Chapter 19

141 2 0
                                    


•  | ang selfish mo ;

Karalyn's POV :

Habang tumatagal na nag i-stay kami dito sa hospital, palala ng palala ng kondisyon ni kierra. Mas lalo akong hindi nakakatulog at kung maaari ay gising ako magdamag. Hindi ako nakakakain dahil wala akong gana kumain.

Halos mag iisang linggo ko nag hinahanap si sebastien. At araw-araw hinahanap ni kierra si sebastien kaya napre-pressure ako sa pag hahanap sakanya. Palagi ako sa condo niya pero mukhang hindi siya umuuwi doon, maging sa company palagi kong tinatawagan si amanda pero hindi rin daw ito pumapasok. Tinapos nga niya ang trabaho niya at hindi na ito pumasok pa para magtrabaho.

Maging ang mga kaibigan niya ay walang kaalam alam. Alam kong masama ang loob niya saakin dahil sa hindi ko pag sipot sakanya pero kinailangan ako ni kierra. Sana maintindihan niya 'yon.

Habang nag lalakad ako sa habang hawak ang paper bag na may lamang damit ni sebastien ay may narinig akong bata.

Naisipan kong damit ni sebastien na nasa laundry basket ang ibigay kay kierra para sa gano'n maamoy man kang niya tatay niya hindi niya masyadong mamiss. Dahil kahit ako ang nasa tabi niya, si sebastien ang hinahanap hanap niya pero naiintindihan ko naman. Dahil buong buhay niya ako ang kasama niya st ngayon lang niya gustong makasama ang tatay niya.

"Doc pogi gagaling po ba ako? Sabi ni kasi ni mama may isang bata daw na mamamatay na nandoon sa vip daw" napatigil ako sa pag lalakad ng marinig iyon.

"Doc pogi ayoko pa mamatay. Sana hindi rin mamatay yung bata doon"

"Are you friends with her?" Napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang boses.

"Hindi po, pero nakikita ko siya kapag nasa labas ako. Kahit may sakit siya masaya siya kasi marami siyang kasama."

"Kasama mo rin naman ang mama mo. It doesn't matter kung gaanong karami ang nasa paligid ng isang tao as long as you are happy and contented. Maging masaya ka dahil kasama mo ang mama mo. Gagaling ka kaya mag pagaling ka"

"Yes doc pogi"

"Sige mag pahinga ka na, babalikan kita mamaya"

Lumabas ang doktor na kausap ng bata. Pag labas nang doktor nagulat ako at nabitawan ang paper bag.

"S-sebastien" sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"S-seb" muling tawag ko sakanya at naiiyak na ako. Napatingin ako sa kabuoan niya. Oh my god.

Oh my god! D-doctor siya!?

Nag lakad ito na parang hindi ako nakita.

"S-sebastien teka!" Hinabol ko siya.

"Sebastien please pansinin mo ako kailangan kitang makausap" umiiyak kong sabi habang sinusundan siya. Pero binibilisan niya ang pag lalakad niya.

"Please don't ignore like how doctors ignore me before!" Sigaw ko at napatigil siya.

"Please, pansinin mo ako. Sa pag kakataong ito ayoko ng maulit ang nangyari noon sa kakambal ko so please!! Nagmamakaawa ako sa 'yo!"

"Anong gusto mo?" Malamig na tanong nito habang naka talikod parin saakin.

"Ikaw! Ikaw sebastien, ikaw ang kailangan ko" sabi ko ay niyakap siya mula sa likod niya.

"Please pakinggan mo ako huh? Please promise me na paniniwalaan mo ako ngayon" desperada kong sabi at hinarap siya saakin.

"Just spill it karalyn, may kalangan pa akong gawin para sa mga pasyente ko" inis na sabi niya.

"Makinig ka, huh? N-nandito si kierra"

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now