Chapter 2

171 3 0
                                    

• | Reason ;

"Really!? May anak ka na aki!? Hindi ko alam na married ka na at may anak" gulat na sabi nung karla.

Nginitian nalang siya ni akihiro.

"Siya ba asawa mo?" Turo saakin nung karla.

"Ahh karla si karalyn, karalyn si karla"

"Omg! Karalyn!? Yung famous model!?"

"Nice to meet you" nakipag kamay ako doon sa karla. Napatingin ako kay sebastien pero agad ko ring tinanggal.

"What if double date tayo?" Karla

"Ha?" Hindi ko napigilan ang sarili kong sumagot.

"That's a good idea love" love? Ang sakit naman.

Teka, naaalala ko na yung babae. S-siya yung kahalikan ni sebastien sa parking lot!!!!!

Putchang gala naman oh!

Wala kaming nagawa ni aki kundi umoo sa double date na sinasabi nung karla.

Mas nauuna sila mag lakad at ang sweet sweet nila kaya napapairap nalang ako. Naiinis ako, super!!! Pero anong magagawa ko? Mukhang nagkakabutihan sila at komportable si sebastien. Nakaka ngiti si sebastien na never kong nakita ang ngiti na iyon pag ako ang kasama niya.

Gusto ko na sana mapunta sa acceptance stage pero paano naman ang mga anak ko? Ayokong sumuko para sa mga anak ko pero paano kapag nalaman nila?

Ayokong masaktan sila gaya ng kung gaano ako nasasaktan ngayon. Dahil alam kong mas triple ang sakit na mararamdaman nila.

Para kaming substitute ni aki na nakasunod lang sakanila.

"Okay ka lang?" Tumango ako. "Okay lang, iniisip ko lang yung mga bata"

"You're worried na baka malaman nila?" Tumango ako bilang sagot. "Hmm, masasaktan sila kapag nalaman nila. Di baleng ako lang sana yung masasaktan kasi involve yung mga anak ko" sabi ko.

"Anong gagawin natin ngayon? Paano kung makita nila si sebastien?"

"Iyon nga ang iniisip ko"

"Sorry karalyn, hindi namin nasabi sayo. Matagal na rin ang relasyon nila at hindi ko masabi sayo. Nagtataka nga ako kamukha mo yung babae tapos malapit pa sa pangalan mo ang pangalan niya"

"Okay lang aki. Siguro time na rin para mag move on ako lalo. Hindi naman na ako umaasa pero sa nakikita ko ngayon nasasaktan ako para sa mga anak ko."

Naisipan nilang kumain at pumila si aki at ako naman naghanap ng mauupuan namin. Nang nakahanap ako ng upuam ay umupo ako at hinintay si aki pero nagulat ako ng umupo si sebastien sa harap ko at nakita kong nakapila din yung karla at nag uusap sila ni aki.

"You already have kids?"

"Iju-judge mo ako?" Agad kong sabi.

"I just ask you ang nega mo" wow ako pa ang nega.

"So nabuntis ka ng bestfriend ko?" Napakunot ako ng noo ko sa sinabi niya.

"Anong sinasabi mo?"

"Papa? Mom? Princess?"

"Anong pakialam mo sebastien? Nagpapaka tatay lang si akihiro sa mga anak ko"

"Oh is that so?"

"Oo bakit?" Magpapakatatay ka ba sa mga anak mo? Siyempre hindi!

"Single mom? Sinong tatay si gabriel? Bakit hindi ka pinanindigan?" Sobrang sakit ng mga sinasabi mo sebastien. Hindi ako nagsalita.

"Kawawa naman ang mga bata, walang tatay"

"Anong gusto mong sabihin? Diretsuhin mo ako sebastien. Malandi ako? Oo malandi ako seb kaya nga isang offer mo lang ng marriage pumayag ako diba? Kaya nga hindi kita pinigilan nung may nangyari saatin kasi gusto ko naman 'di ba? Kaya nga ako nabuntis dahil sa kalandian ko 'di ba?" Sarcastic kong sabi pero may halong galit.

"Pft. Kasalanan mo na iyan, labas na ako. Hindi galing iyan saakin, kundi sayo"

"Dahil yun ang gusto mong sabihin. Eh ano naman kung walang ama yung mga anak ko? Bakit? Kapag sayo ba yung mga anak ko paninindigan mo?" Nagulat siya sa sinabi ko.

"'Di ba hindi? Kasi nga gaya ng sabi mo si gabriel ang ama kaya wala kang pakialam kung walang ama ang mga anak ko. Wala kasing kwenta yung tatay nila eh" giit ko.

"Ginusto mo 'yan. Mas pinili mo siya kaysa saakin"

"Baka nakakalimutan mo, ikaw mismo ang nagtaboy saakin"

"Hindi ko pinagsisihan na tinaboy kita. Nabuntis ka ni gabriel kaya tama lang ang ginawa ko. Tapos ngayon ipapaako mo ang responsibilidad niya kay aki?"

"Hindi iyan totoo. Nagkataon lang na mas kinilala siya ng mga anak ko kaysa sa totoo nilang ama na unos ng tanga at ubos ng sama ng ugali. Kaya hindi ko hahahaan na makilala nila ang tatay nilang walang kwenta" inis kong sabi.

Nang dumating ang dalawa ay nanahimik na kami ni sebastien. Tahimik lang ako habang kumakain habang sila pda sa harap ko.

"Nakakawalang gana kumain" anas ko at napatingin sila saakin.

Nagkaroon ng awkwardness saaming apat at may tensyon pang nabuo. Or ako lang ang tensyonado?.

"uhmm.." wala masabi ni karla.

"Gusto mo palit tayo?" tanong ni ako.

"Sige" nakangiti kong sabi kaya agad kaming nag palit bg plato. "Ang sweet naman" sabi ni karla.

"Kayo rin naman kanina pa sweet eh, kailan kayo ikakasal?" halatang hindi na komportable ang dalawang lalaki.

"Baka matagalan pa, hindi pa kasi pumipirma yung ex wife ni sebastien sa divorce paper" napintig ang tenga ko sa sinabi ni karla.

Napahigpit ang hawak ko sa utensil na hawak ko at pinipilit na ngumiti.

"Bakit naman ayaw niya?"

"Hindi rin namin alam ni sebastien. Ilang taon ng hindi nagpapakita yung ex wife niya. Tinatanong ko nga kung may anak sila pero sabi niya wala raw" kalma karalyn. Kalma.

Ano ako tanga?

Ibibigay ko ang kasiyahan niyo?

Bakit ko kayo hahayaang maging masaya? Walang magiging masaya dito!

"Ahh gano'n? Ano bang cause bakit kayo nag hiwalay?" bumaling ang tingin ko kay sebastien.

"Gold Digger" TANGINA!?

"Sebastien" tawag ni aki sakanya. Maging si karla nagulat.

"Gold digger? Talaga? Paano?"

"Do you want me to enumerate?" oo!

"Why akihiro? Am I wrong?"

"Yes, alam natin pareho na hindi 'yon totoo" aki. Hinawakan ko ang balikat ni aki sign na huwag nang patulan pa si sebastien.

"Ahh balita ko kasi muntik na siyang ma-rape ng old friend mo" giit ko.

"Reason" sagot niya. "It's just her reason" reason?.

Nung araw na nangyari saakin iyon sebastien, pangalan mo ang tinatawag ko kahit imposibleng marinig mo ako.

Tapos reason?

Ang kapal ng mukha niya!

Hayop siya!! Ugh!! Gusto ko siyang sampalin!

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now