Chapter 2

22.9K 807 108
                                    

Matias POV

"I'M sorry Georgina but I don't like you." Walang kagatol gatol kong sabi sa babaeng nasa aking harapan na nagpaplano ng mag isa para daw sa future namin.

"W-What? What did you say Mat?" Tila nabibinging sabi ni Georgina.

"Do I need to say it again? I know you heard me clearly." Bored ko syang tiningnan. Gusto ko na syang lumabas ng opisina dahil malapit ng dumating ang bisita ko.

Kumurap kurap ang mata nya at saglit na di nakaimik. "B-But.. But why Mat?"

Bumuntong hininga ako. "Kailangan pa ba ng dahilan? You're nice Georgina and pretty -- ."

"Correction Mat. Gorgeous not pretty -- "

"Whatever. I still don't like you."

Bumagsak ang panga nya at nalungkot ang mukha. Tila pa ito maiiyak.

"B-But why Mati? P-Pangit ba ko?"

"Nah, you're pretty ok? It's just that you are not my type. Hindi ikaw ang tipo kong girlfriend o kaya asawa."

Umawang ang labi nya at unti unting naging mataray ang bukas ng mukha. "I don't believe you Mati. Walang lalaking hindi nagkakagusto sa akin. Lalo pa at anak ako ng isang business tycoon na kilala sa buong Pilipinas. No man can say no to me."

"I don't fucking care kung kanino ka pang anak. Ibahin mo ko Georgina. And please stop sending me gifts. I don't need those. Tigilan mo na rin ang pagpunta punta dito sa opisina ko dahil pinagtsitsismisan na ako ng mga empleyado ko." Malamig kong sabi.

Lalong umawang ang labi nya na parang di makapaniwala sa aking sinabi. Tiningnan pa nya ako ng pababa at pataas saka padarag na tumayo. Nanalim na rin ang kanyang mga mata. Naglaho na ang kanyang maamong mukha kanina. Lumapit sya sa desk at hinablot ang paper bag na may lamang regalo nya sa akin.

"Hmp! I hate you Maalik Tobias Santiago. Nuknukan ka nga ng gwapo at macho. Tuod ka naman. Walang pakiramdam. Walang puso. Bastard!"

May pumitik na ugat sa aking sentido sa huling sinabi nya. Tinapunan ko sya ng matalim na tingin sabay bayo ng malakas sa aking desk.

"Get out!" Bulyaw ko sa kanya.

Napapitlag sya at namutla sabay talikod at labas ng aking opisina.

Sinandal ko ang likod sa backrest ng aking swivel chair sabay himas sa batok at in-stretch ang leeg. Nakakastress talagang makipag usap sa mga babaeng kagaya ni Georgina.

Toktoktok!

Tumingin ako sa pinto ng bumukas ito at sumungaw ang ulo ng aking secretary na si Jamil.

"Boss, dumating na po si Sir Danon." Hayag nya.

"Papasukin mo sya Jamil at igawa mo ko ng kape."

"Yes sir."

Niligpit ko ang ilang papeles na nakalatag sa harapan ko at sinilid sa isang brown folder. Nakarinig ako ng boses ng bata kaya nag angat ako ng tingin. Napakunot ang noo ko ng makita ang pinsang si Danon kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak na si Dalton. Parehas pa silang naka-shades at parehas din ng gupit ng buhok. Parehas ding may ngisi sa labi. Hindi talaga maipagkakailang mag ama sila dahil magkamukha.

"Say hello to your Tito Mat, baby."

"Heyyow po Tito Mat." Bati ni Dalton sa akin at tumakbo palapit.

"Hello bigboy." Yumuko naman ako para mahalikan nya ako sa pisngi. May tunog pa ang kanyang halik. Malamang tinuruan ng ama nya.

"Fist bump baby." Utos pa ni Danon.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon