Chapter 32

140 2 0
                                    



• | Daughter ;

Hindi na kami umaalis dito sa hospital at umuuwi ang mga bata kasama si alex. Pero kinabukasan ang nag pupunta sila rito, maging ang mga kaibigan namin. Si lia ay nakaalalay saakin at ayaw umuwi dail nag aalala saakin kaya hinahayaan kong mag stay siya rito. Si sebastien naman ay hawak ang kamay ni kierra at kinakausap ang anak niyang walang kamalay malay.

Hindi naman ako nauubusan ng pag asa, umaasa parin naman ako pero tuwing naaalala ko si kierra na nagsasabi na gusto niya ng magpahinga, pinanghihinaan ako ng loob. Never niyang sinabing pagod na siya, per nung araw na 'yon? Bumigay na rin ako. Bumigay na rin ang puso ko.

Dahil sinasabi ni kierra kung ano ang masakit sakanya pero nitong nakaraang araw? Wala siyang sinasabi. She pretended to be fine at tinago saamin kung ano ang masakit sakanya. Wala ring kaalam alam ang mga kuya niya.

Kitang kita ko ang labi ni kierra na namumuti na dating mapula. She looks so pale, nangingitim na rin ang undereye niya.

"I know naririnig mo ako, please come back to daddy sweetheart. You promised right?"

"Hindi susuko si daddy" hinalikan niya ang kamay ni kierra at nilagay ang kamay niya sa pisnge niya.

"Hihintayin ka ni daddy"

Punong puno ng pangungulila ang mata ni sebastien.

"Naalala ko, nung una kong nakita si kierra akala niya magkapatid tayo" napatingin ako kay Lia.

"Tapos palagi siyang nakatingin saakin, hindi ko alam kung bakit pero bigla niyang sinabi 'you're beautiful'" naalala ko 'to. Nagtataka kami bakit hindi umaalis ang tingin niya kay Lia tapos out of nowhere sinabi niyang maganda si Lia.

Pero itong si sevi napaka siraulo, 'nong nanonood sila ng snow white sinabi niyang si lia yung matandang nagbigay ng apple kay snow white kaya doon nabuo ang tawag niyang tita witchy.

Biglang nag flashback lahat mula nang una kong makita si kierra hanggang sa ma-meet niya ang apat na kumag at tinawag na niyang daddy ang apat.

Nakakatuwa nga dahil pinapakita ko ang picture ni sebastien kay kierra noon tapos nagulat ako nang banggitin niya ang word na 'daddy' at tinuro ang picture ni seb. First word pa niya ang daddy.

Kaya noon pa man alam kong daddy's girl na ang batang 'to.

Kumakain kaming tatlo nang dumating ang dalawang bata na agad lumapit saamin. May dala silang paperbag at nang ilabas nila ito crochet pala na bunny at pinayakap kay kierra na walang malay.

"We made that bunny sebriela" atlantic.

After namin kumain ay inaya akong lumabas ni sebastien para maglakad lakad. Ganito ang set up namin, after kumain naglalakad lakad kaming dalawa para makalanghap naman kami ng sariwang hangin at kahit papaano ay makalimutan naman namin ang lungkot kahit konti lang.

Magkaholding hands ang kamay namin ni seb habang nag lalakad.

"No matter what happens, she's still my daughter right?" Tinignan ko siya at ngumiti, tumango ako.

"Oo naman, at walang makkapalit sakanya. She's our first daughter sebastien"

"I'm afraid to lose her"

"Hindi naman ako sumusuko sakanya sebastien. Ayoko lang na mas nasasaktan siya ngayon, siya na mismo ang nagsabi na napapagod na siya. Ayoko ng mas mahirapan pa siya"

"I don't want to give up. Hindi ako susuko freja, she's my daughter" tumango ako. Naiintindihan ko. Mahirap pa para sakanya ang pagdedesisyon. Ayaw niyang mawalan ng pag asa.

Naniniwala siya sa anak namin. Naniniwala siya kay kierra. Sorry seb, kung mahina ang loob ko. Pinanghihinaan na ako ng loob.

Masama na ba akong ina nito? Gayong ganito kahina ang loob ko para sa anak ko?

Bumalik kami at naabutan naming kinakausap nila si kierra na walang malay. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay sebastien. Nakatitig ito kay kierra na tila napakalalim ng iniisip.

Is he having a second thoughts?

Or a hesitations?

I can't decide, sa pagkakataong 'to hahayaan kong si sebastien ang mag decide para sa anak niya. Hindi ko haharangan ang desisyon na 'yon. I can see it in his eyes how he loves her. Nakita ko kung paano niya tignan si kierra, he really do love his precious daughter. Kaya hindi ko siya masisisi why he is acting like that dahil mahirap nga talagang sukuan ang anak. Hindi madali, but this time alam kong dumedepende siya sa anak niya ngayon. He's letting our daughter to rest and decide pero sa nakikita ko..

Kierra wants her dad to decide for her.

Did you get it?

O masyadong magulo ang pagkakasabi ko?

Pakisisi ang writer, huwag ako.

Nag balat ako ng tangerine dahil bigla akong nagutom. Kapag nagugutom ako hinahayaan ko lang ang sarili kong kumain dahil pinagagalitan ako ni sebastien kapag hindi ako kumain, idagdag niyo na rin ang pang bubunganga ni lia saakin kaya wala akong choice minsan.

Napatingin ako kay lia na naduduwal pero hindi ko pinahalata na nakita ko siya.

"Naiihi ako" aniya at pumasok sa cr. Naningkit ang mata kong nakatingin sa pinto ng cr. Tumayo ako at naglakad palapit kay sebastien habang hawak hawak ang tangerine. Sinubuan ko siya ng isang pirasong tangerine na kinagulat niya.

"Nakita mo ba 'yon?"

"What?"

"Si lia naduduwal" bulong ko sakanya at umupo sa lap niya na agad naman niya pinulupot ang kamay niya sa bewang ko.

"Did she?" Tumango ako. "Hindi mo ba napapansin tuwing umaga? Nagising ako nang nagsusuka siya sa cr"

"Then what do you want to tell me? That she's preg-" nagkatinginan kaming dalawa.

"'Di ba? Malakas feeling ko buntis siya, pero sino? May boyfriend ba siya?"

"Why are you asking me that? She's your friend dapat alam mo"

"Huh eh wala naman siyang nababanggit eh"

"Darling baka mali ka lang, what if she's not pregnant at may sakit lang?" Napaisip ako, pero I know this feeling you know.

"Gano'n?"

"Yeah?"

Natahimik ako nang bumukas ang pinto at umupo si lia at napahawak sa tiyan. Omg!! Confirmed!?

Buntis ba siya!? Hala! Sino ang ama!?

Hindi kaya si sevi?

Hindi naman siguro, eh bangayan ng bangayan ang dalawang 'yan. Hayss! Si sky!?

No way! Hindi ko matatanggap!

Si heaven? Imposible.

Woah!! Si kristoff!? Parang hindi rin.

Omg! Si akihiro!?

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon