Chapter 33

139 2 0
                                    


• | Flashback ;

Sa ilang araw na walang malay si kierra mas lalong lumulungkot si sebastien. Kahit ako ay walang magawa kahit pangitiin siya. Nakatitig lang ito palagi kay kierra at hindi na namin siya makausap kaya hinahayaan muna namin siya pero hindi ko matiis kaya't ao na ang lumalapit at tinatanong siya kung okay lang siya.

Kahit alam kong hindi siya okay gusto ko parin siyang tanungin para naman atleast nakakausap ko siya. Siya naman ngayon ang hindi kumakain at halos hindi na natutulog. Minsan nga ay nagigising ako dahil naririnig ko siyang umiiyak.

I know he's acting like he's a strong father pero alam ko namang hindi eh. Nag pre-pretend lang siya sa harap namin, pero sa kalagitnaan ng gabi na pinakikinggan ko ang pag iyak niya? Sobra sobra siyang nasasaktan. Pinipigilan pa niya ang pag hagulgol niya eh rinig na rinig ko naman, siyempre nagpapanggap akong tulog pa kahit na gising na gising na ako dahil sa naririnig kong pag hikbi niya.

"Lo, buti at dumalaw po kayo"

"Gusto ko lang madalaw ang apo ko, pati kayo ni sebastien. Kamusta kayo rito?"

"Okay lang naman po, pero si sebastien" umiling ako. Lumapit siya kay seb at hinawakan ang balikat niya at tinapik iyon.

Kinakausap ko rin sila atlantic at sev at gusto ko sana na ipakausap sila sa child psychologist dahil nga worried din ako sakanila. Ang daming nangyari mula nang makauwi kami dito sa pinas. Kinausap ko si alex kaya may schedule sila ngayon doon na nirecommend ni akihiro. Hindi ko na nasabi kay seb dahil hindi naman makausap ng maayos.

Habang nag babalat ako nang tangerine napatingin ako kay sevi na nahulog sa sofa na ikinabigla ko. Bigla akong nahilo at parang may nag flashback sa utak ko na sobrang labo. May scene na nahulog pero hindi ko alam kung ano 'yon.

"Ahh!!!"

--------------------

Sevi's POV ;

Nagising ako dahil sa pagkahulog ko sa sofa. Dito kasi ako natulog dahil wala 'yon pangit na lia na 'yon kaya sinamahan ko muna itong dalawa rito.

"Aray" narinig kong tumawa ang lolo ni sebastien.

"Okay ka lang?"

"Okay lang po hehehe" tumayo akong hinihimas ang pwet ko at braso ko.

Kung minamalas ka nga naman Oo!

Masama na nga 'tong panaginip ko dahil si lia ba naman ang napaginipan ko. Nakakakilabot talaga ang pag enter niya a panaginip ko. Baka ginagayuma ako ng babaeng 'yon.

Napatingin ako kay karalyn na tulalang naka tingin saakin at hindi gumagalaw at gulat ang itsura nito kaya agad kong nilapitan.

"Karalyn. Ayos ka lang?"

"Huy" nag wave ako ng kamay sakanya pero tulala lang ito at hindi talaga gumagalaw habang hawa niya ang tangerine na sa tingin ko ay binabalatan niya.

"Karalyn" this time nag alala na ako dahil ilang segundo na siyang ganyan.

"T-tito lolo, seb si karalyn" tumayo agad si sebastien.

"Anong nangyari?"

"H-hindi ko po alam bakita ko nalang hindi na siya gumagalaw at gulat pa na nakatingin saakin"

"Hey freja"

"Aahh!!!" Uminda itong nakahawak sa ulo niya.

"Ahhh!!!! Ang sakit!!!"

"Freja what is happening tell me!"

"Tumawag ka ng doktor" mabilis akong lumabas at nag tawag ng doctor at sakto namang yung kakilala ni sebastien na doctor ang nakita ko kaya tinawag ko at hinila ko na.

"Aahhh!!!!"

Teka bakit pov ko 'to?

Nananahimik lang akong natutulog bakit parang kasalanan ko g sumakit ang ulo ni karalyn?

Ipasa ko ito sa ibang pov.

------------------------

Lia's POV :

Nandito ako sa apartment ko at kakatapos lang maligo. Si sevi muna ang pinag bantay ko dahil gusto ko rin magpahinga at matulog ng maayos, masakit na ang likod ko sa kakahiga sa sofa.

Grabe ang acid ko these past few days. Napaparami ako ng kain nasusuka ako. Pero walang makakapigil saakin sa pag inom ng softdrinks. Baka coke is life 'to.

Habang nag blo-blower ako biglang tumunog ang phone ko.

Sevirino is calling......

Hays ano nanaman kayang kailangan nitong lalaking 'to. Naka leave kaya ako kaya siya ang magbabantay doon. Epal naman nito, kitang nag be-beauty rest 'yong tao.

Umirap ako bago sagutin ang phone.

"Oh?"

"Anong oh? Wala man lang hi? Wala ka talagang gmrc"

"Mukha mo! Ano bang kailangan mo?"

"May chika ako"

"Ano nanaman ba"

"Sige hindi ko sasabihin ang chika kong sumakit ang ulo ni karalyn at napapasigaw sa sakit si karalyn"

"Anong sinabi mo?"

"Wala. Wala akong sinabi sige bye"

"Hoy! Ano nga!? Ina nitong lalaking 'to nasabi mo na!"

"Tsk! Si karalyn kanina biglang hindi gumalaw at nakatulala lang tapos biglang sumisigaw sa sakit ng ulo"

"Bakit? Anong nangyari?"

"Hindi ko alam. Wala nga siyang malay eh chinecheck pa ng doctor kung ano ang cause ng pag sakit ng ulo niya, kung dahil lang sa stress at pag bubuntis niya pero sabi ng doctor parang hindi naman kaya hinihintay namin magising si karalyn"

Naalala kong sumakit din ang ulo niya noon. Sinabi niya before na may scene sa utak niya na sobrang labo. Hindi kaya 'yon ang dahilan? Pero bakit? Ngayon lang ulit nangyari 'yon.

"May kausap pa ba ako?"

"H-ha? Pupunta na ako diyan"

Pinutol ko agad ang linya at mabilis na kinuha ang bag at lumabas sa apartment. Pumara ako ng taxi at sumakay.

Nabanggit na niya noon na sumasakit talaga ang ulo niya at may pinapakita sa utak niya na nangyari pero sobrang labo. Basta ang sabi niya may babae sa kotse pero hindi niya ma-identify kung ano ang nangyari dahil sobrang labo.

Inamin niya saakin noon na may parte sa memories niya ang nakalimutan niya dahil sa trauma? Kung hindi ako nagkakamali. Hindi niya maalala dahil siguro blinock daw ng isip niya ng sadya dahil parang traumatic daw iyon. Hindi ko rin gets pero pupunta nalang ako sa hospital.

Pag dating ko ay pinuntahan ko agad si karalyn pero wala siyang malay. Agad ko namang sinabi ang nalalaman ko kaya nakausap namin agad ang doctor pero need parin hintayin na magising si karalyn.

Nang magising si karalyn ay kinausap agad siya ng doctor at tama nga ako. Ang sabi ng doctor maaaring nagkaroon ng insidente doon na nag cause ng trauma kay karalyn. Maaaring brain injury or sa karanasan, blino-block daw ito ng memory natin dahil sa matinding trauma.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon