangako sakanya operahan ang asawa niya na hindi na kailangan niya magbayad. Ngunit niisa ay walang naniwala sakanya.

Dahil wala naman siyang pambayad sa hospital tinakas nalang niya ang asawa niya. At lumipas ang dalawang araw namatay ang asawa niya.

Kaya halos isumpa niya ang taong yun at ang mga kapatid niya ay magbabayad sa kasalanan na ginawa nila. Mabubuhay pa sana ang asawa niya kung may tumulong sakanya.

At ngayon babawian niya ng buhay ang babaing mahal nang doctor na nangako sakanya. Ipaparanas niya dito kung ano ang pakiramdam ng mawalaan ng minamahal.

Sakabilang banda pinark ni Luke ang sasakyan niya bago siya naglakad papunta sa gusali. Patakbo siyang umakyat ng hagdanan. Binati pa siyang ng dalawang security bago siya makapasok sa loob.

Bago siya makarating sa office kung nasaan si Eunice kailangan niyang gumamit ng Elevator. Ngunit sa kasamaan palad nasira pa ang dalawang elevator. Kaya wala siyang choice kundi maghagdan nalang. Nasa 5 floor pa naman ang office.

nasa second floor palang siya halos hingalin na siya sa pagod. Nadaanan pa niya si Jonathan na isa sa kaibigan ni Eunice,  nakaupo sa bagko sa tapat no pintoan at mukang tulog ito. Nalaylay ang kamay at ulo nito at tulog na tulog. Napailing pa siya bago muli ng simulang tumakbo.

Sa fourth floor na siya halos mapaupo na siya sa hagdan sa subrang pagod.

Habang ang dalaga na si Eunice ay napaunat ang dalawang kamay niya dahil sangalay niya. Babalik nasan siya sa kanyang ginagawa ngunit malakas na bumukas ang bintana dahil sa lakas ng hampas ng hangin.

Napatingala nalang siya sa gilid niya mula sa orasan nakadikit sa dingding mukang alas nwebe na ng gabi.

At habang palapit sa pinto ng kanyang silid ang lalaki may hawak ng baril malawak itong ngumiti at tumutulo pa ang laway. Na parang subrang sabik sa isang masarap na putahe.

Pero agad siyang napahinto ng may narinig siyang mga yabag ng mga paa palapit sakanya. Halos mamilog ang kanyang mga mata.

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now