Chapter 48

127 3 0
                                    


• | awkward ;

Lia's POV ;

Nandito kami sa cafeteria ng hospital. Inaya ako ni sevi na kumain pero sa totoo lang, wala akong ganang kumain.

Nasasaktan ako.

Sabi ko tatanggapin ko pero ang hirap pala.

"Kumain ka na, para may lakas ka. Hindi gugustuhin ni aki na gutumin ka lalo ako kasama mo. Baka sabihin niya ginugutom kita eh" Alam kong sinusubukan lang akong patawanin ni sevi pero wala. Walang epekto.

"Mas okay kung nandito siya para sabihin iyan sayo ng personal" natahimik si sevi sa sinabi ko.

Alam kong uncomfortable para kay sevi pero ito talaga ang nararamdaman ko eh. Gusto ko magpakatotoo kahit ngayon lang. Gusto kong makita nila na nalulungkot ako, na nasasaktan ako. Kahit ngayon lang, gusto kong mag dalamhati sa pagkawala ni aki. Si kierra nawala na tapos ngayon si aki. Gusto kong mag grieve sa dalawang taong naging importante sa buhay ko.

"I didn't know naging kayo pala ni akihiro. He didn't tell us about you"

"Private relationship" sagot ko. "Kaya pala, pero kilala mo na kami matagal ka?" Tumango ako. "Madalas kayong i-kuwento ni akihiro noon saakin. Sabi nga niya sobrang close niyong magkakaibigan. Buong buhay niya umikot na sainyo" natawa ito sa sinabi ko, pero totoong sinabi niya 'yon.

"Nakikita ko sa mga mata niya noon habang nag kukuwento siya na sobrang saya niya kapag kasama niya kayo" ngumiti siya.

"Siya nga pala, dinonate pala ang cornea ni aki at ang organs niya. Gaya ni kierra, gusto ng parents ni aki na idonate ang organs ni aki"

"Kanino kaya napunta ang mata ni aki?"

"Sa bata ibibigay ang cornea ni aki, nakahanap agad sila since may isang pasyente dito na need ng cornea" ngumiti ako ng mapait. "Maganda pa naman ang mga mata ni aki" paos kong sabi.

Totoo naman eh.

Ang hirap lang tanggapin. Shocked parin ako na wala na siya, at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.

"Sige na kumain ka na"

Dahil mapilit ang unggoy na nasa harap ko, kinain ko na ang pagkain kahit wala akong gana. Wala akong lakas ng loob para dumalaw kay aki.

Hindi rin naman ako kilala ng parents niya. Tsaka ewan ko, ayoko pang tignan si akihiro. Kapag nakita ko ang urn niya, ibig sabihin tanggap ko na. Pero hindi ko pa naman tanggap eh. Ang hirap tanggapin.

"Matagal din naging kayo?" Tanong ni sevi habang kumakain.

"Matagal din 3 years"

"Tagal din pala, naitago niya 'yon saamin ng ganon katagal?" Nagkibit balikat ako.

Buti nalang nandito si sevi kaya kahit papaano hindi ako nagmumukmok dahil kapag mag isa lang ako ngayon tiyak na magang maga na ang mga mata ko sa kakaiyak.

Pero hindi ko mapigilan ang luha ko.

"Huy okay ka lang!?" Nag aalala nitong tanong.

"Okay lang ako" umiiyak kong sabi pero bigla siyang natawa. "Ano ba!" Sinipa ko ang paa niya under the table.

"Gusto mo bang dumalaw?"

"Ayoko muna, hindi pa ako ready"

After namin kumain ay nagpahatid ako pauwi kay sevi. Nandito na ako sa apartment ko at takang taka ang dalawang kasama ko sa apartment.

Si Beth at val na kasama ko sa apartment at naging kaibigan ko na rin.

"Lee" narinig kong kumakatok sila sa pinto.

"Lee okay ka lang?"

"Gaga malamang hindi okay tatanungin mo pa val"

"Sorry naman"

Napangiti ako nang marinig ko sila.

"Pasok" nag unahan ang dalawa sa pag pasok sa kwarto ko.

"Lee kung gusto mong umiyak, nandito lang kami" Val.

"Hindi ko alam" nangingilid ang luha kong sabi.

Niyakap ako ng dalawa kaya tuluyan na akong umiyak. Habang nag e-emo ako biglang may kumatok.

"Beth" si nick lang pala. Inayos ko ang itsura ko at pinunasan ang luha ko.

"Nick anong ginagawa mo dito?"

"Oo mga burnick bakit?" Tanong ko.

"Masama bang dumalaw sa girlfriend ko aleepunga?" Inirapan ko siya.

"Hayss ayan nanaman ang love birds na bethlog at burnick. Tara na nga lee" hinila ako ni val papunta sa sala.

"Grabe ka val! Valakubak!" Rinig kong sigaw ni nick kay val at sumunod ang dalawa sa sala.

"Kamusta ka aleepunga?" Nakakainis talaga si burnick!

"Ito, hindi okay"

"Dumalaw ka na ba sa lamay niya?" Tanong ni nick.

"Love, ayaw niya pang dumalaw. We should give her time to accept" sabi ni beth.

Iniba ni val ang topic dahil nakaramdam siguro siya at ayoko rin naman umiyak nang nandito si nick. Nakakahiya.

Naisipan namin mag movie marathon habang ang dalawa ay naglalampungan sa harap namin ni val kaya napapakamot ulo nalang kami dahil sa kalandian ng dalawa.

*KNOCK KNOCK

Napatingin kami sa pinto. "Ako na" agad na tumayo si val.

Uminom ako ng beer at napairap nang mapunta ang tingin ko sa dalawang naglalandian.

"Pasok kayo. Pasensya na magulo ang apartment namin" napatingin ako kay val na biglang nag ayos.

"Anyare sa 'yo?" Tanong ko at tumayo at pumunta ng kitchen para maghiwa ng cake na dala ni nick.

"Uhmm.."

"Bakit?" After ko mag slice ay nilapag ko sa center table ang sliced cake.

"Ehem!! Mukhang may bisita ka" napatingin ako kay nick at ang tatlo na si nick, beth at val ay nakatingin sa likod ko.

Pag tingin ko sa likod ko nakita ko si sky at sevi.

"Anong ginawa niyo rito?" Tanong ko sa dalawa at bumalik naman sa pag lalandian ang love birds na bethlog at burnick.

"Upo kayo" wow naging mabait ang valakubak.

Umupo ang dalawa.

"So bakit kayo nandito?" Tanong ko sa dalawa. "Dumalaw lang" sagot ni sky.

"Sinong nag babantay sa hospital?" Tanong ko. "Ahh si sebastien. Inaalagaan sila. Gising na rin si karalyn kaya gusto ni seb siya ang mag alaga sa mag ina niya" napatango ako.

Sa susunod na araw nalang ako dadalaw sakanila. Gusto ko muna mapag isa at mag stay dito sa apartment eh.

"Hindi mo ba dadalawin si karalyn?" Sevi

"Sa susunod na araw na" sagot ko at uminom ng beer.

"Gusto niyo beer? Hehehe"

"Sure" sagot ni sky na malagkit ang tingin kay val. Sus subukan niyang diskartehan si val ewan ko lang kung si 'yan ma-busted.

Binigyan ng beer ni val ang dalawa.

"Kanina pa ba kayo nag iinom?" Tanong ni sevi. Si sky kinausap si val.

"Hindi naman, dumalaw kasi si nick kaya naisipan mag movie marathon"

"I see" medyo naging awkward ang pagitan namin ni sevi.

At hindi ko alam kung bakit nagkakailangan kami ni sevi, dahil ba naka spaghetti strap at naka short ako ng maiksi?

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now