Chapter 29

196 3 4
                                    


• | she's inlove with the beast ;

Karalyn's POV ;

Papunta na kami sa school kaso naman napaka pangit ng timing dahil tumirik ang kotse nitong si sebastien kaya napatigil kami sa gitna ng daan.

Kanina pa ako nag a-abang ng tricycle o taxi walang nadaan ang init init pa naman.

"Papunta palang si sevi"

"Ayon oh! May jeep!" turo ko sa paparating na jeep.

"What!? Are you serious? No, hindi ako sasakay diyan"

"Napaka arte mo sebastien. Anong mas importante? Kaartehan mo o ang mga anak mo? Bahala ka sasakay ako at ikaw mag hintay ka riyan" sabi ko at sakto tumigil ang jeep sa harap ko kaya sumakay ako pero narinig ko ang pag buntong hininga nito at naramdaman ko siya sa likod ko. Eh hinawakan bewang ko tapos yung dress ko. Umupo ako sa tabi ng lalaki at tumabi ito saakin. Nakatabi naman siya sa babae.

"Is it safe here? I'm worried sayo" aniya na tinignan ang kabuoan ng jeep. Kinuha ko lahat ng buhok ko at hinawakan iyon.

"I'll tie it" aniya at may manipis na black hair tie sa wrist niya. Tinali niya ng bun ang buhok ko at ang isang kamay nito ay nakahawak sa bewang ko at yung isang kamay naman niya ay nakahawak sa dalawang hita ko. Above the knee kasi ang dress ko.

Napatingin ako sa tatlong babaeng estudyante na nag bubulong-bulungan at nakatingin kay sebastien.

Tumigil ang jeep at may sinakay pa kaya umusog ako sakanya. "Usog"

"Usog? Maiipit na yung student sa tabi ko uusog pa ako" napatingin sila kay sebastien. Pero binigyan niya ang mga ito ng 'what?' look. Totoo naman eh! Ipit na nga yung isang babae sa payat sa kaharap namin na upuan di ko knows kung humihinga pa.

Naramdaman ko naman ang kamay ng lalaki sa gilid hita ko na tinataas ang dress ko.

Umusog ako kay sebastien at tinignan niya ako. "Why? Are you uncomfortable?" umiling nalang ako pero nagulat ako ng mabilis kinuha ni sebastien ang kamay ng lalaki na nasa gilid ko at nagulat ako sa ginawa niya.

Tinaas niya ang mga daliri nito at namilipit ang lalaki. "AHHH!!!!"

"Don't you dare touch her you pervert asshole. Hindi lang 'yan ang gagawin ko sayo" madilim ang mukha ni sebastien. Bumaba agad ang lalaki at lahat ng tao ay tila nagustuhan ang ginawa ni sebastien.

"Omg' di ba? Siya 'yon sabi sainyo eh. Ang gwapo"

"Girlfriend ba niya yung babae?"

"Siguro, swerte"

"True ka diyan"

Hindi ko alam pero napangiti ako sa narinig ko.

"Oo nga pala seb bayad"

"How much?"

"Hindi ko alam eh, iabot mo nalang doon sa driver"

Kinuha niya ang wallet niya sa bag ko na suot suot niya at kinuha ang credit card. O_o

"Sir, our Payment"

Napatingin sakanya ang driver ng nakanganga. Natawa naman ang ibang pasahero.

"Hoy anong ginagawa mo?" natatawa kong sabi at hinuha ang kamay niya.

"Cash"

"Wala bang card swipe machine?"

"Mukha bang may card swipe machine?"

"Paabot ng bayad" sabi ng matanda kaya sinenyasan ko si sebastien na kunin ang bayad ng matanda at inabot naman niya ito sa driver.

"I don't have a cash fragolina"

"Sa wallet ko meron. Bakit kasi wala kang cash"

"Ang cute, iba talaga pag sa aircon lumaki. Credit card ibabayad sa jeep"

Pati ako ay natawa sa sinabi ng student at ngumiti ng awkward si seb. Kumuha siya ng 1k sa wallet ko.

"Our payment, uhh keep the change"

Nagpasalamat naman ang driver at nang maka baba naman kami ay inalalayan niya ako sa pag baba ko.

"Never again" aniya.

"Ngayon nga lang ulit ako nakasakay ng jeep eh"

"Well we already have a lot of cars. I'm not allowing you again na sumakay sa public transportation na 'yon" inayos niya ang polo niya. Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at binalik sakanya ang pantali.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok. Habang naglalakad kami ay pinag titinginan kami ng mga students, marahil ay kilalang kilala nila si sebastien dahil nga dito siya nag aral at pag mamay ari nila itong university.

"Omg!! Ang gwapo pala talaga niya sa persona, pero bakit nandito siya?"

"Totoo omg!! Kamukhang kamukha niya ang daddy niya"

"Baka dumadalaw?"

"Sa gymnasium" sabi ko at dumeretso kami sa gymnasium. Pag dating namin ay maraming tao at kasama ang parents nila. Hinanap namin ang dalawa.

Nang makita namin sila ay nakita kong maraming mga babaeng bata ang nakapalibot sa dalawang magkapatid.

"May pinag manahan"

"Maganda lahi natin darling" darling??

Nilapitan namin ang dalawa na halata ang inis sa mukha nila. "Mom dad" atlantic. Niyakap namin ang dalawa.

"Looks like-"

"Shut it dad" nagtinginan kami ni sebastien sa sinabi ni sev.

"Excuse me, hiramin namin sila okay?" Sabi ko at nagtanguan ang mga bata.

"I really hate them"

"You are really my son"

"Stop it dad, lagi nalang pong gano'n kahit during class" si atlantic ang sumagot.

Nang magsimula ang program ay umupo na kami ni seb at nandoon ang pangalan namin sa upuan habang ang dalawa ay nasa pinaka harap.

Naramdaman ko ang pag pisil ng kamay ni seb sa kamay ko at nanlalamig pa ang kamay nito.

"Kinakabahan ka ba?"  Ngumiti ito saakin.

Hinawakan ko ang braso niya. "Don't worry, masaya sila hindi lang maamin. Eh kaugali mo sila lalo na si sev"

"Everytime I'm talking to them, it looks like I'm talking to myself especially sev" natawa ako. "Mahirap makipag away sa anak mong kaugali mo 'no? Parang araw-araw mong kaaway ang sarili mo" natawa siya sa sinabi ko.

Nagsalita ang isang teacher at magkakaroon daw ng intermission number, may piano at cello nga sa stage eh pero nagulat ako nang mga anak ko nang lumabas sa stage at umupo si sev sa piano, si atlantic naman ay mukhang mag pla-play ng cello.

"They knew how to play instrument?"

"A-ang alam ko lang piano. Pinasok ko sila sa piano class pero hindi ko alam na marunong mag cello si atlantic"

Parehong nanlaki ang mata namin ng makita naming lumabas si kierra at may dalang violin. Tumayo ito sa gitna ng dalawang kuya niya.

"Hello everyone, Happy Valentines to all people. We hope y'all will love our play. And the song we choose is beauty and the beast because my mom loves Princess belle and she's inlove with the beast. We are hoping you like this. Thank you" sabi ni kierra at bina ang mic.

For the better experince, play the video above.

Inumpisahan ni sev ang pag play ng piano at sinundan naman ni kierra. Hindi ko alam pero naiiyak ako.

Basta talaga buntis nagiging emotional. Natutuwa ako. Habang pinapakinggan at pinapanood ko sila yung pusa ko tuwang tuwa.

Ang daming memories na nag flashback sa utak ko, isa na doon yung separation namin ni sebastien. I didn't expect na sa separation pala na 'yon ay mabubuo ang tatlong anghel na 'to sa buhay ko.

Sa dami ng nangyari ito yung masasabing deserve ko. Deserve ko sila at hindi ko alam kung bakit.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon