Chapter 1

205 3 0
                                    


• | Going Back

Sobrang saya ng mga bata ng makita ang apat na tatay nilang kumag. Nakakahiya nga dahil may pabanner silang welcome back at ang iingay pa nila. Ako ang nahihiya para sakanila.

"Buti naman nakauwi kayo akala namin hindi kayo tutuloy" sky

"Bakit? Dahil sayang ang pa-banner niyo? Nagmukha kayong cheering squad alam niyo 'yon?" Sagot ko.

"Pinag hirapan namin iyon ah!" Sevi

"Halata nga eh" anas ko.

"So 1 month lang kayo rito?" Tanong ni akihiro.

"Oo eh para lang sa pinirmahang kontrata ni kara" sabi ni alex.

"Sana makatagal kayo para makasama pa namin ang mga bata. Hindi kami maka bisita ng madalas dahil marami rin kaming ginagawa" heaven.

"Don't worry papi, since we're here I'm thinking if we can go out? I want to spend my time with my four dad" sabi ni kierra na ikinangiti ng mga damuhong.

"Kierra is right. We want to spend our time with you habang we are here pa in philippines" atlantic

"Oh ikaw? Wala kang sasabihin?" Tanong ni sevi kay sev.

"I won't say anything pops. should I say something?" Napairap si sevi sa sinabi ni sev kaya natawa ang lahat.

"Kita mo 'tong batang 'to. Hindi mo man lang ba kami na-miss?" Sevi

"I do" tipid na sagot ni sevastian.

"Oo nga halata sa mukha mo" ani sevi at nanahimik.

Kita niyo? Mana talaga sa tatay.

"Aww namiss niyo naman kami masyado wag kayong mag alala bukas na bukas din gagala tayo" sky.

Pare-pareho naman naming alam kung bakit kami napauwi ng pinas. Hindi lang dahil sa trabaho ko, may iba pang dahilan.

Pag dating namin sa rest house kung saan kami tutuloy ay nag saya anh mga bata dahil malapit sa beach ang rest house. Nabanggit kasi ng lolo nila na may rest house silang beach kaya hiniling ni kierra sa lolo niya na dito kami tutuloy.

Lahat ng gusto ni kierra ay binibigay namin. Ano man ang hilingin niya gusto naming tuparin.

"Mom! Kierra's nose is bleeding again!" nag tinginan kaming lahat at mabilis na tumakbo kay kierra. Nakita naming ang dalawang kapatid nito ay pinipigilan anh pag durugo ng ilong.

Binuhat agad siya ni heaven at pinasok sa loob. Ginawa namin lahat para tumigil ang pagdudugo nito. Nakatulog din si kierra kaya hinayaan namin para makapag pahinga. Nakabantay ang dalawang kapatid niya sa tabi niya kaya iniwan muna namin sila.

"Oo nga pala aalis ako para makabili ng stocks" sambit ko.

"Samahan nalang kita" pag presinta ni aki.

"Maiwan nalang kami para may kasama sila alex at ang mga bata" ani sky kaya sumang ayon ako.

Habang nasa kotse kami ay tahimik lang ako. "Pumayat ka, mukhang napapabayaan mo ang sarili mo" sabi ni aki. Napansin din pala niya.

"Kailangan ko tutukan yung tatlo eh pero nandito naman kayo kaya kayo naman ang papayat" pabiro kong sabi sakanya.

"Okay lang, malapit naman ang mga bata saamin" naka ngiti niyang sabi.

"Kamusta naman si kierra?"

"Ayon gano'n parin, nag aalala parin ako"

"Don't worry, may awa ang diyos" aniya at hinawakan ang kamay ko at pinisil.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now