Chapter 18

18.8K 730 137
                                    

Ava POV

"TAGA saan naman ang nga magulang mo iho?" Tanong ni mommy kay Ervin.

"Tubong Cavite po parehas ang mga parents ko tita. Doon rin po kami pinanganak ng dalawa ko pang kapatid. Elementary po ako ng pumunta kami dito sa Manila at dito na po nanirahan dahil parehas pong nandito ang trabaho ng mga parents ko." Magalang na sagot ni Ervin.

"Ano naman ang trabaho ng mga magulang mo?"

"Ang papa ko po ay isang branch manager ng bangko at si mama naman po ay isang teller dati. Pero nagresign na po sya at pinapatakbo po ngayon ang grocery store namin."

"That's nice.."

Marami pang tanong si mommy kay Ervin tungkol sa personal nitong buhay. Si Kuya Atlas naman ay mataman lang na nakikinig at matiim na nakatingin kay Ervin na parang sinusuri ito. Ito ang unang gabing pag akyat ng ligaw ni Ervin. Seryoso nga talaga sya na liligawan ako. At si mommy naman ay tinawagan agad agad si Kuya Atlas kanina at binalita na may manliligaw ako kaya dali daling pumunta si kuya dito. Paminsan minsan ay nagtatanong din sya at halatang nangingilag si Ervin sa kanya.

"Ava is my baby sister Ervin. Walang problema sa akin kung seryoso ka talaga sa kanya. Pero kung balak mo lang syang gawing pampalipas oras mas mainam pang itigil mo na to. Dahil sa oras na maging kayo ng kapatid ko at niloko mo sya ako ang makakalaban mo."

Napasinghap kami ni mommy sa payong may kasamang banta ni Kuya Atlas kay Ervin na namumutla naman.

"Atlas, ano ka ba? Tinatakot mo naman si Ervin eh." Saway ni mommy.

"Dapat lang syang matakot mom."

"Kuya behave nga." Saway ko rin sa kapatid. Pero sinamaan lang nya ako ng tingin na ikinanguso ko na lang.

"Don't mind him iho, nagbibiro lang itong panganay ko." Nakangiting sabi ni mommy kay Ervin.

"Hindi ako nagbibiro, seryoso ako." Saad pa ni kuya. Pinalo na sya ni mommy sa braso pero wala pa rin syang tinag at matiim pa ring nakatingin kay Ervin.

Ngumuso na lang ako at di na rin sumabat dahil baka mag init ang ulo ni Kuya Atlas. Kawawa naman si Ervin na parang tinakasan na ng dugo sa putla. Malamig sa sala namin pero pinagpapawisan na sya. Si kuya kasi eh. Baka hindi na bumalik sa panliligaw si Ervin.

Tumikhim si Ervin at tumingin sa akin sabay ngiti. Ngiting kinakabahan sa kuya ko.

"S-Seryoso po ako kay Ava sir. Mabuti po ang intensyon ko sa kanya." Matatag nyang sabi kahit medyo nautal nung una.

"Well let's see.." Ani Kuya Atlas at ngumisi. Tumingin pa sya sa akin. Inirapan ko naman sya. Mukhang balak pa yata nyang pahirapan si Ervin.

Isang oras lang nagtagal si Ervin. Dahil panay ang parinig ni Kuya Atlas na masyado na raw gabi at may mga pasok pa raw kami sa trabaho bukas. Well totoo naman, pero kasi alas otso pa lang ng gabi. Sadyang gusto nya lang pauwiin na si Ervin.

"Pasensya ka na sa inasal ng kuya ko Ervin." Nahihiyang sabi ko sa kaibigan at manliligaw ng ihatid ko sya sa labas ng gate. Alam kong nakatanaw pa rin si Kuya Atlas at si mommy. Maging ang mga tauhan nga na bantay sa gate ay nakamasid din sa amin o mas tamang sabihing nakabantay kay Ervin.

"Ayos lang Ava, naiintindihan ko naman ang kuya mo. Babalik na lang ako bukas ng gabi."

Umawang ang labi ko. "Sigurado kang babalik ka?"

Tumawa sya. "Oo naman. Sabi ko nga sayo papatunayan ko ang sarili ko sayo, sa mommy at kuya mo."

Pagkatapos ng interogasyon sa kanya ni Kuya Atlas kanina ay di ko na inaasahan na gugustuhin pa nyang bumalik. Bakas kasi ang takot sa mukha nya kanina kay kuya.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon