CHAPTER 9

490 14 0
                                    

EUNICE'S POV

Tulad ng dati puro parin siya kalokohan. Subrang saya ito kausap. Hindi parin ako makapaniwala sa naging buhay niya.

"You know what Eunice, siguro kung sinagot lang ako ni Ellize  Baka kami hanggang ngayon." sambit ni Jonathan sabay tingin niya sa kalangitan.

Parang sa tuno ng boses niya, parang may pinaghuhugutan siya.

"Lalim ha?" pang aasar ko sa kanya.

"Pero masaya na rin naman ako."

Tumingin siya sakin at matamis itong ngumiti sakin. Hinawakan ko naman ang balikat niya.

"tama na yan, Hindi bagay sayo." pabulong na sambit ko. At tumawa ako sumabay din naman ito sa pagtawa.

Medyo masaklap kase ang highschool life niya noon. Subalit kahit ganon kita ko parin sakanya na kung paano niya hinarap yun. Naging masaya rin naman ako kase nalaman ko na may anak na ito but sadly 3 years ago nag-file ng divorce ang asawa niya. Hindi ko na tinanung kung bakit. Mas gusto ko nalang pag-usapan ang present, ayaw kong makita siyang nasasaktan.

Because he's not deserved it.

Nalaman ko rin na siya ang naka-assign magbantay ng pasyente. Para siguraduhin ligtas ito may posibelidad na balikan ito ng killer upang tuluyan patayin.

Ilang minuto lang ang pag-uusap namin, nang paalam na rin ako sakanya para asikusuhin ang mga pasyente.

Habang naglalakad ako sa hallway bigla kong nakasalubong si Ellize. Tumigil ito sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

"Huy sissy. Diba sabi ko kahapon? Gusto ko malaman yung nangyare, last night?" deretcho sambit nito.

"Sorry busy lang ako, kaya nalimutan ko." mahinahon na sabi ko.

"Okay! So, Can you explain to me, about last night?" Muling tanung nito.

Humakbang siya palapit sakin. Bumuntong hininga muna ako bago ko sagutin ang tanung niya.

"Hindi ko na kaylangan magpaliwanag sayo. Ikaw na mismo ang may sabi na patay na ang Mama ko, right?" pagsisinungaling ko dito.

Gusto ko sabihin sakanya ang totoo pero para bang umurong ang dila ko.

I'm sorry Ellize. kailangan ko pa magsinungaling sayo. Sabihin na natin selfish ako, pero ayaw ko lang madamay ka sa problema ko.

"But...

"No Elli...

"Okay fine! Naiintindihan kita Eunice. Hindi ako magagalit sayo kahit itago mo sakin ang totoo. I know you, Hihintayin ko nalang yung araw na handa muna sabihin." nakangiti itong sabi.

Hinawakan niya muna ako sa balikat ko bago niya ako lampasan.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko parang alam na niya ang totoo. Gusto ko siyang lingunin at tumakbo palapit sakanya, sabihin na salamat. Subalit pag patak lang ng luha ang naging sanhi na lalong ikinadurog  ko.

_________

Lumipas ang maraming oras hangang sa dumilim na. Halos wala ako sa sarili. Paulit ulit parin naririnig ko ang sinabi ni Ellize sakin. Pakiramdam ko tuloy ang sama ko ng kaibigan sakanya.

Napabuntong hininga nalang ako at minabuti ko nalang ayusin ang gamit ko para makauwi na ako.

Saktong 7 o'clock nakalabas na ako ng gusali. Tulad ng nakasanayan mag isa akong naglalakad sa daan. Subrang daming sasakyan ang dumadaan at mga tao. May iilan mga tao ang napapansin ko ang natutulog sa sidewalk. Napapailing nalang ako kapag napapatiting ako sa mga setwasyon nila.

Doctor RomanceМесто, где живут истории. Откройте их для себя