Chapter 69

81 2 0
                                    


• | Home ;

Oo nga pala, nakalimutan kong galit nga pala ako sa lalaking 'to.

Nandito kami ngayon sa hotel restau. Ayon may private dinner pero hindi ko kinakausap. Anong akala niya saakin? Madaling nakalimot!?

Ang nakakaloka pa. Dito ko siya hinandj noon kaya nabobother ako at alam kong 'yon ang iniisip ng lalaking 'to. May pagkamanyak pa naman ang isang 'to.

"I'm sorry for what happened. I was about to push he-"

"Sapat na ang mga nakita ko." Giit ko at seryosong kumain nang makaalis na kami at gusto ko ng matulog dahil anong oras na rin. Ayokong mapuyat.

"I love you"

"'Di ba obvious? Ayaw kitang kausapin, makiramdam ka naman!"

"Ang ganda mo"

"Hindi mo ako makukuha sa paganyan mo. May kasalanan ka sebastien."

"You're gorgeous"

"Sebastien, mukha ba akong nakikipag biruan sayo?"

"You're lovely"

"Tumigil ka na nga. Hindi ka ba talaga titigil?"

"Sobrang ganda mo" Alam ko okay? Kaso! Nawalan nang saysay ang pag papaganda ko. Ayoko, ayoko na mag paganda. Sayang ang pagpakulay, ang pagpaoa wax ko ng petchay, ayoko na.

Fresh pa naman petchay ko pati ako fresh, wala na. Lanta na ako. Ayoko na.

"Alam kong maganda ako, hindi mo na kailangan ulit-ulitin pa sebastien." Inirapan ko siya.

After namin kumain ay akala ko uuwi na kami. Pero mukhang ibang daan.

"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan papunta sa-"

"I know"

"Sebastien, gusto ko ng mag pahinga."

"Sleep. I'll wake you up pag dating natin"

"Ayoko. Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta" inirapan ko siya.

Pa-suspense pa, gusto ko na magpahinga oh.

Kalahating oras ang inabot namin at napakalayo nitong pupuntahan namin. Pumasok kami sa isang village at halatang mayayaman ang nakatira rito. Halata naman dahil sa laki nang mga bahay na nakikita at nadadaanan namin.

Tumigil ang kotse ni seb at agad itong lumabas at pinag buksan ako nang pinto. Bumaba ako at naka paa paa lang ako dahil masakit na ang paa ko sa heels na sinuot ko.

"Oh anong ginagawa natin dito? Anong trip mo sebastien at ganitong oras dumadalaw ka? Tulog na ang mga tao. " 11pm na kasi at mag 12 am na.

Hindi ko alam anong trip ni sebastien eh. Gusto ko ng matulog!

Pati ang pinto ay binuksan biya gamit ang isa pang susi at aaminin ko, napaka ganda nitong bahay or should I say, mansyon?

Mas malaki ito compare sa mga nakita at nadaanan naming houses kanina. Napaka ganda sa loob, maluwang, maraming kagamitan na pang mayayaman. At mukhang mamahalin ang vases at paintings, may sculptures pa.

Namangha ako sa ganda at laki, malawak kaya pwedeng pwede mag takbuhan ang mga bata. Tinanggal ni sebastien ang coat niya at hinagis sofa dahilan para tignan ko siya ng masama.

Nag buhos siya nang whiskey sa glassware at ininom, tumaas ang isang kilay ko sa ginawa niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hoy! Hindi mo 'to bahay, tara na nga!" Inis kong sabi.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now