Chapter 87

75 1 0
                                    


• | What if ;

Karalyn's POV

May hinihintay ako dito sa cafè. Sa cafè ni kristoff. Busy na rin ang taong 'yon dahil mag bubukas na rin siya ng branch nitong cafè niya kaya hindi ko na rin siya nakikita at nakakasama, nakakamiss pa naman siya.

"Althea.." Napatingin ako sa likod ko.

"I-ikaw nga.." Ngumiti ako. Nagulat ako ng yakapin niya ako.

"D-dad" Utal kong tawag sakanya at naramdama ko pa lalo ang mahigpit niyang yakap.

"P-pasensya na po kung ngayon ko lang kayo nakausap." Kinakabahan kong sabi. Inalok ko siyang umupo.

"Althea... tama nga si nicket, napaka ganda mo at kamukha mo ang mommy mo, lalo na ang lola mo."

"S-sorry po, sorry po kung ngayon lang ako nakabalik sainyo. Ang totoo po niyan, natakot lang po ako kaya ngayon ko lang po kayo nakausap at nag ipon po talaga ako ng laks ng loob."

"Huwag kang humingi ng sorry anak. It's not your fault. Kung nandito ang mommy mo, tiyak akong.. tiyak akong matutuwa siya na makita ka."

"Gusto ko rin pong magpaka anak sainyo at gusto ko ping bumawi sa mga taong nawala ako sainyo."

"Huwag kang matakot althea, hindi ko kayo pag hihiwalayin ni sebastien. Wala akong magagawa kung mahal ninyo ang isa't isa. Saksi ako sa nangyari kay rowanne at sebastian. Ayokong matulad kayo sakanila, at isa pa.. hindi naman kayo magkadugo dahil in-adopt lang nila ang mommy mo."

"Opo, nasabi nga po nila 'yan saakin. Sana po ay makapunta kayo sa kasal ko daddy. Dahil.. gusto ko pong maihatid ninyo ako sa altar." Pagkasabi ko no'n at nakita ko ang pag tulo ng luha niya.

"Sorry po kung sa ganitong sitwasyon pa po tayo nag kita, na ikakasal po ulit ako sa pangalawang pagkakataon."

"Matagal ka ng sinusubaybayan ni nicket. Akala ko noon ay gawa gawa lang niya ang lahat ng iyon pero totoo pala. Masyado kong napabayaan ang sarili mo. Naisama ko ang sarili ko sa pagkawala ng mommy mo at ikaw. Nakalimutan ko na si nicket..." Hinawakan ko ang kamay niya. "Daddy, mahal na mahal po kayo ni nicket. Kailan man ay hindi ka niya sinukuan."

"Kaya malaki ang pagkukulang ko sakanya bilang isang ama. At ngayong kasama ko na kayo ay handa na akong maging ama sainyo, sana hindi pa huli ang lahat."

"Hindi po, dahil magsasama sama pa po tayo.."

Inaya ako ni daddy na mag mall at agad akong pumayag dahil gusto ko rin siyang makasama at makabonding. Nakakatuwa dahil kung kanina ay nahihiya ako, ngayon naman nag e-enjoy na ako. Para akong bata kung matuwa, siguro ay dahil hindi ko naranasang magkaroon ng isang ama sa paglaki ko at ngayon ko lang naramdaman 'yon.

"Daddy!! Ang ganda nito oh!" Nakangiti kong sabi dahil nandito kami sa Toy R Us. May malaking bunny kasi na stuff toy.

"Ang cute!!!" Nagulat ako nang may nag flash na camera at si daddy pala na pinicturan ako.

"Kunin mo na althea." Malaking ngiti niyang sabi kaya napatalon ako sa tuwa.

"Waaahh!!! Talaga?!"

"Ohh be careful 'yong tiyan mo."

"Oo nga pala hehehe, thank you daddy!!" Mabilis akong lumapit sakanya at niyakap siya.

Ipinag bili rin niya ng laruan ang mga anak ko, tinanong rin niya kung anong gusto nila lalo na si max. Akala ko ay hindi niya matatanggap si max pero mali ako. Mali ako ng akala.

Nag punta kami sa time zone ni daddy, nakakatuwa dahil sinasabayan niya ako at sa wakas.... naramdaman ko rin ang magkaroon ng isang tatay.

Gusto ko sanang matulog sa bahay ni daddy para makasama ko silang dalawa ni nicket pero baka nakakaabala kasi ako at nahihiya rin ako. Sa susunod nalang siguro, I'm shy kasi.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now