Chapter 46

116 2 0
                                    



• | patience of love ;

Sevi's POV ;

Lahat kami ay naghihintay sa labas ng operation room. Tatlo silang nasa operation room ngayon si karalyn, sev, at atlantic.

Gulat kami sa nangyari dahil nakita namin paano barilin ang mag ina ni sebastien sa harap niya. Pero dalawang beses binaril si karalyn. Nag aalala kami para sa kalagayan nila lalo pa't kanina pa kami nag hihintay dito sa labas.

Napatingin ako sa hallway nang makita ko si kristoff na nakayukong mabagal na nag lalakad. "Kristoff" tawag ko sakanya at napatingin naman sakanya ang magkapatid.

"Kamusta si akihiro?" Tanong ni sky.

Paapit ni kristoff saamin at tumingin ito saamin at nakita ko ang basang basang mata ni kristoff. Namumula rin ang ilong niyo at namumugto na ang mga mata.

"Bakit ganyan ang itsura mo? M-malala ba ang lagay niya?" Kinakabahan kong tanong.

Hindi ko alam pero bumibils ang tibok ng puso ko.

Umiling ito bilang sagot.

"W-wala na si akihiro"

Hindi ako nakapag salita at para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Parang may kung anong nakaharang sa lalamunan ko.

"Huwag ka ngang mag biro ng ganyan sa pinsan mo! Hindi nakakatuwa kristoff!" Inis na sabi ni sky.

"Sky, wala ng heartbeat si aki nang makita ko sila ni karalyn"

"Alam mo!?" Sigaw ni sky sa kapatid niya.

Biglang kinuwelyuhan ni sky si heaven. "Bakit hindi mo sinabi!? Nagtanong kami kanina 'di ba!?"

"Sky ano ba! Huwag nga kayong mag away ngayon!"

"Sabihin mo anong nangyari!? Magsalita ka!!"

"Hindi ko alam! Nakita ko nalang umiiyak si karalyn habang yakap si akihiro at punong puno ng dugo!! Marami siyang tama ng baril sa likod!"

"S-sakanya 'yang dugo na 'yan!?" Sigaw ni sky at tinuro ang t-shirt ni heaven. Tumango si heaven at napasuntok sa pader.

Napaupo ako, hindi ako makapaniwala. Bakit nangyayari 'to?

Kusa nalang tumulo ang luha ko maging si sky at heaven.

Napahawak ako sa ulo ko. "Tang*na naman eh!" Sigaw ni sky.

"Sevi!! Sevi!!" Napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Sevi!" Lumapit ito saakin. "Si karalyn? Ano anong balita sakanila? Yung mga bata?" Sunod sunod na tanong ni lia at hindi mapakali.

"Nasa loob pa" si heaven ang sumagot.

"Si akihiro nasaan? Bakit wala siya dito?" Nag tinginan kaming apat nila kristoff.

"Wala na si akihiro" sa sinabi ni kristoff ay natulala si lia. "A-anong sinasabi mo? H-hindi nakakatuwa 'tong biro na 'to ha!"

"Totoo lia" pag kumpirma ni heaven.

"N-nasaan siya?" Ni-isa saamin ay walang sumagot kaya sumigaw siya. "NASAAN SIYA KRISTOFF!?"

"N-nasa morgue na" napapikit ako dahil sa sinabi ni kristoff.

Tumakbo si lia papunta sa morgue kaya sinundan ko. "Lia!! Sandali!"

Pag dating namin sa morgue hindi pa man ako nakakapasok nakita ko na si lia na humahagulgol. Akala ko ang huling tapak ko dito sa lugar na 'to ay ang araw na pagkawala ng lolo ni sebastien.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now