Chapter 67

81 1 0
                                    


• | bring it on ;

Nakatingin lang ako kay sebastien mula rito sa second floor at nakasandal ako sa railings habang pinag mamasdan siyang nakikipag usap sa mga kaibigan niya. Hawak niya ang glassware at isang kamay niya ay nakapamulsa. Seryoso ang mukha nito at maraming babae ang lumalapit sakanya.

Buong akala ko hindi ako mag seselos, pero nakakapag selos pala talaga kapag may mga babaeng lumalapit sa partner mo. Nag titimpi lang ako kahit gustong gusto ko nang manabunot eh.

Nag aya si Beth na bumaba kami at pumunta kami sa isang empty table, umupo kami at medyo may kalapitan sa cocktail table kung nasaan sila sebastien.

"Omg!!! Sebastien is looking at us!" Sabi ni valentine at agad na tumingin saamin at parang nanigas ito.

"Ano nakatingin pa?" Tanong ko.

"Girl nakatingin sa 'yo!" Sabi ni Lia.

"Hindi kaya nakikilala niya ako?"

"Hindi ko alam pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin parin sayo!" Sagot ni lia. Hindi na ako makagalaw na kinauupuan ko at para akong nanigas.

Kaya talaga kami nandito para bantayan sila hehehhe. Hindi naman sa wala akong tiwala kay sebastien, siyempre wala akong tiwala sa mga babae rito 'no!

"Okay na" nakahinga kami ng maluwag.

"Omg! Paano kung bakilala ako?" Sabi ni Lia.

"Oo nga, ako rin" Nag aalalang sabi ni valentine.

"Hi miss" napatingin ako sa lumapit saakin. Tinignan ko lang siya.

"Majorette queen right?"

"Do you need anything?" Tanong ko. Sa totoo lang pang ilan na siya sa lumapit saakin.

"Wala, I just want to say hi and that you're gorgeous"

"Thanks"

"Puwede pa-picture? Tsaka pa-autograph" Nakangiti niyang sabi at nagulat ako nang iabot niya ang magazine saakin na may picture ako.

"Karl, Bakit ka nagpapa-autograph sakanya?" Napatingin kami sa nag salita mula sa likod nang lalaki.

"Bakit masama ba? Idol ko siya eh"

"Huh? Why?"

"Anong why? Eh model kaya si Majorette Queen"

"What? I didn't na may model parang ka-batch natin? I thought ako lang ang model"

"Nakalimutan mo na ba? Siya 'yong tinatawag na majorette queen sa university. Hindi natin siya ka-batch monira." So siya 'yong monira?

Nakita ko ang pag tingin ni monira saakin ulo hanggang paa. Napairap ako at nakita ko ang pag irap ni beth.

"Really? Marami akong kilalang models but her? Are you even sure?" Tumayo ako.

"Model siya, ayan oh nasa magazine pa." Pinakita nang lalaki ang magazine kay monira. Kinuha nito ang magazine at nagulat kami nang punitin niya iyon at tinapon sa baba tsaka nito inapakan.

"Monira!!" Tumaas ang boses nang lalaki.

Napatayo naman ang mga kaibigan ko at tinulungan ko ang lalaki na pulutin ang magazine at ang punit punit na magazine ba litrato ko.

"Sorry." Paumanhin nang lalaki. "Ano ka ba, huwag kang mag sorry. Ako ang dapat humingi ng sorry dahil sa ginawa niya." Nginitian ko siya.

"Anong problema mo?"

"What?"

"Anong what? Kung bangasan ko kaya mukha mo? Akala mo nakakatuwa ang ginawa mo?"

"Oo nga! Tsaka bakit? May rules ba rito na bawal magpa autograph ang nakakakilala kay Karalyn?"

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now