Chapter 14

154 2 0
                                    


• | celebration ;

Inaayusan na nila si kierra at pinagmamasdan ko lang sila. Si alex naman nag aasikaso sa dalawang birthday boy. Pati ako ay inaayusan din.

After namin ayusan ay kinuha ko na ang costume ni kierra na snow white. Habang inaayusan ko si kierra ay pumasok ang dalawang bata na napaka pogi sa suot nila.

"Mom we have something for you" sabi ni sev at pumasok si alex at may nakasunod sakanila. Napatingin ako sa belle gown na nakasuot sa mannequin.

"Gusto ng mga bata na maging disney princess ka ngayon at hindi bilang isang Ina" sabi ni alex.

"Wear it mom!!" Excited na sabi ni sev kaya hinila ako ni lia na naka cinderella din. Sinamahan ako magpalit ni lia at inayos ang buhok ko.

"Habang busy ka sa pag aayos ng party ng mga bata, kinausap kami ng mga bata kami ni alex at nagpasama saakin para mag hanap nitong gown. Sila pa nga mismo ang pumili. Ang swerte mo sa mga anak mo, nakikita nila lahat ng effort mo. Sa pagkakataong ito gusto nilang ibalik ang effort mo dahil naa-appreciate nila lahat ng ginagawa mo" sabi ni lia at hindi ko alam ang ire-react ko.

Speechless ako. Si belle kasi ang favorite princess ko at hindi ko alam na alam ng mga bata pero siguro nabanggit ni alex.

Pag labas ko ay kita ko ang saya ng tatlo. Nag bow naman sila maging si alex.

"Princess Karalyn Freja" ani alex.

Mag sisimula na ang party at unang tinawag ang godparents.

"Ladies and Gentlemen! The God Parents!"

"Prince Kristoff  Azriel"

"Prince Heaven Liam"

"Prince Sky Lei"

"Prince Sevirino Emanuel Gregor"

"Prince Akihiro Aziel"

"Prince Alexander Eve"

"And last but not the least, the one and only female godparent, Princess Eliana Jewel"

"And of course let's not forget the family of our birthday celebrants."

"Let us all welcome the king of the palace, King Alejandro Sebastian David Finley. The grandfather of our birthday celebrants."

"Let us also not forget the person who made this party possible, a loving, caring, beautiful, strong and incredible woman who will do everything for her children, the mother of our birthday celebrant. Princess Karalyn Freja"

Maglalakad na sana ako ng pigilan ako ni sev. Hinawakan ng tatlo ang kamay ko.

"And also our three birthday celebrants, Princess Kierra Sebriela Faye, Prince Sevastian Klyde Waylen, and Prince Seabastien Ford Zyair Atlantic!"

Nag lakad kaming apat at hawak hawak nila ang kamay ko. "You are not just our mom today mom, you are a princess today" atlantic.

"This is our day mom" kierra.

May mga sinabi pa ang emcee at nakakatuwa dahil naka dward costume ang mga staff maging ang emcee huhuhu.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsWhere stories live. Discover now