Chapter 43

115 2 0
                                    



• | Sebastien ;


Karalyn's POV ;

Nakatali parin ang kamay at paa ko, maging si sev at atlantic ay nakatali ang kamay at paa. Nilagyan sila ng blindfold at alam kong takot na takot na sila.

"Sev, atlantic, everything's gonna be okay. Don't be scared, I will not let them hurt you. Dad is on his way to save us" wala akong magawa para macomfort sila. Ito nalang ang naiisip kong paraan.

"Mom are you okay?"

"I'm fine sev, don't think about me"

"I'm worried, they hurt you"

"Just pretend that you didn't saw it okay?"

"But mom-"

"Sev"

"Okay mom" malungkot na sabi ni sev.

Marahil ay tulog si atlantic. Magkatabi lang naman sila at medyo malapit lang sila saakin.

Napatingin ako kay mama na naninigarilyo.

"Ang malas lang ni rowanne at ng kapatid niya, hindi niya alam na ikaw ang nawawala niyang pamangkin"

Hindi niya talaga ako anak?

M-magpinsan kami ni sebastien?

"Hindi ko maintindihan, bakit ginagawa mo 'to saakin? Ikaw ba ang may gawa no'n sa lolo ni sebastien?"

"Wala eh, nalaman niya ang totoo. Alam mo namang retired chief ang matandang 'yon"

"Bakit pati si lolo? Bakit ginagawa mo 'to ngayon ma?" Tumulo ang luha ko.

"Dahil gusto ko ng tapusin ang lahat. Well hindi pa naman alam ni sebastien ang totoo. Dito tayo mag kakaalaman. Paano kapag nalaman niyang witness ka sa nangyari sa magulang niya? Tapos hindi ka humingi ng tulong? Hindi ka nagsumbong sa pulis" sa totoo lang, inisip ko na rin iyan.

Alam kong magagalit si sebastien saakin. Sanggol palang siya ng iwan siya ng magulang niya tapos ako ito, nakita ko sila sa personal at nayakap ko pa sila.

Ako rin ang dahilan bakit namatay ang daddy niya. Nung gabing nangyari iyon, nasa labas siya ng bahay at ako nalang ang gising saamin. Kahit gulong gulo ang utak ko at halos mawala na ako sa sarili ko nilapitan ko siya at kinausap ako.

Inaya niya ako sa 7/11 para makapag usap kami. Kakasuhan daw nila si mama at gusto niyang tumestigo ako. Kukunin daw niya ako pati ang kapatid at lolo ko. Siya na raw bahala saamin pag nakulong si mama.

Inisip ko noon na, tama naman siya. Mali ang ginawa ni mama na pagpatay kay miss anne. Pero nakita kami ni mama. Babarilin sana ako ni mama pero sinalo niya ang bala ng baril para saakin. Niyaka niya ako no'n, tapos narinig ko nalang na sunod sunod ang pagputok ng baril.

Halos ikabaliw ko na 'yon dahil sa nangyari. Nasaksihan ko kung paano namatay ang tatlong mahalagang tao kay sebastien.

Nasaksihan ko kung paano namatay ang mama niya, ang papa niya, at ang lolo niya.

Mula no'n sinisisi ako ni mama sa pagkamatay nila dahil masyado raw akong nangielam.

Pero tama naman si mama eh.

Kasalanan ko.

Prinotektahan nila ako.

Alam kong kamumuhian na ako ni sebastien kapag nalaman niya ang totoo.

Para akong hina-hunting ng pagkamatay nila. Pakiramdam ko, no'ng gabing ikinamatay nila ay nandoon ako ulit at paulit ulit na nakikita ang pagkamatay nila. Nababaliw na ako sa nangyayari.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now