Chapter 85

103 1 0
                                    



• | Plane Crash ;


Karalyn's POV :

Excited ako at nakangiti akong nag aayos dito. Sabi kasi ni sevi ay uuwi na raw sila. Hindi ko alam kung ano ang rason at bakit gusto ng umuwi ni sebastien. Tinulungan ako nila sky, lia, val at ng mga bata na mag ayos. Gusto ko kasing i-surprise si sebastien ng dinner, para naman masabi kong preggy ako.

Sabi ko nga ako nalang ang mag aayos pero ayaw nila akong payagan dahil nga buntis ako st baka kung mapaano pa raw ako. Kakatapos ko nga lang magluto, pinakain ko na rin sila dahil nakakaawa naman sila kung hindi ko sila pakakainin, mga pagod pa naman sila.

Habang kumakain sila ay nag kukuwentuhan kami siyempre binubuwiset ko nanaman si sky, eh mabilis mapikon si sky ngayon, lalo't pagod.

After namin kumain, nag presinta si sky na siya na ang maghigas ng pinggan.

"Masyado bang masarap ang luto ko para maging masipag ka?"

"Sus, maliit na bagay lang ito saakin mayora."

"Weeh?? Oh baka dahil iniisip mong pag nag urong ka ay hindi na kita bibuwisetin?"

"Bawal bang mag presinta?"

"Hindi naman."

"Ganito kasi talaga kapag pogi."

"Ayan nanaman siya sa sakit niya." Natawa kami dahil sa sinabi ni valentine.

"Bakit ba napaka hirap sainyo para tanggapin na pogi ako? Iyon ang totoo at hindi na mawawala ang kapogian ko. Kahit nga ako namo-mroblema kung paano babawasan itong kapogian ko." Jusko, mukhang nabingi ako.

"May narinig kayo?" Tanong ko.

"Wala akong narinig." Lia.

"Ako rin, nabingi ako kaya wala akong narinig." Val.

"Mom.."

"Yes anak?"

"Mom look at this..." Napatingin ako sa dalawang anak ko na nanonood ng tv at tila hindi naalis ang tingin nila sa tv kaya lumapit kaming tatlo nila val at lia.

Bigla akong napatakip sa bibig.

"Jusko.."

"Omg..."

"Mom... It's a private p-plane." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at punong puno ako ng kaba. Para akong naistatwa at hindi makagalaw sa kinaroroonan ko. Pero saglit pa ay mabilis kong kinuha ang phone ko para tawagan si sebastien.

"Tatawagan ko si sevi." Sabi ni lia at kinuha ang phone.

"Mom, m-may nangyari po ba kay daddy?"

"Ahh kids.. Tara na umakyat na tayo sa taas-"

"No tita valentine, we want to stay here."

"We are worried to dady and pops."

"Hindi sumasagot!" Kinakabahan kong sabi.

"Karalyn, kumalma ka muna. Umupo ka muna hindi maganda para sayo 'yan." Val.

"Hindi ako mapapakali hangga't hindi ako nakasisiguro na maayos si sebastien at sevi." Sabi ko at muling tinawagan si sebastien. Halos lahat kami ay sinusubukan na silang tawagan pero kahit isa man lang sakanila ay hindi matawagan o sumagot. Hindi rin nag ri-ring, cannot be reach sila pareho.

"Pupunta ako sa airport-"

"Mom! I'll go with you!"

"Me too!" Nagkatinginan kaming apat na magkakaibigan. Wala na akong nagawa kaya lahat kami ay sumama na. Anong oras na dapat nakalapag na ang eroplano pero... no...

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon