Chapter 25

158 3 0
                                    


| role ;

"A-anong sabi mo?" Tama ba ang narinig ko? Na magkapatid kami? Paanong naging nagkapatid kami?

"Oo magkapatid tayo! Tama ang narinig mo karalyn!" Nakita ko ang pag tulo ng luha niya.

"P-paanong naging magkapatid tayo?"

"In-adopt ako ni tatay dahil mayroon kang sakit noon at kinailangan mo ng liver transplant pero hindi ako puwedeng maging donor mo dahil anemic ako. Hindi sinabi ni tatay ang totoo. Hindi nagkaroon ng anak si tatay dahil bakla siya 'di ba?" Sunod sunod ang pagtulo ng luha niya at naka tulala lang ako habang pinakikinggan siya.

Totoo ba lahat 'to?

"Hindi rin nag asawa si tatay dahil pinalaya niya ang taong mahal niya. Kailangang magpakasal ng mahal niya sa babae kaya pinalaya siya ni tatay. Kaya pala wala siyang maipakitang picture ng nanay ko kasi all this time iisa ang ina natin"

"Gusto kong matuwa karalyn pero tangina! Hindi ko matanggap na mag isa kang nag dusa sa nanay natin at wala akong nagawa. Hindi ko matanggap na pinahirapan ka ng nanay natin at wala akong magawa dahil..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya at napaupo na sa kama.


--------

Kristoff's POV ;

Kumakain ako at nanonood kami ng cartoons kasama ang mga bata. The Smurf's pa ang pinapanood namin.

Nagpalinga linga ako, akala ko kasama namin si karalyn. Napatingin ako sa dalawang batang kasama ko na tahimik at seryosong nanonood. Mukhang masama parin ang loob nila kay sebastien.

Gets ko naman sila kung bakit ganyan sila ngayon dahil hindi sila pinapansin ng tatay nila at buong atensyon nito ay nakay kierra lang.

Hindi ko pa nga nakitang nakausap niya ang mga bata mula ng malaman niyang anak niya ang mga ito.

"Do you heart that?" Tanong ni atlantic.

"Hear what?" Tanong ni sev kaya nanahimik kami at hininaan ang tv at nakarinig kami ng sigawan kaya agad akong tumayo.

"Ahh kids, doon muna kayo sa room niyo" sabi ko at hinatid sila sa kwarto nila. Hinanap ko si karalyn at narinig ko ang sigawan sa kwarto ni alex kaya binuksan ko ang kwarto at silang dalawa nga.

"Hey guys lower your voice naririnig kayo ng mga bata" pag eepal ko.

"Ito kasi! Hindi ko maintindihan ang ugali!"

"Wala ka kasing alam!" Mataas na boses na sabi ni alex.

Ano bang pinag aawayan nila? Pumasok na ako at sinara ang pinto.

"Oo wala talaga! Wala talaga akong alam dahil hindi ka nag sasabi ng problema mo! Kung nay problema ka saakin mag sabi ka! Hindi yung sinisigawan mo ako!" Sigaw na sagot ni karalyn.

"Karalyn tama na, hayaan muna natin siya bawal kang ma-stress" hinawakan ko ang kamay ni karalyn at pilit siyang hinihila.

"Ito kasi! Siya ang pag sabihan mo kristoff hindi ako!" Turo niya kay alex.

Hindi puwedeng ma-stress si karalyn nako naman.

"Shut up! Sabi ko layuan mo muna ako! Mahirap bang intindihin iyon!?"

"Ano ayaw mo na akong makita!? Ano bang ginawa ko sayo!? Kung may ginawa ako sayo pwede mo naman akong kausapin eh!" Sigaw ni karalyn.

"DAHIL MAGKAPATID TAYO KARALYN!!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni alex.

Magkapatid sila!?

May silbi rin pala ang pangingialam ko. Cheesemase 'to.

"A-anong sabi mo?" Utal at gulat na sabi ni karalyn.

"Oo magkapatid tayo! Tama ang narinig mo karalyn!" Shit! Paano sila naging magkapatid?

Ibig sabihin mag kuya sila? Ang alam ko mas matanda si alex eh.

"P-paanong naging magkapatid tayo?"

"In-adopt ako ni tatay dahil mayroon kang sakit noong baby ka pa. Hindi sinabi ni tatay ang totoo. Hindi nagkaroon ng anak si tatay dahil bakla siya 'di ba?" Umiiyak na sabi ni alex. Napatingin ako kay karalyn at natulala ito.

"Hindi rin nag asawa si tatay dahil pinalaya niya ang taong mahal niya. Kailangang magpakasal ng mahal niya sa babae kaya pinalaya siya ni tatay. Kaya pala wala siyang maipakitang picture ng nanay ko kasi all this time iisa ang ina natin" Alex.

"Gusto kong matuwa karalyn pero tangina! Hindi ko matanggap na mag isa kang nag dusa sa nanay natin at wala akong nagawa. Hindi ko matanggap na pinahirapan ka ng nanay natin at wala akong magawa dahil..." napaupo na si alex at hindi na natapos ang sasabihin.

Biglang napaatras si karalyn at parang babagsak kaya sinoportahan ko na agad, pumunta na ako sa likod niya.

Pero bigla na itong nahimatay at nawalan ng malay.

"Karalyn" sambit ko at napatayo si alex. Tinulungan ako ni alex na buhatin si karalyn.

"Tumawag ka ng doctor, buntis si karalyn"

"A-ano? Buntis!?" Gulat na sabi niya kaya tumango ako.

"Huwag mong sasabihin kahit kanino, dalawa lang kaming nakakaalam. Sige na tumawag ka na ng doktor, mahina ang kapit ng bata kaya hindi siya pwedeng mastress. Sinabihan na siya ng doktor na kapag na stress pa siya may possibility na mawala ang bata"

"Shit!"

Hays! Bakit ba ganito ang nangyayari?

Una, parang walang pakialam si sebastien kay karalyn. Pangalawa yung mga anak ni karalyn hindi maayos ang treatment ni sebastien kay atlantic at sev. Pangatlo si kierra. Pang apat mahina ang kapit ng baby sa tiyan ni karalyn. At pang lima ayan! Magkapatid sila ni alex.

'Yong totoo? Ano ba ang role ko sa kwentong ito? Ang maging godparent ng triplets, ang maging instant daddy, maging asawa ni karalyn kapag nakikibirthday kami sa hindi namin kilala o ka-ano ano, maging trusted friend ni karalyn na napag sasabihan niya ng secret gaya nitong pag bubuntis niya, at pagiging chismoso ko dahil ako palagi ang nakakakita at unang nakakaalam ng mga pangyayari.

Uhmm kaya ko pa naman, humihinga pa naman ako, nasa tamang pag iisip pa naman ako. Kakayanin ko nalang hanggang finale, siyempre naka subaybay parin ako. Paninindigan ko na ang pagiging chismoso ko hanggang ending, nawa'y hindi ako patayin ng author.

Akala ko supporting character lang ako eh anong ginagawa ko na rito?

Nagbebenta kang naman ako ng cake, breads, coffee and cupcake.

Sa pagiging chismoso ko ayon napadpad ako hanggang dito sa chapter na 'to.

Crush ko lang naman si karalyn no'ng high school pero umabot ako hanggang part two, ang galing.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now