Chapter 31

152 2 0
                                    


• | Tired ;

Habang kumakain kami ng dinner biglang dumugo ang ilong ni kierra. Ilang beses palang nangyari 'to at hindi nagsabi saamin kaya pala nakahiga lang siya maghapon at walang gana kumain.

Sinugod namin sa hospital si kierra kaya nandito nanaman kami. Mas lalo siyang nanghina at dinudugo, nag panic ako kagabi pati si lolo ay nagpanic at nag alala pero naiwan ang mga bata sakanya kahit gusto nilang samahan ang kapatid nila pero wala silang magawa dahil pinaiwan na sila ng lolo nila.

Tahimik lang kami ni sebastien at walang nag sasalita saamin. Naiyak na nga ako sa pag papanic ko at pinakalma lang ako. Kung possible pa ang bone marrow transplant ay compatible si sevastian para sa transplant pero hindi na raw possible at kahit anong gamot ay hindi na makakapag pagaling dahil malala na nga at 3 months nalang ang meron siya.

Pinisil pisil ko ang kamay ko dahil ninenerbyos ako sa mga iniisip ko. Naramdaman ko naman ang kamay ni sebastien sa kamay ko at hinawakan iyon.

"Gagaling siya" gusto kong maniwala pero... pero alam ko naman na hindi na eh.

"D-dad" agad kaming lumapit kay kierra.

"Dad I'm tired" bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni kierra.

Bumukas ang pinto at dumating ang mga kaibigan namin at kasama nila si lolo at ang dalawa. Lumapit si sev at atlantic kay kierra.

"You need to stay here again baby, para gumaling ka" pinipigilan ni sebastien ang luha niya.

"O-oo nga 'nak. 'Di ba mag be-bake pa tayo?" Sabi ni kristoff.

"Manonood pa tayo ng the smurf"

"Mag ma-mall pa tayo"

"At magiging doctor ka pa like your dad" sabi ng lolo ni sebastien.

"I-I want to do it." Sabi niya at huminga ng malalim.

"Rest, don't talk" sabi ni seb sakanya.

"I will do everything para gumaling ka"

"D-dad" umiling si kierra.

Sa pagkakataon na 'to hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Kierra, you are strong." Sev

"I-I know everything. I have 3 months to live. Day by day I'm getting worse"

"No baby don't say that"

"I-I want to be a golden retriver dad. You asked me if I was given a chance to be reincarnated-"

"Shhh.. please don't talk" nahihirapan na kasing huminga si kierra.

Dahan dahan tinanggal ni kierra ang wig na bigay ni lia sakanya. "Dad, I want to rest"

"No. Baby, I am not allowing you to rest" he said no.

"Ngayon lang nag sabi si daddy ng no so please makinig ka sa daddy"

"I'm so tired" paos nitong sabi kaya napapikit ako.

"Please I want to rest mom, dad. I want to rest" isa isa niya kaming tinignan at lahat kami umiiyak na at maging si kierra.

"No, please have faith kierra" Lumapit si lia at hinawakan ang kamay ni kierra.

"Pagod na po ako. Masakit na po, I can't endure it anymore"

"Fine, but promise to daddy that no matter what hapoen gigising ka mamaya okay"

"Yes daddy, I promise"

"Sige na magpahinga ka muna saglit hihintayin kita gumising" tumango si kierra sa daddy niya habang magkatitigan sila at kinumutan ni seb si kierra.

Lumabas si seb at wala kahit sino ang sumunod sakanya. "Sige na, sundan mo na" sabi ni lolo kaya lumabas ako at sinundan ko siya.

I can hear his cry habang naglalakad siya. Nang marating niya ang chapel ay pumasok ito at  nakita kong napaluhod ito at napahagulgol. Napatakip ang sa bibig ko.

"Tinupad mo 'yong matagal na panahon kong pinagdasal, pero bakit hindi ang anak ko? Araw-araw akong nagdadasal sa 'yo pero bakit sa lahat ng kapalit na pinagdasal ko, bakit' yong anak ko ang kapalit? Why her? Why kierra?"

"Siya ba ang kapalit ng paghiling at pagdasal ko sa babaeng minamahal ko? Matagal na panahon kong pinagdasal ang babaeng mahal ko, pero 'di ba I thank you for giving her to me? Bakit hindi mo madinig ang kahilingan ko ngayon?"

"I' m not a perfect son of yours pero unti-unti ko ng nabubuo ang pamilya ko.."

Nilapitan ko na si sebastien at niyakap. "Puwede namang ako nalang! Bakit siya pa!!"

"Doktor ako pero bakit wala akong magawa para sa anak ko freja?"

"Ginawa ko naman lahat, nung nalaman kong may sakit na siya pero wala pare-pareho lang ang sinasabi ng nga doctor." umiiyak kong sabi.

Hinayaan kong umiyak si sebastien at gano'n din ako. Dahil sa pagkakataon na 'to hindi ko na kayang maging malakas.

"Gusto niya na magpahinga..."

"No. Hindi ako papayag" muling tumulo ang luha ko.

"Mahirap din saakin seb pero mas nahihirapan si kierra. Nakita ko kung gaano niya tinitiis yung sakit pero she never said that she's tired. Pero ngayon? Mas nasasaktan na siya seb. Mahirap din naman para saakin but that doesn't mean na sinusukuan ko na siya"

"No. Why are you saying that huh? Malakas siya okay! She's strong! She said magpapagaling siya! She promised me that freja! Ako ang masusunod freja and I won't give her up!"

"Hindi mo ba nakita kung paano siya mag please sayo na gusto na niya magpahinga? Nasasaktan din ako sebastien pero mas nasasaktan ako dahil mas nasasaktan siya ngayon"

"How could you say that!?"

"Isipin natin si kierra, hindi ko na kaya. Hindi naman natin siya sinukuan."

"Anong sinasabi mo freja? Bakit napakadaling sabihin mo 'yan?" napapikit nalang ako.

"Mom!! Dad!!"

"S-sev?" tumayo kami at lumabas sa chapel nakita naming tumatakbo si sev at nang makita niya kami ay may sinabi ito.

"Mom, dad. Kierra is in coma" tumakbo kami pabalik sa kwarto ni kierra.

"Sebastien" lolo

"W-what happened?"

"The doctor said she's in coma" aki

"Nung umalis kayo kanina, hindi siya natulog" sevi

"N-nagpaalam saamin" tumulo ang luha ni kristoff.

"Anong pinag sasasabi niyo? Hindi magpapaalam si kierra!" inis na sabi ni sebastien pero tahimik ang lahat.

"Biglang dumugo ang ilong ni kierra kanina kaya tumawag kami ng doctor pero coma na raw. At sa case niya, imposibleng magising na ito" sabi ni sky na nakayuko.

"I-ibig sabihin-"

"Tama ka ng iniisip" sabi ni lolo.

Ibig sabihin... 'yon mga aparato nalang...

"Tatagan mo ang loob mo" hinawakan ni lia ang kamay ko at pinisil iyon. "Tibayan mo ang loob mo lalo't buntis ka. Tandaan mo, hindi maganda ang kundisyon ng bata sa tiyan mo dahil kung hindi mo iingatan ang sarili mo dalawa ang mawawala sayo" napatulala ako sa sinabi ni lia.

Ayoko. Hindi pwede.

Marami ng nawala saakin ayoko!

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now