CHAPTER 15

464 10 0
                                    

JONATHAN's POV

Hanggang ngayon hindi parin nagigising ang pasyente na pinabantayan kong  biktima ng karumaldumal na pangyayare. At mukang matatagalan pa ako dito sa hospital.

I miss my honey...

Kamusta kaya ang anak ko... Hayyy shittt.. Bakit nga ba ako masyadong nag-aalala, good girl na ang honey ko. Napamuntong hininga nalang ako.

Iinumin ko na sana ang kape na hawak ko na agad akong napahinto ng makita si Ellize na naglalakad at mukang papunta ito sa kinaruroonan ko. Kaya naipatong ko ang kape na hawak ko sa bagko na kinauupuan ko.

She is my first love...

I miss my girl... My dream girl since highschool.

Hindi siya mahirap gustuhin at mahalin. Because she look like a friendly and strong woman. 

Siya rin ang babaing nagtatanggol noong panahon na binubully ako.. Because I'm nobody, Nerd, loser, chubby or etc.  Kahit sino man makakita sakin bubullihin talaga ako. Mukha kase akong bakulaw sa subrang taba ko, pero kahit gaanon ako wala akong pakialam sa sarili. Ngunit nag bago lahat yun ng sinubukan  ko siyang ligawan.

"I'm sorry Jonathan, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo."

Halos madown ako sinabi niya. Na-friend zone ako don. Baka nga yun ang dahilan o baka yung pagiging mataba ko ang naging problema.. Pero hindi ko siya masisisi, sino nga ba kase ang magkakagusto sa tulad ko. Subrang sakit para sakin yun halos hindi na ako nagpakita sakanya at nagpatrasfer nalang din ako sa ibang school.

Dahil sa nangyare sakin binago ko ang sarili ko. Hanggang sa nakatagpo ako ng babaing mamahalin ko. Ngunit nagkamali ako kahit sinubukan ko magmahal ng iba at magkaron ng sariling pamilya. Hindi parin mawala sa puso ko ang babaing unang nagpatibok ng puso ko.

I'm crazy...

Subalit minahal ko parin ang asawa ko sakabila ng lahat hanggang sa niloko niya ako.

"Hindi ko na kaya manatili pa sayo at ayaw ko narin lokohin pa ang sarili ko na mahal mo ko, kahit ang totoo ay kahit kailan hindi moko nagawang mahalin. Jonathan. Mahal kita pero ayaw ko na. Nakakapagod ka ng Mahalin,I'm sorry Jonathan, mag-divorce na tayo!"

Huling sinabi niya bago siya umalis sa bahay at lahat ng gamit niya ay dala niya. Isang divorce papers lang ang naiwan sa table habang anak kong babae umiiyak sa isang tabi. Halos manlambot ang tuhod ko  at mapahilamos ng mukha.

Hindi ko alam kung ano ba yung kulang at mali sa sarili ko. Pwede naman siguro sabihin sakin upang mapuna ko pero bakit sa iba pa niya hinanap. Ganon ba ako kahirap mahalin o sadyang wala akong karapatan mahalin at maging masaya.

"Huy!"

Halos mapabalik ako sa ulira ng sumigaw siya sa mukha ko.

"Ooh! Ellize!" gulat na sambit ko.

"Mukang malalim ata iniisip mo!" natatawang sabi niya.

Nadala ako ng tawa niya kaya napangiti nalang ako. Siguro kung nagtiyaga ako sakanya, magiging kami kaya?

At kung susubukan ko ulit maaari kayang magkakulay ang buhay ko nang dahil sakanya.

Posible kaya...

Posible kung susubukan ko ulit...

Mabagal akong bumuntong hininga bago ako ng salita.

"Ahm, wala may inaalala lang"

"ahhh .sino? Asawa mo ba? Ang sweet mo naman kung ganun eh mukang araw araw naman kayong nagkakasama eh.."

Doctor RomanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora