Chapter 8

174 2 0
                                    


• | Surrender yourself ;

Sa ilang araw na pag pasok ko sa company mas lalo akong naiinis. Bakit? Nakikita kong naglalampungan si karla at sebastien.

Nung nakaraan lang palihim niya akong binibigyan ng bouquet tapos ngayon nakikipag lampungan sa iba? Pakyu siya!

Para saan lahat ng ginagawa niya nung nakaraan? Ahh baka nililigawan ako para maging sex time niya. Ano ako tanga?

Kita niyo na? Kailan lang may nangyari saaming dalawa tapos ngayon arghh!!

Kung sabagay binigay ko yung sarili ko pata tigilan niya ako. Baka kailangan nanaman niya ang katawan ko 'no?  So dapat huwag kong ibigay dahil pakulo lang niya ang lahat na kunware sweet pero may kagaguhang iniisip!

Napaka landi!

"Huy! Kanina ka pa umiirap diyan?" Napatingin ako sa manager ko. "Wala lang. masama bang umirap?" Pag tataray ko.

"Hindi naman, hindi ba sumasakit mata mo sa kakairap? Ilang oras ka nang umiirap"

"Wala namang bayad ang pag irap"

"Kung may bayad lang bilyonarya ka na tseh!" Loh! Nyare do'n?

Eh nakakainis eh!

Makalabas na nga lang. palabas na ako nang may bumungad sa pinto pag bukas ko.

"Hi!"

"Ohh kristoff?"

"Ako nga" nakangiti niyang sabi.

"Omg!! Buti nakadalaw ka?"

"Nalaman ko kasi kay alex, dumaan siya sa cafè kanina gusto kitang bisitahin at ang mga inaanak ko"

"Tara pasok ka"

"Ito oh flowers, artificial iyan alam kong may allergy ka sa flower tsaka cake at freja" napangiti ako.

"Thank you, nag abala ka pa. Best seller parin ba ang freja?"

"Medyo, pero marami parin naman ang nag hahanap. May bago nga kaming ilalabas"

"Talaga?"

"Riela" natawa ako. "Ahh si seb" pati siya natawa.

"Hiniling kasi niya na kung pwede nasa pangalan din niya ang menu dahil nandoon din ang pangalan mo. Kasama nga ni alex ang triplets kanina"

"Nako pasensya ka na sa mga bata may pagkamakulit lang sila"

"No worries, inaanak ko naman. Kamusta pala si seb?"

"Ayon okay lang naman pumunta kami sa hospital kahapon at gano'n parin ang sinasabi"

"Huwag kang mag alala malakas si seb" ngumiti ako.

"May pupuntahan ka ba?"

"Kanina pero dumating ka, nandito ka na kaya chikahan nalang tayo"

"Baka may work ka nakaka istorbo ata ako"

"Hindi naman break namin may pinuntahan saglit 'yong photographer"

"Kumain ka na ba?"

"Medyo"

"Kainin mo na 'yan may cupcake naman eh" kung sabagay masarap naman eh. Kinain ko na dahil natakam din ako sa icing.

"Nag lilihi ka ba? Bigla akong napaubo at inabutan niya agad ako ng tubig.

"Siraulo ka naman eh"

"Para kang buntis eh nasabi ni zyair na ilang araw ka ng nag cra-crave ng red velvet"

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now