Chapter 44

115 3 0
                                    



• | I love you ;

Tahimik lang ako at hindi makapag salita dahil hiyang hiya ako kay sebastien. Wala na akong mukhang maihaharap pa sakanya pagkatapos ng lahat ng nalaman niya.

Totoo nga ang sinabi ni mama, wala akong kwenta.

Dapt humingi ako ng tulong, dapat nagsumbong ako sa mga pulis. Dapat... dapat hinanap ko si sebastien noon palang.

Ang hirap, sobrang hirap dahil namatay sa harap ko ang magulang ni sebastien at wala akong nagawa.

Napaka walang kwenta ko.

Namatay sila dahil saakin, tapos hindi ko man lang sila nagawang tulungan.

Napatingin ako kay sebastien na ngayon ay nasa tabi na siya ni sev at atlantic. Duguan parin ang mukha nito at halatang nanghihina. Nakayuko ito pero kita ko parin ang luhang tumutulo sa mga mata niya.

"Tapos na ba kayo mag usap?" Napatingin ako kay maggie na tuwang tuwa at napaka laki ng ngiti, abot tenga ang ngiti.

Yumuko ako.

"Awww kawawa ka naman sebastien, minahal mo ang babaeng dahilan ng pagkamatay ng magulang mo" nanatiling naka yuko si sebastien at parang hindi naririnig si maggie.

"Sabi ko naman sayo eh, ako nalang pero hindi ka nakinig at pinaglaban mo 'tong babaeng 'to. Mas pinili mo siya kaysa saakin"

"Ayan tuloy, masakit ba?"

"Masakit bang malaman ang katotohanan? HAHAHAHA You deserve it asshole"

"Maggie tumigil ka na" sabi ko.

"Hindi ako titigil karalyn, dahil sayo hindi ako nagawang mahalin si sebastien!"

"Ako talaga ang sinisisi mo? Bakit hindi mo sisihin ang sarili mo kung bakit hindi ka niya minahal? Tinanong mo ba ang sarili mo anong mali sayo? Napaka selfish mo!"

"Ako selfish?" Hinili niya ang buhok ko at hinawakan ang panga ko.

"Bakit karalyn? Hindi ba masamang maging selfish sa pagmamahal? Bakit hindi ka ba naging selfish? Huwag kang magmalinis na parang napaka linis mong tao!" Sigaw niya sa mukha ko at binitawan ang panga kong mahigpit niyang hinawakan.

Lumapit ito kay sebastien at umupo at hinawakan ang panga niya.

"Bakit hindi mo ako magawang mahalin sebastien? Sabihin mong mahal mo ako, pakakawalan kita agad. Si karalyn lang naman ang kailangan ni marie, nadamay ka lang"

"Sabihin mo saakin sebastien na mahal mo ako. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat at sisiguraduhin kong hindi ka mag sisisi"

"Hindi kita pipiliin kahit na kailan. Before, I do really care for you, you're nice to me but not to other people pero inintindi ko 'yon despite of being a good friend of mine. Pero hindi kita kayang mahalin maggie, alam mo kung sino talaga ang mahal ko"

Binitawan ni maggie si sebastien at tumingin saakin si maggie ng sobrang sama at nanlilisik ang tingin nito saakin, hindi ko napansin nandito na pala siya sa harap ko at hinila ang buhok ko. Napapikit ako sa sakit at pinagsasampal niya ako dahilan ng pag dugo ng labi ko.

"MAGGIE STOP FUCK!!! SHE'S PREGNANT!!!"

"Tama na maggie nagmamakaawa ako sa 'yo!" Halos tumalikod na ako para maprotektahan lang ang tiyan ko kay maggie.

"YOU ALREADY MADE A DECISION SEBASTIEN!! IKAW ANG PUMILI NITO PARA SAKTAN KO ANG BABAENG 'TO!!"

"FUCK KAPAG AKO NAKAWALA DITO UUNAHIN KITANG PATAYIN!!!"

Tinanggal ni maggie ang tali ko sa kamay at paa tsaka ako pinag sasabunot at pinagsasampal.

Wala akong lakas para lumaban dahil nakakaramdam na ako ng pananakit ng tiyan.

Hinawakan ko ang dalawang kamay nito dahil nakahiga na ako at nakapatong ito saakin. Tumulo na ang luha ko dahil alam kong may posibilidad na makunan na ako.

"Please tama na, nagmamakaawa ako sayo! Itigil mo na 'to. Hindi pa naman huli ang lahat-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong sakalin. Napahawak ako sa pulsuan nito.

Sinubukan kong tanggalin ang kamay nito sa leeg ko pero sadyang mas malakas siya.

"PAPATAYIN KITA! MAS MATATANGGAP KONG MAMATAY KA NALANG KAYSA HINDI TANGGAPIN NI SEBASTIEN ANG PAGMAMAHAL KO!"

H-hindi na ako makahinga. Ramdam na ramdam ko ang pag init ng mukha ko.

"DIE!!!!!!"

"AH!" Hinampas slni sebastien ang batok ni maggie kaya nawalan ito ng malay.

Niyakap ako ni sebastien at napayakap na rin ako sakanya habang umiiyak dahil sa takot.

"SEBASTIEN!"

"Fuck! Sevi" napatingin kami kay sevi at sunod sunod na sila pumasok. May mga pasa sila sa mukha.

Napahawak ako ng mahigpit kay sebastien. "Ahhh!!!"

"Kailangan na nating makaalis dito putcha! Napakaraming tauhan nahirapan pa kami sa pag pasok!" Sky

Kinalasan nila ni sev at atlantic at naunang naglakad. Binuhat ako ni sebastien.

"Fuck! Don't worry dadalhin kita sa hospital"

"S-seb y-yung baby-"

"Shh! No, I will do everything okay? J-just hold on"

Pero biglang may humampas sa likod ni sebastien buti hindi malakas ang pagkakabagsak ko.

"Subukan niyong umalis" hinigit ako ni sebastien sa likod niya.

"Maggie just stop!"

"Marie!" Nakarinig ako ng pagkasa ng baril sa likod ko. Pagharap ko ay nakatutok ang baril ni mama sa ulo ko.

"Subukan mong may gawin sebastien patay 'tong pinsan mo!" Napatingin ako kay sebastien

"W-what?"

"Balik!" Wala kaming nagawa ni sebastien kundi bumalik kaya inalalayan niya akong mag lakad.

"Ahhh!!!!"

"Shit!" Napatingin kami sa hita ko at dumudugo na ito.

Nagulat kaming apat nang makarinig kami ng putok ng baril at may tumalsik nalang na dugo saakin.

"Aki!" Binaril ni aki si mama.

"Tara na!" Hinila ni maggie si sebastien.

"Aki" lumaoit si aki saakin. "Shit! Dinudugo ka"

"Tulungan mo ako ako please, yung baby ko!!!" Umiiyak kong sabi. "Ahhh!!!"

"Bubuhatin na sana ako ni aki nang makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril at naramdaman ko nalang na nakayakap si aki saakin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si aki na punong puno ng dugo.

"MAMA!!" Sigaw ko. Biglang nandilim ang paningin ko at kinuha ang baril na nasa lapag na hawak ni aki kanina at pinutok iyon kay mama ng ilang beses.

"A-aki!!!" Sigaw ko at hiniha siya sa braso ko at niyakap siya.

"Hindi!!! Aki!! Huwag kang pipikit!!! Please!!!"

Nginitian niya ako. "Tang*na aki!! Huwag kang ngumiti!!!"

Hinawakan niya ang pisnge ko. "I-I love you karalyn"

"Huwag ka nang magsalita aki!! TULONG!!!!"

"Shhh.." pinunasan niya ang luha ko sa pisnge ko gamit ang kamay niyang may dugo.

"A-alam mong mahal kita matagal na, I-I told you that I-I love you aacckk"

"Please aki just shut up!!!"

Humahagulgol na ako, yung pananakit ng tiyan ko parang biglang nawala. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"I-I told you, I-I'll protect you n-no matter what happens kahit buhay ko ang kapalit. T-thank you for trying to love me karalyn"

"A-aki... please.."

"M-mahal na mahal kita..." dahan dahan bumaba ang kamay nitong nasa pisnge ko.

"AKIII!!!!!!" Buong lakas na sigaw ko.

"Aki please!! Gumising ka!!!!!!"

"AAAAHHH!!!!!"

"AKI!!!!!"

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon