Chapter 36

159 2 0
                                    


• | The incident was repeated ;

Lia's POV :

Kasama ko si karalyn ngayon at pupunta ulit kami sa lugar kung saan naalala niya ang lugar kung saan nag away ang dalawang babaeng sinasabi ni karalyn. Medyo creepy siya ha, actually.

"D-dito, dito eksakto nangyari 'yon" tumingin ako sa baba at napapikit ako dahil nandito kami sa rooftop ng isang building.

"Jusko nakakatakot! Ang taas nito!" Tumaas ang balahibo ko at nakakalula siya. Sa taas ng building na 'to siguradong patay agad ang mahulog.

"Dito sila nag aaway t-tapos yung babae na kaibigan nung anne bigla siyang sinakal t-tapos dito niya sinakal" ginawala ni karalyn kung paano nangyari ang away ng dalawang babae na sinasabi niya.

Yung pag sakal pala ng babae ay halos pahulog sa nakaharang dito sa rooftop ng building kumbaga naka bend na ang katawan ng babae, ang lower buddy niya ay nanatiling nasa lupa.

"'Yon lang ba? Nako karalyn kinakabahan ako sa 'yo ha! Halika nga dito lumayo ka baka mahulog ka ninenerbyos ako sa 'yo!" Sabi ko na ninenerbyos at hinila siya.

"Wala ka na bang ibang naaalala?" Umiling siya.

"Wala na eh sinusubukan kong may maalala ako pero sobrang labo parin" napaupo siya kaya umupo na rin ako.

"Huwag mo kaya muna pilitin ang sarili mo? At isa pa kailangan muna natin malaman kung sino yung anne na 'yon at bakit nag away sila at bakit nandoon ka"

"Hindi ko alam pero pakiramdam ko kasi may mali talaga. Gusto kong malaman kung bakit nandoon ako" naiiyak niyang sabi.

"Tuwing may nagpapakita sa utak ko, may kirot ako sa puso ko eh. Hindi ko alam pero nasasaktan ako"

"Hindi kaya may kinalaman ako?" Dagdag nito kaya lalo akong napatingin sakanya. "Ano naman kaya ang dahilan? Kung may kinalaman ka nga dapat talaga malaman natin kung ano ang totoong nangyari" sagot ko.

Bigla akong may naisip. What if pag natri-trigger lang 'yong trauma ni karalyn lumalabas 'yon? 'Yong may bumabalik sa isip niya?

"Teka, hindi ba sinabi mo biglang may nag flashback sa isip mo noong nahulog si sevi sa sofa? At gano'n din no'ng may nahulog noon na hollow block sa harap natin? Tuwing may nahuhulog biglang sumasakit ang ulo mo? Paano kung i-try natin 'yon? Doon ka sa baba ako dito sa taas tapos susubukan kong may ihulog baka sakaling bumalik ang ala-ala mo?"

"Sa tingin mo gagana 'yon?"

"Bakit hindi natin subukan?"

"Sige bababa ako" aniya at hinawakan ko ang kamay niya bago siya bumaba. Hinintay kong makababa siya at tinawagan niya ako na nakababa na siya.

"Mag huhulog na ako!!" Sigaw ko at tumango siya. May nakita akong babasaging bote ng gin kaya pinulot ko at hinulog. Sa tutuusin luma na itong building kaya wala ng nag gagawi rito.

Umiling ito saakin bilang sagot na wala siyang naaalala. Kaya ilang beses akong nag hulog ng kung ano-ano pero wala parin daw siyang naaalala kaya ang emding bumaba na ako at tumambay kami dito sa harap ng building.

Pumunta kami sa isang cafè na malapit sa building na 'yon at nagtanong ako sa kahera sabi nila itatayo raw sanang kumpanya 'yon pero hindi natuloy. Ibig sabihin ginagawa palang 'yon noon? So hindi rooftop 'yon? Mukha lang rooftop.

"Ayos ka lang ba?"

"Disappointed ako sa sarili ko dahil wala akong maalala. Nasaan kaya ang dalawang babae na 'yon?"

"Nag aalala ka ba sa dalawang babaeng magkaibigan?"

"Siyempre, delikado kaya, nasa taas sila ng building paano kung-" hindi niya itinuloy ang sasabihin niya pero ako na ang nag tuloy dahil alam ko ang gusto niyang sabihin.

"Na paano kung nahulog ang isa sakanila?" Tumango ito kaya tama nga ako.

"Kinakabahan ako sa totoo lang lia"

"Alam na ba ni sebastien?"

Umiling siya at natahimik ng ilang segundo. "Hindi, ayoko munang sabihin sakanya dahil baka mag alala siya. Ayoko ng dumagdag pa sa iisipin niya lalo pa't si kierra ang iniisip ni sebastien"

"Pero kailangan malaman ni sebastien 'to. Hindi biro 'tong mga naaalala mo karalyn"

"Alam ko"

"Buntis ka pa man din" napasandal siya sa sofa.

Mag didilim na kaya tumawag si sebastien sakanya at tumawag din si sevirino saakin dahil hinahanap na raw kami ni sebastien. Tinakot pa ako ng mokong na galit na galit na raw si sebastien pero ag lambing ng boses ni sebastien kay karalyn nung tumawag.

Lokohin niya na ninuno niya, huwag lang ako. Ako pa lolokohin niya siraulong 'yon!

Pero susunduin nalang daw nila kami sakto naman malapit daw si alex dito kaya pupuntahan niya raw kami. Oo nga pala, alam din ni alex ang tungkol sa naaalala ni karalyn.

Hindi nga ako makapaniwalang magkapatid ang dalawa eh. Akala ko nung una sila pa magkakatuluyan kahit gay si alex noon pero kita mo nga naman, naging lalaking lalaki tapos kuya pa ni karalyn.

What if naging crush ko si alex? Pogi at matangkad si alex, wala akong masabi at mabait pa kahit may pagkasuplado dati noong gay pa siya. Pero ngayon napaka protective kay karalyn. Well dati pa naman pero mas naging protective lang siya ngayon dahil siya pala ang nakakatandang kapatid ni karalyn.

Nabanggit din ni karalyn noon na nalaglagan daw ng bata ang mama niya pero it's all lie lang pala dahil nagsinungaling ang mama niya at gumawa ng kuwento

Pag labas namin ng cafè ay madilim na at walang masyadong streetlight pero sa lakas ng ilaw malapit sa cafè ay medyo natanaw parin ang harap ng building.

"Teka kotse ni lolo 'to ah" sabi ni karalyn at lumaoit sa kotse.

"Kotse nga ni lolo, nasaan ang driver niya?" Tanong ko.

"Ahh baka kasama niya" sabi ni karalyn.

"Lia, karalyn!" Napatingin kami sa likod namin, si alex tumatakbo papunta saamin.

-----

Karalyn's POV :

Sa tagal namin dito ni lia ni isang flashback sa utak ko wala!

Nakakainis nga dahil ginabi na kami at ilang beses na kaming bumalik dito, pang ilang raw na nga namin 'to pero wala parin.

Kung pwede lang buksan ang utak ko gagawin ko talaga para maalala ko na ang lahat. Pero kung ang isang babae anne ang pangalan 'yong isa kaya anong pangalan niya?

Ba naman pati mukha blurr at hindi man lang pinakita ng utak ko. Pa-intense yarn.

"Anong ginagawa niyo nanaman dito?" Si alex.

Malapit lang siya dito kaya nang malaman niyang nandito kami ay pinuntahan niya kami although pupuntahan at susunduin na kami nila seb.

Na-miss ata ako ng asawa ko at biglang lumambing ang boses no'ng tumawag hehehe. Baka may kailangan nako huwag naman sana sa kama.

Napatingin kami sa likod ni alex dahil may sasakyan at napaka lakas pa ng ilaw, kotse ni seb at sa likod no'n ay siyempre nakabuntot ang kaibigan niya sakanila.

"Sebby!!" Nakangiti kong sigaw at kinawayan siya.

"'Yong kotse ng lolo mo nandito-" pagturo ko sa kotse ay siyang harap ko pero nagulat ako at natulala nang may bumagsak sa harap ko.

Bumagsak ang isang katawan ng tao sa kotse na nasa harap ko.

"AAHHHHH!!!!" Sigaw ni lia.

Nanatili akong nakatayo at gulat na gulat. Nanginginig ang katawan ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Pag bagsak ng katawan ng tao sa harap ko ay siya din na may naalala ako.

Naramdaman ko nalang na may tumakip sa mga mata ko pero nanginginig parin ang katawan ko at napaupo na ako.

"H-hindi... s-si... s-si l-lolo!"

"AAAAHHH!!!!!"

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now