CHAPTER 12

448 12 0
                                    

Nang makarating kami agad binuksan ni Eunice ang passenger seat at na unang lumabas ang anak ko. Hiniwakan ni Vincent ang kamay niya at hinila nito palabas ng sasakyan.

Kitang-Kita ko sa mukha ng anak ko ang matinding kaligayahan na ngayon ko lang nasilayan. Kaya palihim nalang ako ngumiti. Lumabas na ako nagsasakyan.

"I want cotton candy mommi?"masayang saad ni Vincent. 

Hindi pa nakakaimik si Eunice ng hilahin agad siya nito, palapit sa nagtintinda ng cotton candy. Lumakad naman ako palapit sakanila.

Subrang daming tao, may magkasitahan at barkada ang magkakasama. Pero ang umagaw pansin sakin ang isang pamliya na hindi mo maitatago ang masasayang ngiti nila.

Muli kong binalik ang tingin ko sakanila ng sumigaw ang anak ko.

"Daddy!"
Tumatakbo ito palapit sakin habang may hawak na cotton candy sa dalawang kamay nito.

"Baby be careful!" sigaw ni Eunice.

Napatakbo nalang ako, bigla siyang sumalpok sa isang lalaki, halos mapaupo ang anak ko sa damohan, at nabitawan niya ang isang cotton candy. Dahilan upang umiyak ito.

"Don't cry baby!" mahinahon na sabi ko at binuhat siya.

Tumingin ako sa lalaking nakabungguan niya. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakasuot ito no sumbrero at nakayuko siya. Iimik sana ako ng mabilis ito tumalikod sakin.

"Wait!" sigaw ko rito.

Sumabit hindi niya ako pinansin tuloy-tuloy lang itong naglakad habang nakayuko at inayos pa niya ang sumbrero niya ng biglang dumaan si Eunice sa gilid nito. Saglit na tumingin siya dito habang naglalakad siya palapit samin.

"Are you okay baby?" Pag-alalang tanung niya sa anak ko.

Tumingin naman ito kay Eunice  at umihikbi. Lumapit siya para punasan ang luha ni Vincent. Napatulala nalang ako kase medyo malapit na ang mukha niya sa mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko na biglang humarap ito sakin. Pakiramdam ko parang may nagwawala sa dibdib ko at may paru-paro na lumilipad sa harapan ko.

Bumalik nalang ako sa ulirat ng umimik ito.

"Stop crying! Let's go baby!" nakangiti na sabi nito. dahilan para tumahan ang anak ko.

Ibababa ko nasa na ang si Vincent ng may umimik na isang matandang lalaki sa bandang likuran ni Eunice.

"Hi, Ma'am and Sir! Do you want a pic?" sambit nito habang nakangiti siya at pinakita niya ang hawak niyang camera.

"Yes I want!" mabilis na saad ni Vincent

"Okay!"

Dahil wala ng choice nagpapicture na kami. Lumapit si Eunice  sa may gilid ko habang buhat ko parin ang anak ko. Medyo malayo siya ng kunti sakin at mukang wala siyang balak dumakit sakin. Kaya bago magflash ang camera mabilis kong kinabig ang baywang niya.

"Nice one!"

"Ang ganda ng misis mo sir!" Masayang bigkas nito, na halos magulat si Eunice.

"Huh!"

Gusto ko sana tumawa sa reaksyon ng mukha niya subalit palihim nalang akong ngumiti. Iimik pa sana si manong ng unahan siya ni Vincent..

"One more please." masayang bigkas nito.

"You wish is command!" nakangiti na wika ni manong.

"But wait.. Dad kiss my mommy."

Muntik pa ako ma-out balance sa sinabi niya at nasamid ako ng sarili kong laway. Mukang magkakasakit yata ako sa puso nito. Sana ba niya natotonan ang bagay na yun. Tumingin ako kay Vincent pero bumungisngis lang siya.

Patay kang bata ka...

Dumako ang tingin ko kay Eunice at sinamaan ako ng tingin.

"Wala naman masama sa sinabi ng anak niyo Sir, Ma'am!" masayang bigkas ni manong.

"Get ready! Sir! kiss your wife!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat bang gawin ko.

"Daddy kiss my mommy." sabi nito habang nakatakip ang mukha niya ng isang kamay nito. Subalit nakasilip naman ang isang mata niya.

Patawarin sana ako ni Eunice sa gagawin ko.

Mabilis kong hinalikan si Eunice sa pisngi kasabay ang pag-flash ng camera at ramdam ko nagulat siya.

"Good job Sir!" nakangiti nitong sabi.

"Here!"

Lumapit ito sakin at inabot ang dalawang pictures. Tinanung ko kung magkano sabi niya nito "free nalang sir!" at masaya itong umalis.

Binaba ko naman si Vincent at tumingin kay Eunice na tahimik lang ito nakatayo sa may gilid ko.

Ibibigay ko sana sakanya ang picture  na hawak ko ng mabilis hinawakan ni Vincent ang kamay niya sabay hila dito.

"I want rides mommy." sambit nito habang nakaturo sa mga rides.

Napatingin nalang ako sa picture na hawak ko at napangiti nalang ako ng makita ko to. Subrang cute niya kahit  gulat ang reaksyon niya. Doon ko lang din narealize na parang isang family picture ang hawak ko.

Napatawa nalang ako at napailing. Maaaring magkakatotoo yun. At masasabi kong mahal ko siya noon pa man. At hinding hindi ko na siya papakawalan ngayon.

CYRUS POV

Tahimik lang ako naglalakad habang hawak ko ang isang mineral water.

Naisip ko kase maglakad-lakad muna. Si Ate Stella ang nagbabantay kay Dad. siya daw muna at wala naman daw siyang gagawin sa office kaya pinaalis niya ako. 

Alam ko naman medyo galit pa sakin si Ate Stella dahil sa nangyare. Ang totoo yan Half-sister ko lang siya. Sa madaling salita magkapatid lang kami sa ama. At ang mommy ko kabit lang, masakit para sakin yun. Ngunit tinanggap pa rin kaming mag-ina ng mommy ni Ate Stella  kaya malaking utang na loob ko dito.

Siya pa nga ang naging tunay kong ina kesa sa tunay kong ina. Pero tree years na ang nakakalipas ng pumanaw ang mommy ni Ate Stella.

Napatigil nalang ako sa paglalakad ng may napansin ako na parang pamilyar sakin. At parang may isang bagay na tumama saking likod upang makaramdam ako ng sakit at halos mabitawan ko ang hawak kong mineral water.

Hindi ko siya kilala pero bakit ganito katindi ang sakit ng nararamdaman ko. Okay lang sakin halikan siya pero yung puso ko halos mapunit sa sakit.

Who is she?

Bakit ganito yung nararamdaman ko sayo. Dahil ba inlove ko sakanya.

Hindi pwedeng mahulog ako sakanya..

Si Vela lang dapat...

Sakanya lang ang puso ko...

Doctor RomanceWhere stories live. Discover now